Chapter 4

422 16 4
                                    

Jho's POV

Di pa rin ako makapaniwala na team mate ko yung girl crush ko! At pag sinuswerte ka nga naman, naging roommate ko pa! Yes, you've read it right. Crush ko si Bea, as in! Since highschool!

Nung nasa parking lot kami, di ko pa siya ma-mukhaan nun kasi mas tumangkad siya at mas lalong gumanda!

Hindi mawala sa isip ko yung nangyari sa parking lot at iniisip ko pa rin kung sino yung babaeng naka bangayan ko kanina kahit na nasa BEG na ako. Masyadong siyang familiar sa akin.

Kaya naman pagka pasok na pagka pasok niya sa gym, ayun! Tama nga yung hinala ko na siya nga yung girl crush ko na nag aaral dati sa poveda.

Hindi ko alam kung anong ikikilos ko pag makaharap ko na siya. Kaya naman nung magpapakilala na lahat ng rookies, pinili kong umupo sa likod niya para di niya ako mapansin. Pero yeah, di naman ako naka iwas sa introduction kaya naman mas minabuti ko na lang na mag mukhang mataray o masungit sa kanya. Ewan ko ba kung napapaniwala siya sa acting skills ko.

Napansin ko rin during the training na lagi silang nagkakatitigan ni Maddie. Syempre naiinggit ako, crush ko yun eh.

Tsaka yung laro kanina, sinasadya ko talaga na di sumabay sa pagblock niya. Eh kasi nakakainis! Pag nagkakaharap sila ni Maddie sa net tudo harot, sakit sa mata.

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko ngayon. Katatapos lang namin kumain. Nasa baba silang lahat, nagkukwentuhan. Naka harap ako sa laptop ko ngayon, pero lumilipad ang isip ko. Pinagpaplanohan ko pa kung paano ako makakatulog lalo na't si Bea ang kasama ko dito mamaya.

Hindi kasi ako nakakatulog kapag walang katabi. Nasanay na kasi ako na laging may katabi. Dahil simula pagkabata, lagi na kaming magkatabi matulog ng nakababata kong kapatid na si Jaja.

Kaya argh! Di ko alam kung anong gagawin ko ngayon!

"Hindi pwedeng hindi ka matulog ngayon Jho kasi maaga pa yung pasok mo bukas" bulong ko sa sarili ko. Mababaliw na talaga akooo!

"Eh ba't ko pa ba kasi siya inaway-away? Di naman mahirap magsorry ah aarrrgh!"

Bago pa ako tuluyang mabaliw, I heard footsteps sa labas. At parang papunta yun dito.

Si Bea na ata to. Bahala na. Sabi ko sa sarili ko.

Walang anuma'y bumukas yung pinto. Kaya nagpaka busy ako sa laptop ko. Narinig kong pumasok siya sa cr.

Jho, do something!

Damn it. Anong gagawin ko?

Narinig ko ulit yung pag bukas at sara ng pinto. At nakita ko sa peripheral ko na humiga na siya sa kama niya at nag cecellphone.

Hmm? May katext? Taken na kaya siya? Sa pagkaka alam ko single siya nun eh. Swerte naman ng magiging jowa niya kung sakali.

Habang nag iisip ako ng kung ano ano. "Good night, Jhoana"

Napa tingin agad ako sa kanya. Pero nakatalikod siya sa akin. Like omg, did I hear it right? Nag good night ba talaga siya sa akin?

"U-uh good night din, Bea" Takte. Buti naman I managed to speak out those words wew.

Arrrrgh paano ba 'to? Di nga ako makakatulog pag walang katabiii.

Bitch, do something!

Tangina kinakausap ko na naman sarli ko. Pero, argh!! Bahala na!

"Uh Bea, pwede bang tumabi sa'yo?"

Kung Di Rin Tayo (A JhoBea Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon