Hey hey hey!! Namiss niyo ba si Victor? Well shook that out dahil nandito na siya sa chapter nato! Happy reading folks! (Sorry sa english ko)
MissFantasyPrincess
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Wala ako sa mood ngayon!! Kainis naman kasi yung kumuha ng phone ko! Hay nako, kahit di ko pa siya nakikita, pasok na pasok na siya sa hate list ko. Hahaha it's gonna be fun.
Pumunta muna akong CR para makapag- ayos ng sarili. And after that pumunta akong rooftop para naman lumamig na ang utak ko (hindi naman talaga lalamig yung utak eh. Kumbaga papakalmahin ko lang sarili ko. Grabe OA nun noh?) Pagkadating na pagkadating ko, tumambad sa harap ko ang pinakamahangin na taong nakilala ko. Kilala niyo naman kung sino diba? Tss. Sino pa nga ba? Edi tong impaktong lalaking mahilig magbasa. Hay nako si Victor okay? Okay? Okay. Imbes na kumalma ako mas nag- init pa yung ulo ko. Bakit? Alam niyo na. Naglakad na ako papalapit sa end point ng rooftop pero malayo sa kanya. Hindi ko na lang siya pinansin para naman wala ng gulong maganap. Wala kasi ako sa mood makipag- bangayan sa lalaking to eh.
Hayy. Nag- iisip ako kung ano ng mangyayari sa cellphone ko. I just can't live without it. Para bang yun na yung naging kasangga ko kapag nabo bored ako. Dalawang taon ko na ring iniingatan yun. Napaka special nun sakin kasi regalo yun sakin ng papa ko nung birthday ko. Ngayon mag- iisip ako kung pa--
"Hoy anong nagyari sayo? Okay ka lang? Baket ka ba nandito? Tsaka baket ka ba umiiyak? Tanga lang?" - haa? Aish. Baket ba to biglang umeksena? Nagda drama yung tao eh. At tsaka anong sabi niya? Ako umiiyak? Baka nga-- ayy oo nga noh. Umiiyak nga ako. Baket di ko alam yon? Wow. Depressed lang ang peg?
"Wala ka na sa trip ko. Teka nga, baket ka ba nandito?" -Ako. Aba mataray yung pagkakasabi ko nyan ah.
"Just checking the weather. And I found out, mahangin ang araw nato"
"Alam mo ba kung baket mahangin ngayong araw?"
"Oh? Baket naman?"
"Dahil sayo"
"Anong dahil sakin?"
"Ang hangin mo kaya"
"Tss. Whatever" - ano. Talo pala siya sakin eh.
"It's getting late. Uuwi na ako. Di ka pa ba uuwi? 6:45 pm na oh"
"Yeah. Mabuti pang umuwi na ako"
Palabas na sana kami pero nung pinihit ni Victor yung door knob, sh*t naka lock. Wait..
Processing..
Processing..
Processing..
0_0 LOCK!!!? OMG! Hindi pwede to. Sa dinami- dami ng lalaking makakasama ko sa rooftop, eto pa!? Hayy nako buhay nga naman parang life. Oh well, bahala na si batman dito. Tss.
![](https://img.wattpad.com/cover/23022761-288-k746308.jpg)