NChapter 1
Zaniah Yzabelle Huiden's Point of View
"Belle! Yzabelle! HOY BABAE! BUMANGON KA NA!" napabalikwas ako sa kama nang maramdaman ang mabibigat na hampas sa aking katawan.
Nilingon ko si Abby na inirapan ako, siya ang humampas sa akin gamit ang unan.
"Kailangan talagang magpagising muna, ano? Hala! Bangon na! Ipagluto mo na ako ng makakain!" saglit pa akong natunganga dahil inaantok pa talaga ako. "Oh ano pa tinatanga-tanga mo diyan?! Kumilos na!" mataray na saad ni Abby at padabog na lumabas ng kwarto ko.
Nagpakawala ako ng buntong hininga at nagsimula ng kumilos. Matapos maayos ng mabilisan ang kama ay patakbo na akong bumaba at sinimulan ng magluto nang makarating sa kusina.
"Abby, ito na iyong pagkain mo, oh." nakayukong sambit ko habang hawak ang tray at bahagyang sinulyapan ang tutok sa cellphone na si Abby, siya nga pala ang anak ng tiyahin ko.
"Ilapag mo na diyan sa table. Ayusin mo na yung pagliliguan at isusuot ko." mabilis lang siyang lumingon sa akin at binuhos na naman ang buong atensyon sa cellphone niya.
Marahan ang lakad ko dahil ayokong maramdaman niya ang pagtutol ko. Sa paglalakad papunta sa kuwarto niya ay nakasalubong ko si Aunt Fe.
"Oh? Mabuti naman at gising ka na?" nanunuyang tanong ni Aunt Fe. Hindi ako sumagot at yumuko lang ako saka bahagyang kumapit sa laylayan ng aking damit.
"Nakapagluto ka na ba?"tanong niya.
"Opo."sagot ko.
"Eh, naayos mo na ba ang pagliliguan ni Abby at isusuot niya?"
"Aayusin pa lang po."
"Oh siya! Pagkatapos mong gawin iyon ay plantsahin mo na ang mga damit na isusuot ko."maarteng naglakad si Aunt Fe palayo sa akin.
Isang mahabang buntong hininga ulit ang pinakawalan ko upang maalis sa aking sistema ang namumuong galit.
Matapos ang lahat ng dapat kong gawin ay pumasok na ako sa kuwarto ko upang ako naman ang makapag-ayos papasok sa eskwelahan.
Nakaalis na si Abby at Aunt Fe. Mag-isa na lang ako sa mansyong ito. Hindi kumukuha si Aunt Fe ng kasambahay dahil aniya'y ako lang sapat na. Naninigas ang kalamnan ko sa inis sa tuwing naaalala ko ang mga pagpapahirap nila sa akin.
Pagtungtong ko pa lamang sa sahig ng classroom ay may malakas na tumapik-tapik sa likod ko. Medyon napaubo ako dahil doon at tinignan si Christ na nakangising aso sa akin.
"Ang ganda mo ngayon, Zaniah. Are you free later?" nangilabot ako sa tanong niya kaya nagmamadaling naglakad ako papunta sa pwesto ko.
Dinig ko ang malalakas na tawanan nila lalo na ng mga nasa likuran ko. Naramdaman kong may tumama sa likuran ko kaya napalingon ako sa bagay na iyon.
Crampled paper. Sighed.
Kinapa ko ang likuran ko at tama nga ang hinala ko. May idinikit na naman silang papel, "Need shits." ang sulat na nakalagay dito.
Nakakasawa na ang paulit-ulit na ganitong eksena, hindi ba sila nagsasawa? Ang tagal ko na talagang pinag-iisipan ito, eh. Ano bang nagawa kong kasalanan? Kasi, sa pagkakatanda ko, wala. Kahit halungkatin ko ang utak ko o balikan ang nakaraan ay wala talaga akong maalalang may ginawa akong masama sa kanila.
"Hoy, Zaniah! Yung mga kalat mo, oh! Sumbong kita kay Ma'am!" pananakot ni Sheena. Mga hudas talaga. Sila ang nagkalat, ako ang masisisi. Tch.
Isa-isa kong pinulot ang mga crampled papers nang may tumapak sa kamay ko kaya napahiyaw ako sa sakit. Maluha-luha kong inangat ang tingin ko mula sa black shoes, slacks, white polo at sa gwapong mukhang pagmamay-ari ni Jake. Ang demonyong si Jake Nuevas. Ang demonyong crush ng mga malalantod. Kainis.
BINABASA MO ANG
Morgia Academy
FantasyWar after war. Death after death. Bad will always be bad and good will not always be good. In my world full of magic, one word for you dear, zmiena.