Allen Buenavista

16.4K 69 4
                                    

Ako si Allen Buenavista, 17 taong gulang, isang freshman na may kursong BS Architecture sa isang kilalang Unibersidad sa Cavite. Nagtapos ako ng may mapupugay na kulay, nakamit ko ang ikalawang pwesto o salutatorian noong sekondarya. Nagsusumikap ako sa pagaakalang ang aking mga napagtagumpayan ay makatatabon sa aking pagiging isang bakla, "salot raw sa lipunan kung ituturing." Kaya't gusto ko ipakita sa kanila na kahit ganito ako, maipagmamalaki pa rin ako at hindi maaaring basta-bastahin. Ako'y lumaki sa isang pormal na pamilya, propesyonal ang aking mga magulang , ang akin namang kuya ay isang taon lamang ang agwat sa akin at mayroong maipagmamalaki sa larangan ng isports, ang akin namang kapatid na babae ay humahataw sa larangan ng pagiging isang modelo, at ang aking kapatid na bunso naman na balak atang sundan ang aking yapak, wag lang sana syang maging isang bakla, dahil mahirap.

---

A/N: sana samahan nyo ako hanggang matapos ko ang storyang ito.

Allen (Rated SPG/ M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon