Ang nakaraan IV

10.5K 68 2
                                    

Tik-ti-laok! Ang maagang gising ng manok na nagsilbi kong alarm clock.

Linggo na, maaga akong lumabas ng kwarto upang maligo, magsipilyo, at kumain sapagkat mayroon kaming Sunday School ng makita ko ang bago naming katulong.

Annie daw ang kanyang pangalan, nagmula sa Aniceto na tunay nyang ngalan.

"Baby, anu gusto mong ulam." ika nya.

"Cereals na lang po." ang sabi ko.

"Anong cereal, Milo balls? Koko Crunch? o Honey Stars?" ang tanong nya.

Marami kaming stocks ng pagkain, ang akin kasing ina ay manager ng Nestle.

"Ah yung Honey Stars sakin, kay kuya yung Milo Balls, at kay Mary Cess ang Koko Crunch." ang mapaglibang kong sagot.

"Ok baby" sagot nya.

"Dun na lang po sa sala. Ah, si papa't mama po?" ang tanong ko.

"Umalis na baby, maaga na raw ang pasok nila."

Tumungo ako sa salas at binuksan ang TV na agad ko namang inilipat sa Cartoon Network upang panuorin ang Tom & Jerry na kinahumalingan kong panuorin.

Maya-maya pa'y dumating na si kuya ate Annie. Natuwa ako sa kasipagan niya.

Habang kumakain ay nagkaroon kami ng palitan ng kataga.

"Kuya ate annie, ilang taon ka na po?"

"Talagang Kuya ate? Ate na lang, pag kuya, Aniceto dapat. Pero, dahil maganda ako, Ate Annie dapat. Getchibels?"

"Sige po." ang may pagkalito kong sagot.

---

Masayang kasama si Ate Annie, maalaga, masipag, halos wala ngang masabi ang pihikan naming ina. Maliban lang kay papa na yamot na yamot sa kanyang sekswalidad.

Dahil nga wala sila mama at papa palagi sa bahay naging mas malapit ako kay Ate Annie, dahilan upang magaya ko ang kanyang mga galaw.

Noon pa lamang ay kinwestyon na agad ng sigurista kong ama kung bakla ako. "Hindi." naman ang parati kong tugon. Ngunit sa sarili ko'y alam ko naman ang totoo. Dahil nga sa pagkapansin ng aking ama sa mali kong pagkilos, pinalayas nya ang aming katulong at muli naghanap ng bagong papalit.

---

"Huy!" sigaw ng kuya ko.

"Ano?" namulat tuloy ako at nalamang naririto na nga pala ako sa realidad.

"Ina ka! maghugas ka na daw ng plato." mapang asar nyang sabi.

Ngayon, eto ang aking kuya, nagka-ilangan kami matapos ang mga pangyayari nung mga bata kami. Hanggang sa, kinalimutan na lamang namin ang lahat, lalo na ng magkaroon sya ng girlfriend nung 4th year.

Tumungo na ako sa kusina at hinugasan ang mga platong ginamit.

---

Allen (Rated SPG/ M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon