Chapter Twenty Two: Random

34 0 0
                                    

Chapter Twenty Two:Random

*Flashes*

"Alam ko...kung pwede nga lang sana na ako na lang ang nakakaramdam ng sakit na yan...kung pwede lang sana na hindi ko na makita ang luhang yan....at kung pwede lang sana na ako nalang ang magprotekta sa'yo...

Humigpit ang yakap nya saken.

...kung pwede lang sana na ako na lang ang mahalin mo..."

"Hiiiiiiii....babyyyyyy koooo"I snapped back when Jerick's hand waves in front of my face. "Mahbaby mahbaby..."Kanta nya ng endearment namin sa harap ko.

Tinaboy ko yung kamay nya."Yun bumalik kana din sa ulirat mo! Sabi ko kasi sa'yo baby'loves tigilan mo na ang pagsinghot ng katol! walang nagagawang mabuti yan sa katawan!"Naiiling nyang sabi habang sinusubo ang fried chicken nya. Ang dami naman nyang dinudugtong sa endearment nya saken!

"Tss! puyat lang ako!"

"Yan! wag mo kasi akung iniisip! Yan tuloy napupuyat ka!"

(-________-)Pano ba naman kita hindi iisipin kung nagbibigay ka ng rason para isipin kita!

"Kapalmoks ka Je!"Sabay dakot sa muka nya gamit ng palad ko.

Hinawakan nya ang kamay ko na nakadakot sa muka nya at kinulong sa dalawa nyang kamay.

Binigyan nya ko ng malalalim na tingin.

"Wag mo sanang isipin na kahit nakikipag biruan ako sa'yo ng ganto...di na ako seryoso sa mga sinabi ko sa'yo ng araw na yun...it doesn't change the fact that i love you."Makahulugan nyang sabi. Bakit bigla na lang nagbago mood nya?

"Gusto na kita bago mo pa malaman na nagugustuhan mo sya...."Totoo ba tung mga naririnig ko?

"Sa dami ba naman kasi ng babaing naghahabol at gusto akung gahasain ikaw lang ang di nagtangka..."Sabay bungisngis nya.

Swerte naman nya kung rape'in ko sya!

"Ikaw lang yung babaing sa simpleng bagay napapangiti ako...kaso...indenial kasi ako sa sarili ko ehh...yan tuloy nahuli na ako..
Nahuli na ba ako?"Tinitigan nya ako sa mata.

"Hindi na ba pweding humabol? Hindi ka pa naman ganun kalunod sa kanya diba?"Mas lalong humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Pwede mo pa akung hayaan makahabol...pwede mo pang abutin ang kamay ko na inaabot sa'yo..."He almost whispered.

Kung kay Jerick ako alam kung hindi na ko iiyak.....

PAMILA'S POV

Kainis! Kanina pa ko palakad-lakad dito sa booth namen!!

I'm sooooo, sooooo, soooo exhausted! (TT____TT) I feel like as if my toes dumping like it has a heart inside my foot!!

Dapat dii na nagbukas tung booth namin eyy! Nabawi naman na ang lahat ng funds na nagamit dito kahapon ng magbukas kame!

"Miss Paorder!"

Ojezz! Kakatigil ko pa lang sa paglalalad eyy! Maglalakad nanaman ako?!

Nakabusangot akung lumapit doon sa table ng costumer na tumawag saken.

"Your order ser..."Walang gana kung tanong. Dii na ko nag-abalang tignan ang muka nung costumer. Wala din naman akung mapapala kung titignan ko diba? Buti sana kung sya sii James Reid...baka sakaling mapawi ang pagod ko.

"Ganyan ba dapat kumuha ng order sa costumer?"

Napakunot ang noo ko, di dahil sa sinabi nya...kundi dahil sa boses nya...

My Bully guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon