This chapter is dedicated to my friend PlastiknaPapel for being the number one supporter of the story.
ASHLEY
"No. Lahatin mo na, 'wag lang yang love love na yan!" Inis na sabi ko.
Hinawakan niya yung dalawang balikat ko at seryosong tumingin sa akin. "Listen. Alam ko'ng buong buhay mo ay di ka nakaramdam ng pagmamahal. Wala kang ina at ama na mag-aalaga at susuporta sayo. Pinagkait sayo yung pagmamahal na dapat na sayo ngayon pero di mo ba naiisip yung sampu'ng mag-katadhana sa isa't isa? Paano naman yung the one nila? Hahayaan mo ba'ng maramdaman nila yung sakit sa pakiramdam na hindi makaramdam ng pagmamahal?"
Ramdam ko ang mainit na likido na nasa mata ko ngayon at ang pagbigat ng dibdib ko.
"Who knows? Baka ito ang susi para malaman mo ang buong pagkatao mo pati narin ang magulang mo." Nakangiti ngunit seryosong sabi niya sa akin.
"Akala ko ba si Cupid, Eros, Kupido or whatever you call the God of Love ang namamahala nito? Sa kanya ka pumunta at 'wag sakin."
"Yan na nga ang problema ei. Nawawala si Cupid and he's no where to be found. Ikaw nalang makaka-ayos nito." Explain niya. "Babalik ako dito bukas kaya pagisipan mo yan ng mabuti. Sa ngayon tatanggalin ko ang mga red string na sinabi mo sa mga taong involve at nakarinig para mas safe yung trabaho mo." Sabi niya at unti unti'ng naglaho.
Napatingin naman ako sa relo ko at nakita na gumagana na yun. Bigla namang nanlaki ang mata ko ng ma-realize kung nasaan ako ngayon.
'Nasa bahay ako ngayon! Nag-cut class ako! Tch!'
Wala nalang akong nagawa at nagpalit nalang ng damit. Bumaba ako sa kusina at kumuha ng malamig na tubig tapos pinaligo yun. Charot lang, obvious naman na iniinom yun ei. Napaupo ako sa couch namin at inobserba ang paligid.
Tahimik.
Puno ng katahimikan ang bahay ko. Walang ingay at walang saya. Lonely yung lugar. Maganda yung bahay pero walang kabuhay buhay. At na-realize ko na buong buhay ko wala an akong ibang alam gawin kundi mag-aral, kumain, matulog at mang-insulto ng mga couples. Siguro pag tinanggap ko yung dapat ko'ng gawin ay may magbabago sa buhay ko. Siguro magkaka-pake sa akin si Dad. Siguro makakaramdam na ako ng pagmamahal.
Napabuntong hininga ako at na-decide ko na kung ano dapat ko'ng isagot. Since half day lang ako ay nagbihis ako ng pang-alis at napag-desisyunan na pumuntang mall.
Maya maya pa ay nakarating na ako sa mall at ang weird lang sa paningin ng paligid. Mga tao at red strings na nakadugtong sa tadhana nila ang nakikita ko. Sobrang daming red strings sa paligid. I wonder kung mapuputol ba sila kung gugupitin ko ng gunting?
'Kung lahat sila may red string sa pinky finger nila, ibig sabihin ako din..?'
Nanlaki at nandiri ako sa sarili ko'ng naisip. Yuck! Hindi ko nai-imagine yung sarili ko na mag ka-soulmate! Mas mabuti nang independent woman ako kaysa sa umintindi ng boys! Eww! Nakakakilabot.
Kahit na kinikilabutan ako sa naisip ko ay tiningnan ko ang pinky finger ko at nagtaka ng walang makitang red string na nakatali.
'Baka naman namatay yung ka-soulmate ko o kaya tatanda na akong dalaga. Edi mas mabuti!'
Nakahinga naman ako ng maluwag sa naisip ko pero may maliit na part sa akin ang nanghihinayang. Ibig sabihin hindi ako magkakaroon ng anak? Pwede naman akong umampon sa future pero iba pa rin pag-kadugo mo talaga yung anak mo. Sayang din naman, di ko mararanasan yung feeling ng mahal ka ng taong mahal mo.
Nabangga ako sa isang matigas na poste sa sobrang palim ng pagiisip at napa-upo ako sa sahig.
'Aray! Yung pwet ko huhuhu!'
Napatingala ako na ine-expect na isang poste ang nabangga ko sa tigas ng pakiramdam pero hindi ei. Hindi! Isang lalaki ang nabangga ko pero hindi siya basta bastang lalaki lang dahil ang nabangga ko ay si Jefferson Manalo! Oo, tama kayo. Si Jefferson Manalo na kinababaliwan ng mga kababaihan at mga bakla sa school namin na idagdag mo pa ang girlfriend, ex or whatever you call Lorein ang nabangga ko. Ah wala, no big deal lang naman. Isang sikat at gwapo ang nabangga ko! Yuck! Gwapo? Where did that word came from? Nakakakilabot naman!
"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin na kasama ang nakakaasar na ngisi niya.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Nahulog lang naman yung pwet ko sa malamig at matigas na sahig. Naipit lang naman ako sa dibdib mo na akala ko poste sa sobrang tigas. Oo. Okay na okay lang ako." Sarkastikong sabi ko.
"Okay ka lang naman pala ei. Sige alis na ako." Sabi niya at tatalikod na sana ng binato ko siya ng sapatos ko at sapul! Sa likod ng ulo lang naman niya tumama yun na ikinahinto niya sa paglalakad.
"Aba'y gago ka pala ei! Di mo man lang ba ako tutulungan dito!?" Galit na sigaw ko na nag-cause ng atensyon ng iba. Inirapan ko lang sila isa isa kaya di nalang nila kami pinansin.
Humarap siya sakin at halata na bagot na yung itsura niya. "Okay ka lang diba sabi mo?" Sarkastikong sabi niya sa akin.
Napatayo nalang ako sa inis kahit ang sakit talaga ng pwet ko at inirapan siya. "Salamat ha! Sobrang gentleman mo!" Sabi ko na may halong pangi-insulto sa boses at sinadya ko talagang idiin yung word na gentleman na ikina-smirk niya.
"You're welcome." Mapangasar na sabi niya at binato sa akin yung sapatos ko na agad ko naman nasalo.
Ito ba yung sinasabi ni Lorein na ako yung mahal ng jerk na 'to!? Grabe ah! Ramdam na ramdam ko talaga! Inirapan at nag-make face nalang ako sa kanya kahit nakatalikod siya at napansin ang tatlong red string na nakatali sa pinky finger niya.
'Tatlo yung red string niya? Chickboy ata to'ng gago na 'to ei.'
Pero seryoso. Ngayon lang ako nakakita na isang tao na may tatlong red string sa pinky finger niya. Matanong ko nalang si Danica pag bumalik siya bukas.
BINABASA MO ANG
Red String Of Fate
RomanceIsang pulang string na nakakabit sa pinky finger mo at sa ka-soulmate mo. Totoo ba yun? Of course, Jia Amoyan doesn't believe in Romance, Love, Cupid blah blah. Meet Jia Amoyan. The Bitter Queen ng Campus. No Boyfriend Since Birth yan. Paano ba nama...