Chapter 22

17.9K 84 12
                                    

Chapter 22

>>>Dennise’s POV

 

Ako’y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako’y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko’y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa’kin kayo ay bibilib”

Nakikinig lang ako sa kantang iyan habang nakasakay sa aming sasakyan habang papunta sa unibersidad na pinapasukan ko, ang Near Western University (NWU)

 

a/n: opposite ng Far Eastern University. Hahahaha LOL!

si Mang Romy ang kasama ko ngayon, siya naman kasi talaga yung driver ko eh, saka tinakasan ko yung mga body guards ko.. ayokong kasama yung mga yun, nakakatakot ang mga pagmumukha nila. mas prefer ko ang mag-isa. ang malayo sa mga kamay nila..

anyway, paulit-ulit kong pinakikinggan yung kantang Sirena ni Gloc 9, kasi nakakarelate ako..

oo babae ako at alam ko na yung kanta na yun eh pang-ibang kasarian partikular na yung mga bakla, pero hindi ko talaga maiwasang makarelate sa paraang, nararamdaman ko yung message ng kanta yung tipong walang nakakaintindi sa sitwasyon mo, sa kung anong nararamdaman mo, yung parang lahat against sayo?! parang wala ka ng kakampi kundi ang sarili mo..

nakakarelate ako eh! ramdam ko yung mensahe ng kanta.. yung sakit..

masyado na ba akong madrama? o sige hindi na, pipigilin ko na muna ang emosyon ko at susubukan kong iayos ang pagkkwento ko.. susubukan kong maging manhid muna.. susubukan ko..

so ngayon nga pala ang first day ng semester, irregular student na ako. kasi hindi ko natapos yung mga subjects ko last sem sa kadahilanang alam niyo na..

masyadong naging masaklap yung buhay ko noong mga nakaraang buwan na yun, tila parang isa akong basong manipis na sobrang daling mabasag.. kasi super sensitive ng feelings ko. pero good thing mejo naaayos ko naman na yung ugali ko..

actually, ayoko sana talagang pumasok ngayon.. kaso natatakot ako kay papa. Kailangan makita niya raw akong nag-iimprove kahit papaano dahil kung hindi, ipapadala niya daw ako sa ibang bansa, kaya eto, labag man sa loob ko pero sinusubukan ko talaga, dahil ayokong iwanan ang Pilipinas..

yung bansa kung saan maraming mandurugas, kulang sa bigas at sa hirap ng buhay, maraming naglalaslas, PILIPINAS!!

narealized ko rin kasi na tama naman at maganda yung intensyon ni papa na mag-aral ako ulit para saakin naman yun, kaya pinagbigyan ko siya.. hindi ko na tinigasan pa yung ulo ko sa gusto at ayaw ko.. ama ko pa rin siya kaya dapat sundin ko siya, kaya nga eto.. ginagawa ko, sinusunod ko..

My Personal "BODY" Guard by spunchbobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon