Frenemies (First Mission)

2 1 0
                                    

ASHLEY

"What? Are you sure sa nakita mo? A mortal with three red strings? You must be kidding me." Gulat na gulat na sagot ni Danica. Kinuwento ko kasi sa kanya yung nakita ko. Halos mamatay-matay nga siya kakatawa sa away na nangyari sa amin ni Jerald.

"Mukha ba akong nagbi-biro? Seryoso ako sa nakita ko! Pero paanong nangyari na wala akong red string?"

"Now is not the right time for you to know." Makahulugang sabi niya habang nakangiti. "Anyways. What's the answer?"

Bumuntong hininga ako. I'm about to change my life with a simple yes or no question but I have decided. Ano nga ulit yung dahilan kung bakit ako pumayag? Sa pagkakaalam ko kasi, The Bitter Queen ako at hindi The Matchmaker Queen ugh.

"My answer is Yes. I'm now ready to matchmake people."

~

"Ugh! Kanina ka pa dada nang dada diyan Danica! Asan na kasi yung bow and arrow ko!?" Nauubusan na ako nang pasensya sa gurang na 'to! Piste! Kanina pa siya nagku-kwento tungkol kay Cupid na parang in love na in love siya dito, wengya! Kay otor lang yun eh!

Tinawanan lang ako nang gurang na 'to piste! "Walang bow and arrow na magaganap. Bawal mahawakan yun ng isang mortal, maaari siyang mamatay."

Di makapaniwalang tumingin ako sa kanya. "WHAT!? Paano ko magagawa yung pagma-matchmake ko kung ganon!?"

She smirked. Ugh! "The old fashion way." Sabi niya na ikinataas ng kilay ko. "Do it without a bow and arrow, use your brain. Anyways, may rules ako na kailangan mo'ng sundin."

Bagot ako'ng tumingin sa kanya. "Bakit kailangan pa ng rules? Ano 'to? Isang laro?"

Nagulat ako at napa-aray nang bigla niya ako pinitik sa noo. "Shut up, di ko pa kailangan yung opinyon mo." Nakangisi na sabi niya habang ako mangiyak ngiyak na hinihimas yung noo ko. Huhubels! How dare she!

Ito yung gusto ko sa amin ni Danica. Kahit na mas matanda siya sa akin nang madaming taon at ngayon lang kami nag-kita, para kaming tropa tropa lang. Ewan ko ba, ang gaan gaan nang loob ko sa kanya.

"So rule number one, bawal ma-fall sa lalaking ita-tadhana mo. Aba, paano nalang yung happy ending nila? Tsaka kahit konti palang yung panahon na kasama kita, I know you. 'Di ka mafa-fall sa kanila, hinihintay ka kasi niya." -Ano? Di ko narinig yung last part, hininahan kasi ni gurang- "Anyways! Rule number two, 'wag na 'wag mo'ng sasabihin na Ashley Amoyan ang pangalan mo kundi mawawasak ang mundo na aayusin mo. Everytime na magpapalit ka nang mundo, tingnan mo nalang yung palad mo sa kanan at makikita mo dun yung pangalan mo."

"Rule number three, 'wag mo sasabihin kung sino ang naka-tadhana para sa kanila kundi mawawasak din yung mundong yun at mission failed ka. An the heck am I?


Lumapit ako sa i

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Red String Of Fate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon