2. Hello "Almost EX"

495 9 5
                                    

LOU's POV

"Lou, who are you calling?" tanong sa'kin ni daddy habang hinahanap ko sa contacts ko ang phone number ni Shawntel, "Your tita Grace and tito Mark will fetch us." 

I nodded, "I know dad, I'm just calling Shawntel to let her know that I'm already here." sagot ko kay daddy, "Diba nasabi ko na po sa inyo na pupunta rin sila Shawntel, Vince, Mitch at Dudz sa bahay natin para sa welcome party." 

"Oo nga pala." sabi ni daddy, "E 'yung "almost ex" mo? Pupunta rin ba 'yun?" 

I shook my head, "Dad what makes you think na iinvite ko 'yun? We're not even friends." I gave him a quick hug, "Don't worry dad, hinding hindi na mauulit ang nakaraan. Ni-friendship hindi ko ibibigay sa lalaking 'yun."

He smiled at me, "Very good." and he gave me a forehead kiss, "Ayoko lang masaktan ka na naman. Kung noon hinayaan ko, ngayon kapag sinaktan ka na naman niyan, mabubugbog ko na 'yan." 

Yes you're all right, nandito na kami sa Pilipinas. And as usual, sobrang daming hassle na sasalubong sa'yo sa airport. Nandiyan ang mahabang pila sa immigration, ang mabagal na paglabas ng mga bagahe sa carousel. O diba? Iba ka talaga, Pilipinas. 

Pero kahit ganito ang Pilipinas, sobrang na-miss ko din ang lugar na 'to. 

While waiting for our baggage to come out from the carousel, I decided to check on my old Instagram account. The last photo I uploaded in this account was during Mitch and Dudz' wedding. It's been four years since that day, yet, the memories of that day is still fresh in my mind. 

My biological parents came out of nowhere. 

My heart was broken unexpectedly. 

They always say that time heals all wounds, but that's bullsh*t. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa tuwing naalala ko ang mga nangyari 'nung araw na 'yun. At hanggang ngayon sinusumpa ko pa rin ang lalaking huling sumira ng puso ko. 

"Louise, let's go."

Napatingin ako kay daddy na nakuha na pala lahat ng bagahe namin.  

Paglabas namin ng airport ay agad kong naramdaman ang init ng hangin, welcome back Lou. At naririnig ko na ulit ang mga walang humpay na busina ng mga sasakyan sa kalsada. 

"Lou, are you okay?" tanong sa'kin ni daddy

I smiled and nodded, "I actually missed this kind of noise. I guess we're home." and he gave me a tap on my shoulders, "Where's tita Grace?" 

Inikot ni daddy ang tingin niya sa mga naghihintay ng pasahero, hanggang sa nanlaki ang mga mata niya. At 'nang sundan ko ang tingin niya ay agad kong nakita ang isang malaking karatulang ang nakalagay ay "Welcome home kuya Larry & LouLou!" 

We immediately saw tita Grace and tito Mark holding those banners up.

"Kuya!" rinig kong sigaw ni tita Grace na papalapit na sa'min

"Grace!" tawag ni daddy

At 'nang magkatagpo na kaming lahat ay nagpalitan na ng yakap ang bawat isa. 

"LouLou! We missed you so much." sabi ni tito Mark sa'kin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap, "Welcome home!" 

I smiled, "Na-miss ko din po kayo tito, tita. Salamat po sa pag-aasikaso ng lahat." sabi ko 

Tita Grace gave me a hug, pero agad kong napansin ang mga mata niya. Bakit parang may guilt sa mga mata niya? Ano'ng ibig sabihin ng mga 'yun? 

"Tita Grace, I missed you!" sabi ko habang nakayakap siya 

When Our Paths Cross AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon