"Chloe?" Heck! What is he doing here?
"H-hey" fudge! Why am i stammering? Leche KZ umayos ka!
"Sup?" Cool niyang sabi. Fudge ulit! How could he act so cool as if wala kaming nakaraan?
'Eto, mahal ka pa rin.' Sasabihin ko sana pero shete lang. Naiiyak ako! Pero di pwede to. I composed myself, ayoko ngang mahalata niya na it's still him that I love. Though damang dama ko yung mga kabayong nagkakarera sa dibdib ko, pinilit kong ipakitang kalmado lang ako. I gave him my most intimidating look. Para kunwari mataray.
"I'm good!" Sabi kong nakataas-noo at taas isang kilay. Pero hindi yun totoo. Masakit pa rin eh. Eto nga oh, kumikirot nanaman yung puso ko. Seeing him acting this cool makes me think does he ever loved me. Eh ikaw, kamusta? Namimiss na kita alam mo ba? Mas gwapo ka ngayon. Gusto ko sanang idagdag. God! Lemme escape from this! Di ko na alam kung kaya ko pang pigilan luha ko. And as if on cue, someone held my arm,
"Zero" I mumbled
"Yes honey?" He said then kissed the back of my hand. Sinong honey nanaman pinagsasabi nito? Kuuuu! Kung di lang ako naiiyak, sinapok ko to eh! Tch.
"Hey bro!" Bati ni Zero sa kanya tas nag-fist bump sila. Geez! Onga pala, bukod sa childhood friends kami, magkabanda yang dalawang yan. Bale si Zyrex ang lead vocalist and si Zack naman sa guitar. Pogi sila pareho pero mas gusto ko si Zyrex syempre. Para sa'kin siya na ang pinakagwapo sa lahat ng nilikha!
Then Zero turned towards me,
"Shall we dance honey?"
Tapos ngumisi! How could he! Ano nalang iisipin ni Zyrex? Na kerengkeng ako kasi bukod sa bandmate niya e tropa niya pa tong kulugong to ang ipinalit ko sa kanya? Eh alam naman niyang di ko gusto noon pa si Zero. Baka isipin pa ginagawa ko lang rebound si Zero eh!
I felt my cheeks blushed. Tumingin ako kay Zyrex kasi ayokong mag-isip siya ng di tama. Ayst bakit feeling ko pinagtataksilan ko siya kahit, okay sabihin na nating wala na kami.
But then I saw something in his eyes. Sadness? Regret? Nah. Malabo. Siya nga ang biglang nawala e tapos sadness? Siya nang-iwan sa ere ng walang closure closure tapos regret? Nababaliw na ba ako? Ilusyonada much? Pero gano'n ata talaga pag nagmamahal, medyo naaadik sa mga ilusyon.
And being Zack Zero Zamora, syempre! Hindi na ako pinagsalita niyan! Kinaladkad nalang ako sa dance floor kahit di pa ko na-oo! Adik din talaga to minsan e!
He grabbed my hand and put it to his nape habang pinulupot yung arms niya sa waist kong sexy! Mwahahaha! Psh kung di lang ako naiiyak ngayon, iisipin kong minamanyak na ko nito e! O ako ang nanmamanyak? Haha!
[ paki'play niyo yung This I Promise You - Jason Chen cover before proceeding para mas feel na feel hehe!isipin niyo yun yung sinasayaw nila sa ball ]
Pero di nga. Back to Zyrex. Naguguluhan ako. Lungkot ba yung nakita ko sa mata niya o assumera lang talaga ako? Tinignan ko ulit si Zyrex pero nagsisi ako because I saw a girl who is sweetly clinging to his neck while they're swaying smoothly with the music. Ang sweet pa nga ng ngiti niya sa girl eh. That sweet smile he never gave me. Ouch. Oh edi klaro ngang ilusyonada lang ako? A pang of pain hit my chest. Bakit ba ang sakit sakit sa dibdib ng love? Bakit kelangang makita ko ulit siya? I thought I have moved forward but I got it all wrong. Nasanay lang pala ako sa sakit.
Ang mga traydor kong luha, nag-unahan ng bumagsak. Zero hushed me then pat my head. I just leaned to his chest. Niyakap niya ko kaya napayakap nalang din ako sa kanya. Sinubsob ko mukha ko sa dibdib niya. It feels good. Nakakagaan ng pakiramdam.
"Thanks Zero" i said but I'm not sure if he heard it.
"Don't look at them, honey" napatingin ako sa kanya dahil kanina pa yang nakakasukang endearment niya. Alam ko namang malandi tong lalakeng to but I saw that he really is concerned. Kaya papalampasin ko muna ang paglalandi niya at aawayin nalang later. Alam kong siya lang ang masasandalan ko ngayon dahil kung si Grace lang, ay makakarinig lang ako ng sermon dun! O kung di man, ako ang manermon dun! Leche siya, pinabayaan ako! Alam naman niyang di ako sanay sa mga ganto!
We just swayed with the music then inaya ko na si Zero na umalis na kami after awhile. Hindi ko kayang nakikita si Zyrex lalo at may kasama pa siyang ibang babae. Masyadong masakit na makita ang mahal mo na napapasaya ng ibang tao. Masakit dahil ikaw mismo na ginawa ang lahat para mapasaya siya, hindi naging sapat. Shit! Nake-carry on na ko sa music kaya naman medyo sinisipag na ang mga luha ko. Lecheng mga pangako kasi yan!
"Where to, gorgeous?" He asked nung makarating kami sa parking lot. Di ko na naisip si Grace kung darating pa ba siya. Ang alam ko, alam niyang may Zyrex sa ball eh. Ano nanaman kayang gustong patunayan nung babaeng yun?
"Anywhere. Uhh somewhere where I can forget my issues in life?"
"My place? You know, hindi lang mga issue sa buhay mo ang makakalimutan mo. I can even make you forget your name and make you yell my name too Pfft hahaha!"
Pinanlakihan ko siya ng mata! Napaka manyakis din talaga ng isang to!
"Perv!"
"What? Hey, what were you thinking? Pfft hahahaha ikaw ang pervert e! I know you're drooling over me. Hahahaha!" Ang kappal kappal lang talaga ng mukha! Sinapok ko nga! Yash! Di ko na ma-take ang kakappalan ng mukha ng damuhong to! Napakamanyak pa!
"Nah, kidding aside. I know a place where you can forget what's bothering you"
Then he took me to I-don't-know place. Tama nga siya. Literal akong napanganga sa ganda ng lugar. Parang garden siyang malawak tapos may lagoon din sa malapit. May tower dun, inakyat namin ni Zero. Maliwanag naman din tsaka safe naman kasi medyo mabenta naman din sa tao though hindi naman siya yung crowded. Nung makarating kami sa taas, grabe. Triple yung ganda nito sa baba! Kitang kita yung napakadaming stars! Parang ang lapit lapit lang! Kaso, dahil open yung lugar at pagabi na, malamig na din. October na kasi. Malamig nga pero madaming stars!
"Here" then he put his coat on my back. Abnormal to minsan e. Una bully tapos biglang pa-gentleman minsan. Adik ata talaga.
"Thanks" I mumbled
"Don't you ever dare to cry over him again okay?"
"And if I do?" Hindi ko na siya sinita sa pautos drama niya. Fragile na fragile ako ngayon. Hayaan niyo akong magdrama.
"I'll make you mine." Tinignan ko siya. Seryoso niya. Psh siraulo. Magrereact sana ako nung may nakita akong shooting star o meteor shower? Ahh whatever.
"Look! C'mon, make a wish!" Sabi ko habang tinuro yung langit then I closed my eyes with my palm clasped together and made my wish.
When I opened my eyes, I caught Zero staring at me intently.
"What?" I said.
"Nah." Sabi niya tapos inalis na yung atensyon niya sa'kin then inabutan ako ng coffee fresh from vendo machine. Okay na to.
Kahit ganyan yan, laking pasalamat ko kasi kahit pa'no, my night went well. Ang saya lang mag-star gazing! Nakakalimot ng problema.
Almost 1am na nang makarating kami ni Zero sa bahay dahil pinahaba ng byahe ang oras. After I murmured my thanks, umuwi na din siya. I sighed. Iniisip ko, ba't ko pa ba ulit kasi nakita si Zy? I mean, yeah, kumpleto ako ng mga albums and posters nila pero to personally bumped with him and had a little convo? That's really something.
Naligo nalang ako at natulog na. It's been a long night, indeed!

BINABASA MO ANG
The Perks of Being an Overly-Attached Lover
Novela JuvenilKeziah Chloe Lorenzo. A girl who can't love and trust again a guy after her parents separated because of her Dad's infidelity and was taken for granted by Zyrex Andrada, a guy whom she had poured her love and trust so much. Too much that she didn't...