Chapter 26A

16.5K 102 23
                                    

Dedicated to Miss Turning_Japanese. kasi naman nainlove ako kay Russell ng Your Place or Mine story niya. XDDDDDD hello miss author! XD

 

*****

Chapter 26A

"IKAW??????????!!!!!!" sabay na sigaw nina Gabriel at Deniella ng makita nila ang mukha ng isa't isa na siyang ikinagulat naman ni nanay Lucy..

[a/n: sa mga di pa nakakaalam, si Dennise po si Deniella (refer to chapter 25)]

"magkakilala kayo?" nagtatakang tanong ni nay Lucy sa dalawa..

"HINDE PO!!" sabay ulit na sagot ng dalawa sa nagtatakang si Nay Lucy habang nakatitig sa mata ng isa't isa

"BAKIT MO BA AKO GINAGAYA?" sabay ulit na sabi noong dalawa habang nag-iiwas ng tingin mula sa pagkakatagpo ng kanilang mga mata..

"huh?! ikaw jan ang gaya-gaya, putumaya eh.." sagot agad ni Gabriel sa iritadong si Deniella na tila may halong pang-aasar dahil sa pagngisi nito ng nakakaloko sa dalaga.

"kapal ng mukha mo!" bwiset na sagot ni Deniella sa lokong-lokong si Gabriel na magpahanggang ngayon ay nakangisi pa rin sa kanya..

"syempre hindi manipis, may mukha bang hindi makapal? tss hahaha" pambabarang sagot ni Gab kay Deniella

nanatili namang tahimik si Nay Lucy habang pinapanuod ang asaran ng dalawa na tila aso't pusa kung umasta. nagtataka siya kung magkakilala na ba noon pa yung dalawa kaya ganoon na lamang kung mag-usap or kung may 'past' ba sila..

imbes na pigilan ni Nay Lucy ang pag-aaway ng dalawa ay mas pinili niyang manahimik at panuorin ang mga ito na nag-aasaran habang may bakas ng ngiti sa kanyang mukha dahil para sa kanya parang bumabalik yung pagkadalaga niya. naaalala niya kasi yung mga LQ nila noon ng kanyang sumakabilang bahay na asawa..

kinikilig si Nay Lucy para sa anak niya, dahil napansin niya na bagay pala na magkatuluyan sina Gabriel at Deniella. iniisip niya na kapag nagkatuluyan ang mga ito ay bibigyan siya nito ng magaganda at gwapong-gwapong mga apo..

"pshh. korni mo! umuwi ka na!!! boo!" pambabasag na sagot ni Dennise kay Gabriel sabay irap ng malalim sa binata.

"bakit ako uuwi, eh nasa bahay "namin" na ako?! baka ikaw ang dapat umuwi sa inyo?!" sagot ni Gabriel na may pagdiin sa salitang 'namin' para asarin pa lalo ang super duper mega iritang dalaga.

BOOM!!!

 

SAPUL!!!

natahimik na lang bigla si Deniella ng marealize niya na nasa pamamahay nga pala siya ni Nay Lucy, tapos inaaway niya pa sa harap nito yung kanyang anak.. nanahimik rin siya sa kadahilanang nanakit bigla ang kanyang puson.

pero sa isip-isip niya ay gustong-gusto niyang lapitan si Gabriel mula sa pagkakaupo nito sa kanilang sala para sana balian ng buto ang nakabenda nitong kanang braso tapos sampal-sampalin ang mukha, yun nga lang ay hindi niya magawa dahil sa hiya kay Nanay Lucy..

My Personal "BODY" Guard by spunchbobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon