9. The Reason & The Truth

468 11 6
                                    

ANDRE's POV

After ipa-deliver 'yung mga boxes at ibang gamit namin sa storage na ni-rent nila daddy ay dumating na sila Dudz para samahan 'yung mga tauhan nila ni Mitch sa house-cleaning ng bahay namin bago simulan ang renovation.

Nakaalis na rin sila manang dahil habang nagre-renovate dito ay magbabakasyo muna sila. Ang pinsan kong architect na lang muna ang bahala dito sa bahay namin habang nire-renovate ito. 

Habang naglilinis ang ilang tauhan nila ay nagkwentuhan kaming dalawa ni Dudz sa may swimming pool namin.

"So hanggang ngayon wala pa rin nangyayari sa inyong dalawa ni Abi?" tanong ni Dudz sa'kin habang umiinom kami ng kape sa may swimming pool

I shook my head.

"What happened to the Andre Samaniego na nagpapaligaya ng mga babae?" tanong sa'kin ni Dudz, "Napaligaya mo nga 'yung ibang babae na fling mo lang e, eto pa kayang girlfriend mo na talaga."

"I just can't do it with her, I don't know why." I immediately answered, "One time, we tried pero hindi natuloy kasi hindi ko makuha 'yung mood na meron ako every time I do it." 

"Baka naman hindi ka pa handa?" tanong niya sa'kin

I raised my two shoulders, "Maybe." and I took sip from my coffee, "And I also have high respect on her. Bago kami naging magkarelasyon, magbest friend kami. Parang ang awkward lang kasi." 

"E baka naman 'yun lang talaga ang tingin mo sa kanya." napatingin ako sa kanya, "Baka talagang hanggang kaibigan lang ang tingin mo kay Abi kaya hindi mo rin kayang gawin?"

"Girlfriend ko si Abi, okay? And I'm aware of that." sagot ko kay Dudz, "Siguro talagang naniniwala na ako na ginagawa lang 'yun after ng kasal." 

He shook his head, "I doubt it." and he raised his two hands, "No offence pare, pero kung talagang gusto niyong gawin, gusto niyo e. Kung ayaw, ayaw talaga." 

I frowned in confusion, "Anong ibig mong sabihin?"

"Baka talagang mas mabuti kung maghihiwalay na lang kayo ni Abi." sabi sa'kin ni Dudz, "I don't think the both of you have a healthy relationship. Sweet nga kayo sa harapan namin, pero pag kayong dalawa na lang lagi na kayong nag-aaway, nag-aargue, lagi ka na niyang nina-nag." 

I know tha Abi and I don't have a perfect relationship. There were times that we'll have a big fight, a small fight or just an argument, but it's normal. Normal lang sa dalawang taong magkarelasyon na magkaroon ng kaunting pag-aaway.

"Bro, umamin ka nga sa'kin." at nilapag ni Dudz ang kape niya sa lamesa, "Na-in love ka ba talaga kay Abi? O si Lou talaga ang babaeng mahal mo?" 

Kahit gustong gusto kong sabihin kay Dudz na mahal ko si Abi ay hindi 'yun ang sumunod na lumabas sa bibig ko.

"Ayokong saktan si Abi." 

Napailing si Dudz, "So kahit lokohin mo na lang siya na mahal mo siya, gagawin mo?" tanong niya sa'kin, "Bro, hanggang ngayon ba si Lou pa rin?" 

I took a deep breath, "Bro I tried." 

At napapunas na lang siya ng mukha sa mga sinabi ko.

"I tried my best not to put Abi in a rebound situation, I tried my best to love her more than just a friend, I tried my best not to use her but just like what they say the truth will always come out!" at hinagis ko 'yung iniinom kong kape, "God damn it!" 

When Our Paths Cross AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon