Chapter 8

5 2 1
                                    

Chapter 8

Lexi's Point of View

Kasalukuyang nakatitig si Josh sa babaeng mukhang clown na impokritang ponyentang to, at halata namang takot ang gaga dahil sa ekspresyon ng kanyang mukha.

"A-ah, baka nagkamali ka l-lang ng p-pinandinig sa sin-nabi ko J-josh" Eh? Nagsinungaling pa, sabunutan ko na kaya to? Hays! Nakakabawas ng ganda to eh.

Napako ang mga mata ni Josh sa kasama ng babaeng impokrita. "Bitch, mind telling me what this almuranas stated a while ago?" Tanong nito. Naghahanap ng totoong sagot, syempre. Alangan namang naghahanap ng maling sagot, ano siya? Bobo? Char.

Napatingin ang kasama nitong babae kay impokrita, para bang naguusap sila gamit ang kanilang mga mata.

"A-ano, sinabi ni Megan kanina na nilandi ka daw ni Thylane." Pagkasabi naman nito ng kaibigan ni so-called 'Megan' agad namang napako ang nagaapoy na tingin ni Josh sakanya.

"Para sa iyong kaalaman, mag-best friends kami ni Lexi kaya ganito kami umakto. At kung sabihin niyo mang nilandi ako ni Lexi, magpakamatay ka na." Ouch ha? Coming from Josh. Tapos sinabing mag-bestfriends lang daw kami. Saket, ansakit sa bulate. Char.

Napatingin si Megan sa kaibigan nito gamit ang bakit-mo-sinabi-yung-totoo-look. Napatingin ulit siya sa aming dalawa ni Josh, saka sinabing.. "S-sorry, I didn't mean na sabihin yun kanina. Believe me, Thylane." Hahawakan na sana ako ni Megan nang tinapik ni Josh ang papalapit na kamay nito sakin.

"Mas mabuting lumayo ka na bago pa magdilim ang paningin ko sayo." Pagkasabi nun ni Josh, agad agad niyang kinuha ang bag nito at saka siya tumakbo palayo.

Aside from their outstanding companies, wala na akong ibang nalalaman tungkol sa pamilya ni Josh. Tingin ko wala naman silang Mafia dahil maski si Jiro hindi alam kung may grupo ba sina Josh.

Jiro warned me about sa mga Mafia groups na pwedeng umatake sakin/samin. He told me about Arizabals, Valientes, Claras, and specially the Mendozas.

Ang Mafia group na Mendoza ang pinaka kalaban namin sa lahat. Sila daw ang may gustong kumuha sa formula ng Helexianol na hawak ngayon ni Jiro. Kung kaya't kailangan kong maging alerto sa mga nasa paligid ko ngayon, maaaring madukot ako kahit ano mang oras.

Kailangan, pagkatapos ng contest ay makapagtraining na ako sa pakikipaglaban, example is kung pano ako makipaglaban gamit ang kutsilyo, baril, bare hands, basta any techniques on how to defend myself. I'm still 15, wala akong alam tungkol sa pakikipaglaban. And I need Jiro to train me, magaling kaya yun-----sabi ni Dad. Pero di ko pa siya nakitang nakipaglaban.

Speaking of my young age, I'm turning 16 sa November. On its fourth day. October 15 ngayon, and sa October 19 yung contest. Ngayon palang, kinakabahan na ko pano na kapag sa mismong contest na? Baka mahimatay na ako sa kaba, eh? Charot lang.

Nang mapatingin ako sa paligid namin, nakatingin pala samin ang mga estudyanteng kumakain dito ngayon.

Nang tuluyang nakalayo na yung impokritang babae, tumingin sakin si Josh saka ngumiti. "Tara?" He said with his sweetest smile on. Warm perfect smile that makes my heart beats faster and faster. I don't fucking know why but I really like this person infront of me.

Napatango nalang ako saka niya ako hinila papunta sa Cashier. I just ordered menudo, at si Josh naman ay adobo.

We find meat as our source of energy, nagiging energetic KAMI ni Josh kapag meat yung kinakain namin.

After namin mag order, agad naman kaming nakahanap ng mau-upuan namin dahil kaunti lang naman ang kumakain dito kapag lunch. Karamihan siguro sa kanila ay sa iba't ibang restaurants pumupunta o kaya umuuwi sa mga bahay nila.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon