Chapter 6

527 16 9
                                    


Jho's POV

Di pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kanina sa cafeteria. Aware naman ako na para na akong tangang tulala dito sa classroom namin at wala ni isa sa mga pinagsasasabi ng prof namin ngayon ang pumapasok sa ulo ko.

"Hoy"

Humuhopia sa ex? Mahal niya pa kaya?

"Hoy, Jho"

Sino ba kasi yung ex niyang tarantado?

"HOY, JHOANA!"

Muntik pa akong mabalikwas sa inuupuan ko dahil sa sigaw ni Ponggay sa akin.

Pinandilatan ko siya ng mata dahil lahat ng mga mata ng mga kaklase ko, maging ang aming prof, ay nasa amin na.

"Yes? Kailangang sumigaw Ms. Gaston?" baling ng prof namin kay Ponggay. Tumayo naman siya.

"Ah eh, sorry po prof, ang bingi kasi netong si Jhoana hehe."  tiningnan niya naman ako at bumelat pa. Tf? Loka loka tong babaeng to!

"Well, in case you forgot, we're inside a classroom and I'm talking here in front so, kahit na sobrang bingi at puno ng earwax yang classmate mo" Baling niya sa akin at nagtawanan naman ang iba sa mga kaklase ko. Argh! "still, you should be mindful with your voice. Understood?" Patuloy niya.

"Yes po, prof. It'll never happen again."

"Sit down." At umupo naman si Ponggay at nagpatuloy sa pagsasalita si prof.

"Oh, linisin mo yang tenga mo mamaya ha? hahahaha" Bulong niya pa sakin. Tsk, Napaka mapang asar.

"Pakyu" Sabi ko na lang pero ang gaga halos mamatay na kakapigil ng tawa niya.

Matapos ang dalawang oras ng kakadiscuss ng prof namin, natapos na rin ang klase.

"Sa wakas! Magkakapag linis ka ng tenga mo Jho! HAHAHA"  Oo nga pala! Muntik ko na makalimutan yung ginawa niya kanina.

Lumapit ako at pinalo siya ng palakas.

"Ouch!"

"Suits you, hmp!"

"HAHAHA galit ka na niyan?" Tanong niya. Di ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagliligpit ko ng gamit. "Kasi naman ikaw ang bingi mo talaga, legit! Nakailang tawag ako sayo pero di mo talaga narinig."

"Eh kasi.." Sasabihin ko bang laman ng isip ko yung nangyari kanina sa cafeteria?

"Oh ano? May problema ka ba?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kung Di Rin Tayo (A JhoBea Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon