Hello! Here comes chapter two: Sana po talaga magustuhan niyo tong story nato, it means the world to me xD.. Happy reading po! :*
MissFantasyPrincess
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Umandar na yung bus at nagsa- sight seeing si Irish. Si Ysobel naman, well, hindi kasi siya sanay na makipag- flirt sa isang boy. Mas pipiliin kasi niya ang pag- aaral kesa lumandi. Lagi siyang tahimik at sometimes OP, sabi niya may secret daw siya, pero hindi niya magawang sabihin samin kung ano yun. Weird nga ng mga binabasa niyang books eh. Puro letters na hindi mo maintindihan, hindi korean or japanese, I think egyptian letters yun? Ah ewan kung ano man ang secret niya I wouldn't mind to know. But if I had the chance, Im looking forward to it! :))
Tumigil yung bus after a few hours. Nagdaldalan lang kami ni Irish habang umaandar yung bus kanina. Alam mo ba kung anong pinag- usapan namin? Getting a boyfriend, of course! Magpapa hard-to-get daw siya para may thrill. Oh diba, boompeyns kayo sa friend ko! B))
Nagsalita si Mr. Harold.
"Okay, so alam kong gutom na kayo. So let's eat muna and then balik na sa bus. 8 am na sa orasan ko, before 9: 30 am dapat nandito na kayo sa bus. You can check the souvenir market if you want. Pero dahan- dahan ah, baka maligaw kayo. Okay, lets go!!" - Mr. Harold.
Finally chibugan time na!! We're in front of a restaurant called "Curry Reef". Aba, mukang masarap food dito ah!
Sabay kaming bumaba nina Ysobel at Irish sa bus at pumunta sa entrance. Kasabay namin sina Phil, Victor at Jacob.
Pumasok kami sa loob at pumunta sa balcony ng resto at dun kami umupo. Wow! As in WOOOW! Ganda ng view! Kita ang dagat with sailing boats at kita rin yung city sa di kalayuan. Eto ang perfect dating spot!!
Umorder kami ng jumbo- sized curry bucket with matching mango shake at chocolate cake. Joke lang! Grabe kami na mayaman pag binili namin yan! Haha! :p
Actually, umorder kami ng anim na individual curry noodle bowl. Softdrinks yung beverage namin.
--
--
After naming kumain, pumunta kami sa souvenir market at naghiwalay kami. Magkasama si Irish at Phil, si Ysobel at Jacob, at ako at si Victor. Geez, not to mention pero naririndi ako sa katahimikan niya eh. Gusto ko kasing laging may kadaldalan.
Tumingin- tingin ako sa mga tindang souvenirs. Ang cute ng mga keychains na may dalawang heart. May headbands din na sobrang elegant. Bumili ako ng konti at napansin kong... Sh*t.. nasan si Victor? Hala di ko kabisado tong lugar nato. Paano na to? T_T Ah! Alam ko na tatawagan ko na lang si Irish. Bwahahaha! :)) Hinalukat ko yung bag ko. Yung bulsa ko... Ay tae naman oh! Naiwan ko pa sa bus yung phone ko! Kainis. Hayzt. Looks like manghuhula na lang ako ng daan pabalik.
Bumalik ako sa dinadaanan ko. Hala may intersection. Saan ba kami dumaan kanina? Kanan o kaliwa? Hay nako sa kaliwa na lang.
Walking..
Walking..
Walking..
Teka, ilang beses ko nang nadadaanan tong mini fountain nato ah! Ano ba yan! Naliligaw nako! Hay nako, uupo muna ako sa isang bench sa tabi ng vending machine.
"Hoy, anong ginagawa mo dito?" Ha? Sino yun? Maka- hoy naman to--- what the!? Si Victor!!? Anong ginagawa niya dito?
"Ay.. I- ikaw pala. Ano eh.. Uhmm.. Naliligaw kasi ako kaya naisipan kong magpahinga. Uhh.." -Ako. Grabe di ko alam kung anong sasabihin ko.
"Ikaw kasi eh. Tingin ka ng tingin sa mga souvenirs, yan tuloy, naiwanan ka. Ayoko sa lahat ay yung mga taong stupid" -Victor. Wait. Stupid? STUPID!!? Aba ako pang naging stupid ah. Di pwede to. Lalaban ako. BWAHAHAHA! >:)
"Wow. Ako pa ang naging stupid ah? Eh sino bang nang- iwan diyan? Hindi ka man lang naghintay. Such a gentleman" - Ako.
"Hayy.. Sorry na. Oh eto *inabot niya sakin ang isang chocolate drink in a can* sayo na lang"
"Bakit ko naman ka- kailanganin to?"
"The brain needs sugar to function. Kelangan mo yan para magfunction ng mabuti yang utak mo. Sa susunod kasi, wag masyadong maaliw sa mga souvenirs para hindi ka na ulit maligaw" - Siya. Aba! Grabe tong impaktong ito ah!
Hindi ko na siya pinansin at sinundan ko siya palabas ng maze nato.
Finally! Nasa labas na kami at nakita namin yung bus. Pagpasok ko.. Nasan yung bag ko? Bakit katabi ni Irish si Phil? Nagpalit kami ng upuan!? Hay.. Great! Just great! Katabi ko tong si Victor. Haizt.
Umupo nako at ininom yung bigay niya saking drink. Nang biglang nag- break yung bus dahilan para matapon yung drink sa skirt ko pa! Wait. Anong ginagawa niya? Pinupunasan lang naman niya yung skirt ko ng panyo niya.
"OMG! Eew" - Reaction ko.
"Maka- eew naman to. Stupid ka talaga kahit kailangan. Oh hiramin mo muna to *inabot niya sakin yung handkerchief niya*" -Siya.
"Uhh.. T- thank y- you.." -Ako.
"Tss. Stupid" -Bulong niya na narinig ko naman.
"Ha? May sinasabi ka?" -Ako
"Wala" -Victor. Nakitang kong ngumiti siya ng konti. Konti lang.
Nag- vibrate yung phone ko. Isang text message from Irish.
From: Bebe Irish <3
--------------------
To be continued..
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Ano kaya yung text message na yun? Alamin sa susunod na chapter!
MissFantasyPrincess