Chapter 2

8 0 0
                                    

"Hey there baby! I heard from Grace that you'll be having a party tomorrow at School so I assume, you're preparing for it?" Ayan na. Kadarating ko palang at kakatakas ko sa makulit na si Grace, eto naman si Mom ngayon.

"Yeah, Mom. As if I have other choices to pick?" Syempre bulong lang yung huli. Ayoko nga galitin si Mommy. Ganyan na yan simula no'ng araw na yun. Hay...

"Great. Go upstairs and fit your dress. Tell me in case you have a problem with it, a'right? I'd love to talk to you a little longer but something happened at firm and they need me there now. See you later, baby".

I nod. May magagawa ba ko? Mom just kissed me then stormed out the house. Wala na nga akong Dad, wala pang time ang nanay ko sa'kin. I feel her anyway. Psh, nakakalungkot lang. So bago pa ko magdrama, tumuloy na ko sa taas. Pagpasok ko nga sa kwarto ko, napansin ko na yung malaking box sa kama ko. I opened it to fit the dress.

Di ko type kasi girly stuffs are never my thing pero wala naman akong choice. Okay na rin naman, simple pero elegante tignan. Black dress siya na three inches above the knee. Yung mahabang see-through sleeves niya e hapit sa mga braso ko. Hapit siya sa katawan kaya naman nai-emphasize yung curves ko at nai-expose pati yung legs ko. Sa lower part nung dress, may mga swarovski crystals na talaga namang nagniningning. Pinartneran ko nalang din ng itim na stilleto. Okay na to. I'm sure naman na Mom already had an appointment for my make-up and such kahit pa labag yun sa kagustuhan ko.

____________

I woke up early today not because of excitement sa ball but to enjoy my sepia moment, it has been my morning ritual, anyway. It's only 5:23 in the morning pero tumambay na ko sa veranda para feel na feel ko ang sepia hours ko. Aba! Twice a day lang to 'no eh yung sepia moment ko pag hapon di ko kasi nai-enjoy. Na-absorb ko na kasi that time lahat ng bad sa bad vibes!

I took a sip of my coffee. Medyo kumakalat na yung liwanag. I just remained with that position as I close my eyes to feel the warmth of the sunlight as it slowly rises. Aahh... this is life! Habang ini-enjoy ko pa yung medyo nakakapaso na sinag ng araw, I felt someone poke my cheek. Marahas kong iminulat yung mata ko para makita ang pangahas na nanggulo sa sanctuary ko.

"What?" Pabalang kong sabi. Ang aga aga namang mang-abala ng taong 'to! Inirapan ko nga. Di porket mas gwapo siya , exempted na siya at lisensyadong guluhin ako sa tahimik kong sanctuary.

He just chuckled. Instead of answering, he went near me and gestured himself to sit. I was about to close my eyes again when I heard him spoke

"Beautiful as always" sabi niya.

"Tsk wag ka ngang nambobola ng ganto kaaga nang hindi nasisira ang araw ko!" Sagot kong nakapikit pa rin then nung mapansin kong hindi siya nakibo agad, tinignan ko siya.

He's looking at me--intently then blurted out in laughing. Laugh out loud na literal at may pahawak hawak pa siya sa tyan niya. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Mangiyak ngiyak na siya kakatawa. Binatukan ko nga! Then I threw a death glare at him.

"Baliw" sabi ko.

Matatawa nanaman ata ulit siya pero nagpigil na din. Mabuti naman. Nakakasira din to ng araw e!

"Being Keziah Chloe Lorenzo, you never fail to make my day" sabi niya tapos tumawa nanaman. Lintek e 'no?!

"And being Zack Zero Zamora, you never fail to ruin my day!" Ganti ko, hah! Kala niya ha!

"Pfft hahahahahah!" Siya. Aalis na ko when he held my wrist sabay sabing...

"It was the sunrise I was pertaining to" tawa ulit. Ugh! Pahiya ang lola niyo! I grabbed my wrist and I ran upstairs para takbuhan ang kahihiyang napala ko ng ke-aga aga. Pero dinig ko pa din ang sigaw niya..

"Tita asked me to accompany you tonight. I'll be yours tonight, beautiful! Pfft hahahaha!"

Arrrg! Leche! Leche! Leche! Okay, spell assumera? It's capslock KZ. Nakakainis! Nakakainis! Bwisit talaga yang ZZZ na yan!

Panira talaga palagi yang frienemy kong yan. He's Zack Zero Zamora. Gwapo, matalino at mayaman. Kami kami lang ang magkakalaro dati. Kaming tatlo nila Zyrex Andrada.

