14. A moment in paradise

647 18 9
                                    

LOU's POV

"Good morning!" masayang bati sa'min ni Mitch 'nang makababa kaming dalawa ni Shawntel galing sa taas

Naabutan namin siyang naglalapag ng mga pagkain sa may labas ng villa namin at doon sila nag-set up ng breakfast namin ngayong araw. 

"O gising na pala kayo." napalingon kami sa nagsalitang si Andre na kasunod din si Vince na may mga dalang pagkain, "We made breakfast for all of us. Let's eat." and he gave me a smile 

Naupo na kaming dalawa ni Shawntel at nagsimula na kaming kumain lahat.

"So guys, what's our activity for today?" tanong ni Mitch sa'min habang kumakain, "Since kasama namin 'yung yaya ni baby Alexander, free kami para mag-enjoy tayong lahat." 

Agad namang sumagot si Vince, "Naisip namin ni Andre na mag-island hopping tayo. 'Yung parang ginawa natin dati?"

"That's a good idea. Ano game?" tanong ni Mitch sa'min ni Shawntel

Nagkatinginan kami ni Shawntel, "Sa'min ni Lou okay lang."

"What if magbonfire din tayo mamayang gabi diba? Chill lang tayo diyan sa tabing dagat. Jamming, kwentuhan or kahit na ano, basta chill lang tayo." suggest ko naman sa kanila 

"Okay 'yun!" sagot naman ni Andre 

"Uy mukhang nagkakasundo na ang dating nagkaibigan ah." pang-aasar sa'min ni Dudz, "Alam niyo kung hindi ko kayo kilala, iisipin kong pwede pa rin kayong dalawa." 

Agad namang sumagot si Shawntel, "Kaso alam naman nating hindi na, dahil may girlfriend 'nang guardya civil si Andre." at agad ko naman siyang siniko, "Pasensya ka na Andre ah, hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kailangan niyang magselos sa ibang babae, lalo na sa'min ni Mitch."

I frowned, "Bakit? Pinagselosan kayo ni Abi?" tanong ko

Tumango silang lahat.

"Kaya uminit ang dugo ni Shawntel kay Abi e dahil sa nangyaring 'yun." sabi ni Vince

Pinakwento ko sa kanila kung ano ang nangyari. 

"Sa sobrang pagse-selos sa'min ni Abi, sinugod niya kami one time." panimulang kwento ni MItch, "E syempre itong kapatid ko hindi nagpapatalo 'yan at hinding hindi magpapaapi, nagkasagutan sila hanggang sa nagkapisikalan silang dalawa."

I heard Andre sighed, "I tried to stop her but she's too strong." sabi ni Andre, "Kaya mula 'nun lagi na namin inaagapan si Abi at Shawntel sa tuwing magkakasagutan lang sila." 

"Buti nga 'di sumama 'yun dito e." sabi ni Shawntel 

After namin kumain ng breakfast ay nagprisinta na ako na lang magliligpit ng kinainan namin. Habang naghuhugas ako ng pinggan sa kusina ay naghanda na ang iba para sa island hopping namin. 

"Need help?" 

Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa harapan ko.

Umiling ko, "Thank you, kaya ko na 'to." sagot ko kay Andre, "Ba't di ka pa mag-ayos dun? Sila Mitch nag-aayos na para sa island hopping."

"I'm all set." sagot niya sa'kin at naupo siya sa stool na nasa harapan ng sink, "So you heard about Abi and Shawntel's fight, what can you say about that?" 

I frowned, "May kailangan ba kong sabihin?"

"I just need to hear an opinion." he said, "Sabi ni Vince hindi na raw normal 'yung ganong pagse-selos." 

When Our Paths Cross AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon