Hiho hello!! Sareh di nakapag update kahapon. De bale, maganda nman kayong lahat e. At syempre ako din noh! Anyway, happy reading!!
MissFantasyPrincess
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Autumn's POV
"Sh*t!! Nasan phone ko?" - Ako habang kinakalikot ko yung bag ko. Bwiset nawawala kasi eh.
Di ko maalala kung saan ko nalagay... Wait..
Processing..
Processing..
Processing..
Processing..
Ay potek naman oh!! Nakalimutan kong kunin sa bintana! Hala wait lang kukunin ko.
Walking..
Walking..
Walking..
Shemay!! Is this for real!? Wala na dun yung phone ko. Nadatnan ko na lang ang maganda kong panyo na nasa sahig. Pero walang cellphone!! Ughhh... Grabe pag minamalas ka nga naman.
"Anna may nakita ka bang cellphone na kulay white? Samsung Galaxy Pocket?" -Tanong ko sa classmate ko.
"Oo kanina diyan sa bintana. Kaso di ko na alam kung saan pa napadpad yun" -Siya.
Bumalik na lang ako sa upuan ko ng may halong kaba sa dibdib ko. Itatanong ko din dito sa seatmate ko.
"Hoy may nakita kang phone na kulay puti? Samsung?"
"Ahh yung nasa bintana kanina!! Yun ba yun?"
"Oo nasaan?"
"Hala ewan ko. Check ko lang"
"No need. Wala yun don"
"Hala"
Ano ba yan! Matanong nga tong nasa kaliwa ko.
"Nakita mo yung phone ko?"
"Puting Samsung diba? Kanina nakita ko sa bintana"
Nagtanong pa ako sa iba kong kaklase.
"Nasa bintana ah. Wala na?"
"Hindi eh. Pero nakita ko yun sa bintana kanina"
"Oh? Nasa bintana yun kanina. Wala na ba dun?"
"Nawawala ba kamo phone mo? Andun sa window oh"
Potek naman o! Lahat sila nakita nilang nasa bintana tapos hindi man lang naisipang ibalik saken? Hay nako ang corny netong mga to eh. Umupo na lang ulit ako sa upuan ko at tumungo. Nagsisimula na akong umiyak. Hala Autumn wag kang iiyak! Akala ko ba may pagka maldita ka? Ang mga maldita hindi naiyak. At eto na nga, tuluyan ng bumagsak ang luha ko sa kaliwang mata ko (kapag kase sa kaliwang mata galing, tears of Pain. Pag sa kanan, tears of Joy. Totoo yan tanong niyo pa kay Google) Umiyak lang ako ng umiyak. Di ko na kasi mapigil yung galit eh. Lumapit si Irish at Ysobel.
"Oy anong nangyare? Baket ka umiiyak diyan? -Ysobel with matching kulbit pa. Ay tae. Umiiyak nga ako diba nakuha ko pang magpaka corny.
"Nawawala *sniff* yung *sniff sniff* phone ko"
"What!? Baka naman nasa bag mo?"
"Wala sa bag ko. Wala *sniff* din sa bintana"
"Baket naman mapupunta sa bintana? Kwento mo pleaseeeee"
"Ganto kasi yun..."
And then nagkwento na ako. Lunchtime nun. Tinuturuan ko si Irish mag- majorette gamit yung arnis na pinadala para sa PE namin. At dahil perwisyo yun sa pagtuturo ko, nilapag ko muna sa bintana. Di ko na pala namalayan na nakalimutan ko yung cellphone ko. Yung second subject ko lang naalala yun. Kaya naman yung chineck ko yung bintana, wala na yung cellphone ko. Nakita ko na lang yung panyo ko sa sahig. Magbabayad yun sakin. Humanda siya!
4 pm Guidance Office
Yes. Pumunta ako sa guidance office. Nasabihan ko na din yung adviser ko. Kainis lang talaga tong araw nato. Autumn naman kasi eh. Baket mo nilapag dun yung phone mo. Hay kainis.
5 pm
Nasabi ko na din sa isang teacher yung problema ko. Buti na lang mabait yung nag assist saken na teacher. Anong sinabi niya? Well, tinanong niya kung kailan, saan nawala yung phone ko. Yung section ko at pangalan ko. Nag advice din siya. At tsaka, pinapapunta din niya yung mom ko para daw malinawagan siya.
Kung sino ka mang magnanakaw ka, makonsensya ka naman. Pinaghirapan yan ng magulang ko tapos ikaw nanakawin mo lang. Tapos kelangan ko pang magdala ng guardian para lang sa phone na yun. Kapag nakita talaga kita, sasampolan kita ng malulupet na salita. Ikaw ang dahulan kung baket ako natatakot at nagagalit. Ikaw ang taong dahilan sa Pagkawala ng phone ko... bwiset!
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
May tinatago pong attitude yang si Autumn. Ihanda niyo na po ang sarili para sa mga magagandang kaganapan sa kanya! Thank u! Stay tuned! (Ganun? Radyo lang?)
MissFantasyPrincess