Bata palang talaga ako, mas kumportable na ko sa lalakeng kasa-kasama. Yung mga dati kong kalarong babae kasi, parati akong binubully. Na freak daw kasi ako kaya ajo iniwan ng Daddy ko. Syempre maiiyak naman ako agad. Dun sabay na dumadating yung dalawang Z-men heheh! Sila yung magtatanggol sa'kin. Aawayin nila yung mga umaway sa'kin at isasama nalang ako sa kanila. Ayun, dun nag-start ang friendships namin. Pero since childhood, mahilig na talaga mang-asar si Zero. Kaya nga si Zyrex ang lagi kong kasundo kasi siya lang yung mabait sa'kin. Di pa ko inaaway. Kaya naman, hindi naging mahirap ang mahulog ako sa kanya sa murang edad.

Medyo pinalad nga lang ng konti pero minalas din. Yash! Ayoko na ngang isipin pa! Masisira lang araw ko.

_______________

"Baby, you're so gorgeous!" Bungad sa'kin ni Mom after kong makapag-ayos na.

Naka-big curls ako kaya naman ang kikay ko tignan ngayon pero may touch ng pagiging sophisticated na suplada. Idagdag pa ang chinita kong mata na intimidating daw kung makatingin lalo't smokey ang pagkakamake'up sa'kin. Feeling ko nga, mukha akong nang-aakit, jays ano ba to!

Mom hugged me then turned to Zero at ipinagkatiwala na ko sa walangyang lalakeng to! Nakangisi nanaman with his looking-hot-look. Arrrrrghh! Pinagtaasan ko nga ng kilay! Kahit naman gwapong gwapo siya ngayong gabi dahil talaga namang porma kung porma! Naka-navy blue cardigan siya na pinalooban ng white v-neck shirt tas naka-jeans. Yung lips niyang anlambot lambot tignan tsaka yung mata niyang nakaka-akit. Sino bang hindi magd-drool?

"Zack, hijo, thank you so much for granting my request. Take good care of my baby, a'right? You two have fun!"

He held me on my waist then kunwari bumeso but he just whispered, "You're drooling" then smirked! Syempre di namin pinahalata yun kay Mommy! Asssh!

"Yes tita and it's no problem. It is indeed a pleasure to be your princess' escort" sabi niya. Pwe! Kala mo naman totoo. Di ko naman kasi makontra si Mommy e! Kainis!

* * *

8pm palang naman pero puno na yung hall. Asan na ba si Grace? Nababanas na ko sa kasama ko. Like yeah, every girls we passed through drool over this guy beside me at ang leche, feel na feel naman! Nakuha pang lumadi like helloooooo! Andito po ako!

Kumain nalang muna ako ng kumain since busy naman sa pag-i-sneak-peak itong kwagong kasama ko. Sheez di naman sa PG ako no pero sarap na sarap lang talaga ko sa pagkain o sadyang wala lang talaga akong magawa?

Hay! Asan na ba kasi si Grace? Tinignan ko yung wrist watch ko and saw na it's already 9:13pm. Aba! Sobrang late naman ata ng babaeng yun? Kanina pa kayang 8pm ang assembly. Tsaka akala ko ba excited siya?

Nakunakunakuuuuu! Wag ko lang malalaman na hindi siya sisipot dahil siya ang pumilit pilit sakin sa party party na to ha! Yash! Matawagan nga!

"Hey, I'll just call Grace." I told him. Tch, pakalandi talaga! He just nod kasi nga busy sa pakikipag-fling. Psh, men. I went to comfort room para magkarinigan kami ng kausap ko. After two rings, she picked up

"Where are you?" Intro ko.

"I missed you too bestie! I'm on my way! Ito naman, atat?!"

"Hurry up" then I ended the call. Banas naman. What came into her para ma-late? Isang Grace Montero na mahilig sa party party, late?! Nah. May mali talaga! Nanggagalaiti talaga ako sa inis! Bukod sa malandi kong errrr 'escort', nababanas na din ako sa mapanuring tingin ng mga bitches dito! Hah! Dahil ba kasama ko si Zero? Psssh. Because I am Keziah Chloe, I'll give them a show! Pagselosin ko nga lalo ang mga bruha! Bwahahaha!

I was about to return to my escort to begin the show kasi masyado ng maraming nakapaligid sa kanya na ikinatutuwa naman ng damuho at para bitinin sila sa pagd-drool when I accidentally bumped into someone that I used to know. It's him...

"Chloe?"

The Perks of Being an Overly-Attached LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon