ASHLEY
Natapos yung natitirang tatlong klase namin at may 30 minutes break kami. Pumunta -no erase that. KINALADKAD ako ni Nikki papuntang Cafateria.
"Okay ka lang ba talaga bes? Walang masakit sayo?" Nagaalalang tukoy niya sa klase kanina ni Prof Mariza, yung masungit na teacher.
"Wala nga sabi. Ang kulit neto ei." Inis na sabi ko at inirapan ko siya na ikina-pout niya.
"Order lang ako, ano gusto mo?" Tanong niya.
"Di ako gutom." Maikling sabi ko kaya naman pumila na siya para bumili.
'Patay gutom talaga kahit kailan.'
Maya maya pa ay napansin ko na papalapit na siya sa table namin na medyo malayo dala yung order niya. May nakita akong isang mahabang red string na nakaharang sa malapit na niya daanan kaya napatayo ako at pumunta sa kinaroroonan niya.
"Bulag ka ba? May string oh. Maliit lang yan pero dahil lampa ka pede ka matalisod diyan!" Panga-ngaral ko na parang Nanay niya na pinagtaka niya. Uh, where's your famous pout?
"Red String?" Takang tanong niya.
"Ayan oh! Bulag ka ba?" Turo ko sa mahaba na red string.
"Wala nga kasi! Baka nagi-ilusyon ka lang!" Naiinis na sabi na niya.
"Uhm excuse me po." Sabi ng isang boses sa gilid namin. Nakita ko ang isang matangkad na babae na may nakataling red string sa pinky finger niya kasama ang isang lalaki. Tsaka ko lang napansin na nasa gitna pala kami ng daanan.
"A-ah! Sorry!" Napapahiyang sabi ko at nag-give way sa kanila.
Nginitian naman niya ako ng SOBRANG tamis. "It's okay. Ako si Meah Santos." Pakilala niya sa amin at naglahad ng kamay na tinanggap naman agad namin.
"This is Justin Salas. My boyfriend." Pakilala niya sa lalaki na nasa tabi lang niya.
"Ako si Ashley Amoyan and this is my best friend, Nikki." Pakilala din namin.
"Nice to meet you." Sabay nilang sabi ni Justin, yung boyfriend niya daw.
"Meah, tanong ko lang. Bakit may nakataling red string sa pinky finger mo?" Tanong ko na ipinagtaka nilang tatlo.
"What are you talking about? Walang nakatali sa kamay ko." Sabi niya at hinarap pa yung right hand niya.
"A-ah! Sorry! Nagi-ilusyon lang yung bespren ko! Tara na bes!" Napapahiyang sabi ni Nikki at kinaladkad ako pabalik ng table namin.
"Seryoso bes. Okay ka lang ba?" Tanong ni Nikki at halatang halata yung pagaalala sa boses niya.
Kumunot naman yung noo ko, "Isa pa'ng tanong. Okay nga lang ako. Tsaka meron naman talagang red string sa pinky finger niya ah!" Naiinis na sabi ko at wala naman siyang reaksyon.
"Bes?" Tanong ko at winagayway yung kamay ko sa mukha niya na walang kibo. Ni hindi nga siya pumipikit!
"Hello? Uy! Nikki!" Sigaw ko sa kanya at tsaka ko lang napansin na lahat ay natigil din sa ginagawa nila.
Kahit nagtataka ay nagpaikot ikot ako sa loob ng Cafeteria. May mga nagtatawanan at kwentuhan. May isa naman na muntik na madapa pero parang lahat sila ay na-frozen.
Is this some kind of sick prank? Magic show? Hindi nakakatawa! Tiningnan ko nalang yung pink na relo ko sa wrist at mas lalo akong nagtaka ng di rin iyon gumagalaw.
'Did the world just stopped moving?'
Suddenly may nag-appear na isang pamilyar na babae sa harap ko. Sinusuri ko siya nang ma-realize kung sino siya.
'Siya yung weird na babae sa panaginip ko kanina!'
"Nananaginip nanaman po ba ako?" Takang tanomg ko na ikinailing ng ulo niya.
"This is the reality and the world just stopped for real." Nakangiti ngunit seryoso niyang sabi sa akin.
Nanliit naman yung mata ko. "Is this some kind of sick joke or something? Well then, nauto na ako! Everyone can move now!" Naiinis na sabi ko.
Mahinang tumawa naman siya. "Hindi ka ba nagtataka sa nakita mo'ng red string kanina?"
"Nagtataka syempre! Bakit ako lang nakakakita nun? Nag-mukha tuloy akong baliw sa harap nila."
Nawala naman ang ngiti niya sa labi at hinawakan bigla ang kamay ko na ikinagulat ko.
"She's here. Tara sa bahay mo kundi delikado na ang susunod na mangyayari." At bigla nalang akong napapikit sa sobrang hilo. Nang mawala na ang hilo ko ay iminulat ko ang mata ko at nakakita ng pamilyar na kwarto.
'Kwarto ko 'to ah?'
At nanlaki ang mata ko sa naisip ko. Paano niya nalaman ang bahay ko!? Hindi kaya, stalker siya!? Or worst - a kidnapper?
Nagulat ako ng natawa siya bigla. "Hindi ako stalker or a kidnapper." Sabi niya na para ba'ng naaaliw. "We're here to discuss important things." At nagulat ako na ang kaninang naaaliw na itsura niya ay naging seryoso bigla. Ang bilis magbago ng mood niya!
"The Red String you saw is known as the Red String Of Fate. Nakatali ito sa pinky finger ng tao at nakaduktong ito sa nakatadhana sa kanila." Page-explain niya.
"B-bakit ako lang ang nakakakita?" Naguguluhan ko'ng tanong.
"Isa ka'ng pinagpala na nilalang. Makakakita ka ng bagay na wala pa'ng nakakakita. Ikaw ang magsisilbing katulong ni tadhana." At naalala ko nanaman ang linyang yan.
"Malalaman mo rin soon pero hindi pa ngayon. Kailangan ko ang tulong mo." Seryoso at makahulugang sabi niya.
"Anong klaseng tulong? I'm pretty useless right now. Tsaka ano ka ba? Sino ka?"
Napabuntong hininga nalang siya. "Ako si Danica and I'm the guardian of love. At yung sinabi mo'ng useless ka isn't true. You're the only one that can help me at this point."
"What kind of help ba? Pera? Sige lang, sabihin mo. Trabaho? Tulungan kita maghanap. Lahat na, basta 'wag lang may kinalaman sa love kasi hindi mo ako maaasaahn diyan."
"Love is involve here. May limang tao na nakatadhana sa isa't isa ang nanganganib at ikaw lang ang makakapag-ayos nun."
BINABASA MO ANG
Red String Of Fate
RomanceIsang pulang string na nakakabit sa pinky finger mo at sa ka-soulmate mo. Totoo ba yun? Of course, Jia Amoyan doesn't believe in Romance, Love, Cupid blah blah. Meet Jia Amoyan. The Bitter Queen ng Campus. No Boyfriend Since Birth yan. Paano ba nama...