Meet The Bitter Queen

24 2 43
                                    

ASHLEY

"Sobrang romantic ng place bes! May mga petals ng roses na nakalagay sa paligid! Ang ganda din ng background music tapos ang gwapo niya! Mamamatay na ako!" Kinikilig na sabi ni Nikki na ikina-roll eyes ko.

Paano ba naman kasi nagku-kwento siya ng date nila ng boyfriend niya kagabi ei alam naman niya na ayaw ko sa mga ganyang bagay.

"Sige, go! Mamatay ka na. Walang pipigil." Mapangasar na sabi ko at nag-pout naman siya.

Meet Nikki Santiago. My best friend, partners and crime and sister. Halos kapatid na ang turing ko sa kanya. We're sisters by heart and not blood. Kahit sobrang opposites naman ay madalas naman kaming magkasundo. Sobrang hopeless romantic siya at mabilis ma-fall. Yun namang kinukwento niya ngayon? Pang 25 na boyfriend na niya yan.

My name is Ashley Amoyan, dakilang Bitter Queen ng Campus. Kasalanan ko ba na wala akong pamilya at pinaglihi daw ako sa ampalaya ni Mama?

"Ang sama mo! Bad! Pag-ikaw naman nagka-boyfriend tapos nag-break kayo, ako ang kauna-unahang tatawa sayo!" At nag-evil smile pa siya.

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Me and love are mortal enemies. Ayaw ko sa kanya, at ayaw niya rin sa akin!" Nandidiring sabi ko.

"Ayaw ko naman kasi dumating sa punto na tatanda ka'ng dalaga sa sobrang bitter mo. Concern lang naman oh." Pout niya.

"Landi mo. Tara na nga. Magti-time na oh. Maya mo na isipin boyfriend mo." Sabi ko at hinila siya palabas ng cafeteria.

Habang naglalakad kami sa hallway at pinagtitinginan kami ni Nikki. Well, mostly ako. Hindi dahil humahanga sila kundi dahil nagagalit at natatakot sila sa akin. Ikaw ba naman magsabi sa malalanding couples sa school ng, "Walang forever!" Ei sino hindi magagalit sayo? Minsan nga dumadating nalang sa punto na nagbe-break na sila sa pagkainis sa akin ei.

You see dear readers, I have a very, very bad image here. Hindi kompleto ang araw ko pag hindi ako nakakapagsabi ng "Walang Forever!" Sa isang araw.

Napahinto ako sa paglalakad ng biglang may humablot ng buhok ko. "Malanding bitter na babae!" Sigaw ng humablot sa akin.

Siya si Lorein De Vera. Ang Queen Bee ng Campus. At alam ko kung bakit siya galit na galit sa akin ngayon. Sinabihan ko kasi sila ng boyfriend niya nung Friday ng famous line ko na, "Walang Forever!" At nag-break daw sila. Tinulak ko siya ng malakas kaya nabitawan niya ang buhok ko.

"Can you please tell me paano ako naging malandi? Di naman kita kalahi para maging tulad mo." Pangbabara ko sa kanya at namula naman yung mukha niya sa inis.

"Nag-break kami ni Jefferson dahil sayo!" Mangiyak ngiyak na tukoy niya sa boyfriend niya.

"Anong ginawa ko sa inyo? Wala naman akong sinabi sa kanya na makipag-break sayo ah? That's his own decision kaya 'wag na 'wag mo akong masisi-sisi!" Mataray na sagot ko. Aba, sino siya sa tingin niya para ganyanin ako? Porke siya yung Queen Bee ng Campus may karapatan na siya? As if magba-back down naman ako sa kanya anyways.

Red String Of Fate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon