Chapter 27B

15.4K 99 31
                                    

Chapter 27B

>>>Deniella's POV

natapos na akong kumain ng breakfast na inihanda para sa akin ni Nay Lucy. gaya ng sabi niya, inilagay ko yung pinagkainan ko sa lababo. hindi ko alam ang gagawin pagkatapos kong ilagay sa lababo kaya iniwan ko na lang siya dun tapos naghugas ako ng kamay saka ako kumuha ng isang basong tubig at uminom.

sumandal ako sa may ref habang nag-iisip.. iniisip ko kung hinahanap na ba ako nila papa, kung hanggang kailan ako mananatili sa bahay na ito at kung bakit ang mercurial ni Gabriel. tipong kagabi lang inaasar niya ako, pinipikon niya ako then isang gabi lang yung lumipas naging seryoso siya bigla? naging tahimik na lang siya?

speaking of Gabriel, bigla siyang dumating dito sa kusina kaya naman nadestruct yung pag-iisip ko ng dahilan bakit biglang ang tahimik niya. napatayo ako ng maayos mula sa pagkakasandal ko ng bahagya sa ref nila. kasi baka magalit siya saakin at bigla na lamang akong palayasin dito. well, kumpara kanina na nakahubad siya, atleast ngayon nakasando na lang siya na black..

as usual, nakakadestruct pa rin yung malalaki niyang braso. hindi  naman sa malaki kumbaga sapat na yung muscles niya sa braso para maakit hindi matakot ang isang babae. pero hindi yung babaeng tulad ko. duh?! duh lang talaga!

"morning! kumain ka na?" okay binati ko siya. nangati bigla yung dila ko na magsalita. kahit alam kong hindi pa siya kumakain tinanong ko pa rin siya kung kumain na ba siya. psh! stupid Deniella!

"---------" nanatiling wala siyang imik. so ano to? binibigyan niya ako ng silent treatment?! amp!

"huy! hello?! Gabriel?" hindi pa rin niya ako pinapansin. may nagawa ba ako?! may kasalanan ba ako sa kanya?! nagdire-diretso lang siya sa paglalakad papunta sa lababo para maghugas ng mga kamay. I mean, kamay lang pala. may benda nga pala yung kanan niya so kaliwa lang niya yung mahuhugasan niya. covered kasi ng benda yung braso hanggang kanang kamay niya.

pinanuod ko lang siya sa ginagawa niya. ang sarap niyang panuorin. kaso pag napapatingin ako sa mukha niya nababadtrip ako kasi wala man lang karea-reaksyon sa mukha. para bang hindi ako nag-eexist dito malapit sa kanya. tss!

pumunta siya sa lalagyanan ng mga plato then using his left hand, kumuha siya ng plato tapos sinubukan niyang kumuha ng spoon and fork gamit yung kamay niya na may benda kaso mukhang malalaglag ito so bago pa malaglag, lumapit na agad ako sa kanya para ako na lang yung hahawak nung spoon and fork na kinuha niya.

"ako na nga.." inagaw ko sa kanya yung spoon n' fork para ako na yung magdadala

*ting*

ayan na nga. nalaglag na..

agad akong yumuko para kunin yung nalaglag na kutsara tapos yumuko rin pala siya.

"ako na" pareho naming nasambit nung pareho na kaming nakahawak sa kutsarang nalaglag. napatingin ako sa mga mata niya. agad naman siyang nag-iwas ng tingin tapos tinanggal niya yung pagkakahawak niya sa kamay ko na nakahawak sa kutsara.

"sorry. hindi ko sinasadyang mahawakan yung kamay mo" sabi niya sabay tayo at saka umupo sa may lamesa.. sa wakas, nagsalita na rin siya. pero bakit bigla bigla na lang nauso sa bokabularyo niya yung salitang 'sorry'? anong meron?! anong nakain nya?

My Personal "BODY" Guard by spunchbobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon