Chapter 28B

15.2K 172 38
                                    

Dedicated kila Rona, ayeshachamp, mitch, jhesselvessel,  Kris Demesa, Raine Lim, forever07, and jhaeyrenz kasi nasagot nila yung tagalog ng wrist!! since si Ronalyn ang pinaka-unang nakasagot ng tamang tagalog ng wrist, kaya sa kanya yung pinaka dedication.. :)))

Wrist - base sa dictionary na nabasa ko, pwedeng pulso, galang-galangan, pulsuhan.. :)

Chapter 28B

patuloy pa rin kami ni Gabriel sa paghahalikan. hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang pigilin yung sarili ko para ihinto yung ginagawa namin. alam kong mali pero may tumutulak talaga saakin para halikan siya..

bakit kasi angkulit-kulit niya eh tapos ni-lick pa niya yung lips niya kanina. ayan tuloy hindi ko napigilan yung sarili kong halikan siya bigla. actually, kanina pa ako nagpipigil sa sarili ko na maging behave sa tabi niya kasi nakakahiya kapag may ginawa akong hindi kaaya-aya, saka isa pa nakakahiya sa nanay niya, ano na lang iisipin ni Nay Lucy saakin? makikitira na nga lang ako tapos yung behavior ko naman hindi maganda.. 

kanina pa talaga kung anu-anong pumapasok sa malumot na utak ko eh, lalo yung day-dreaming ko habang nag-uurong! sh*t! epic yun! sa buong buhay ko hindi ko man lang natry managinip na nakikipag-s*x maski kay Joshua hindi ko nagawa yun. imagine pwede pa, pero sh*t! bakit ako nagkakaganito!!!!

"gosh.. Gab!" nagulat kasi ako dahil sa patuloy namin na paghahalikan eh nakapasok na pala kami sa loob ng kwarto niya. nagawa na ring itulak ng kanyang paa yung pinto papasara habang patuloy at dire-diretso pa rin kami sa paghahalikan.

gusto kong tumigil pero parang hindi pa ako kuntento?

"shhhh.." sabi niya habang bumababa ang halik niya mula sa aking bibig papunta sa aking leeg. napahawak naman yung dalawa kong kamay sa buhok niya dahil sa kiliti at init na nararamdaman ko dahil sa ginagawa niya..

inilagay niya yung kanang kamay niya sa batok ko habang yung kaliwa naman niya ay nasa gawing bewang ko para alalayan ako sa pagkakatayo at para din mapalalim yung mainit naming pagpapalitan ng halik. 

dahan-dahan kaming naglakad papunta sa dulo ng kama niya ng hindi pinuputol ang mariin naming paghahalikan.. hindi ko alam kung paano namin nagawang maglakad ng hindi bumubunggo sa kahit anong bagay sa loob ng kwarto, basta we're continuously kissing until we reached his bed. 

malamang kwarto 'to ni Gabriel kaya malamang sa malamang kabisado niya yung mga sulok-sulok nito kahit pa nakatakip yung mga mata niya..

naramdaman kong masyadong mainit sa kwartong ito, parang lalagnatin yata ako, parang magkakatrangkaso ako. kailangan ko yatang uminom ng maraming gamot para mawala yung init na nararamdaman ko?

tila pakiramdam ko nakababad ako sa tubig ng kumukulong tubig. bawat haplos sa braso ko ni Gabriel, bawat halik niya sa aking katawan, o bawat pagdidikit ng balat ko at balat niya, ay nakararamdam ako ng matinding init at tila ba isa akong kable ng kuryente na nag-iispark sa tuwing tumatama sa balat ko ang mainit niyang balat. gusto ko yung init na nararamdaman ko ngayon, gustong-gusto.. 

para din akong nawala sa sarili ko nang dahil sa mga masasarap na halik niya. unti-unti akong napahiga sa kama dahil na rin sa pwersa ng katawan ni Gabriel sa katawan ko na patuloy na nanghihina sa bawat halik niyang iniiwan sa itaas na bahagi ng katawan ko..

My Personal "BODY" Guard by spunchbobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon