17. I'm choosing you

523 8 5
                                    

LOU's POV

"Hindi alam ni Andre na nakipagkita ako sa'yo." sabi ni Abi sa'kin pagka-upo ko sa harapan niya, "I decided to talk to you and discuss things with you." 

Dalawang araw na ang nakakalipas mula 'nung makauwi ng Manila sila Mitch, and I haven't heard anything from Andre. I think that's a good sign na natanggap na namin pareho ang mga nangyari sa'min.

I nodded, "To be honest Abi, I have no idea in what kind of conversation we'll have." sagot ko sa kanya

"You know exactly what our topic will be." and she gave me a smile, "It's about Andre, and your past." 

I knew that this would come, and I'm so ready for this. 

"Ano ba talagang balak mo?" tanong sa'kin ni Abi, "Agawin sa'kin ang boyfriend ko?"

"Hindi ko itatanggi sa'yo na mahal ko pa rin si Andre, that ever since I start loving him I  never stopped." and I took a deep breath, "I clearly understand if you will feel furious or angry at me, but I want you to know that I won't say sorry for being honest." 

She frowned, "Hinding hindi ko ibibigay sa'yo si Andre." mahinahon niyang sabi

"Hindi ko hinihinging ibigay mo siya sa'kin, dahil wala naman akong balak manggulo sa inyo." sagot ko sa kanya, "Kaya din ako nakipagkita sa'yo dahil gusto kong sabihin sa'yo na ito na ang huling beses na makikipagkita ako sa'yo at pag-uusapan ang tungkol sa bagay na 'to. Inamin ko na sa'yo ang totoo and that's enough." 

Agad kong nakita na napakuyom ang kamay niya.

"'Nung mga panahong umalis ka papuntang America, hindi mo alam kung paano bumagsak ang buhay ni Andre. You were his greatest downfall, and I helped him to become better again. I made him believe in second chances." she said, "Sobra siyang nasaktan at ako ang nasa tabi niya 'nung mga panahong nasasaktan siya." and she gave me a look from head down to my hands, "E ikaw? Nasaan ka 'nung mga panahong kailangan ka niya? You were in the States, nagpapasarap, nagpapakasaya!" 

I slapped her immediately and pointed my finger towards her, "You have no idea how much pain I've been through when I was in the States, you have no idea how hard it is for me to live there without friends, without someone I could talk to." and I shook my head, "'Wag mong sasabihin sa'kin na may magulang ako. Hindi mo alam kung gaano kalaking adjustment ang pinagdaanan ko 'nung mga panahong nandon ako kasama ang mga taong unang nanakit sa'kin!" 

Napahawak siya sa pisnging sinampal ko. Wala na akong pakialam kung ilang tao ngayon ang nakakakita sa'ming dalawa, I want to clear things with her. Whatever it takes.

"Nagpunta ako dito para makipag-usap sa'yo ng maayos, pero kung isusumbat mo sa'kin na ako ang may kasalanan kung bakit naging ganito ang lahat, ipapamukha ko rin sa'yo ng paulit-ulit na pinagsiksikan mo lang 'yang sarili mo kay Andre kaya ka niya minahal!" matapang kong sabi sa kanya 

"Walang hiya ka." galit niyang sabi sa'kin

She was about to slap me when I caught her hand, "Masakit ang totoo diba?" tanong ko sa kanya and I put her hands down, "That's exactly what I felt 'nung pinamukha mo sa'kin ang pagkatao ko four years ago." and I gave her a smile, "Face the truth Abi. Hindi magiging kayo ni Andre kung hindi mo sinamantala ang kahinaan niya, diba?" 

"Mahal ako ni Andre, that's the truth!" sigaw niya sa'kin, "Naiinggit ka lang dahil ako ang mahal niya at hindi na ikaw." 

I nodded, "Are you trying to convince me that Andre loves you? Or are you trying to convince yourself?" tanong ko sa kanya pabalik, "Kung inaakala mo na papayag lang ako magpaapak sa'yo, nagkakamali ka." 

When Our Paths Cross AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon