PROLOGUE

4.7K 87 6
                                    

Prologue

"Mr. Valdez"

Galit na tinawag na naman ni Sir si Kiefer.

Eh ano pa nga ba kasi naglalaro na naman ng ML, ano ba kasi ang nasa game nayan bakit adik na adik siya!? Kahit na may teacher sa harap Hala!! palaging naglalaro.. Ang tigas talaga ng ulo.

"Mr. Valdez go to the guidance office." utos ni Sir

Padabog na naman siyang naglakad.

"Bwiset na rank down tuloy kami kainis!" narinig kong sabi niya... Siya pa ang galit!? Jusmiyo

"Okay class dismiss." paalam ni Sir "Pupuntahan ko muna si Mr. Valdez." at lumabas na siya

Tapos nagsialisan na ang classmates ko... Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko.

"Bes?" tawag ng bestfriend ko

"Oh bakit Cleah?"

"Punta tayo sa Canteen." aniya

"Okay." tapos niligpit kuna rin ang gamit ko...

~

Canteen

"Bili tayo ng juice at ensaymada." sabi ko

"Sige ba." pagsang-ayon naman niya

Habang nasa kalagitnaan ng pagkain ng snacks ko ay may nagkukumpulan at nagtitiliang mga babae...

"Kyahhhhh!!!"

"Ang gwapo talaga niya."

"Kieferrrrrr"

"Nickkkk"

"O MY GOD! saluhin niyo ko mahihimatay yata ako."

"Papicture naman crush."

Nakakairita talaga ang mga boses nila parang sasabog ang eardrums ko...

"Bes diba classmate natin yun? Sino nga yun? Yung pinagalitan ni Sir kanina lang?" tanong niya

"Si Kiefer." sabi ko

"Ayy!! Oo si Kiefer ang leader nila alam mo bes ang grupo niya ang kilala sa laro na Mobile Legends o ML? Kasi palagi silang nanalo sa mga tournaments" pagpapaliwag niya. "Mga Certified ML player sila." aniya.

"Uyy! Stalker kana pala ngayon?" sabi ko sa kanya.

"Hala hindi noh" namumula ang pisngi niya...

"Wag mo sabihin na crush mo si Kiefer?" nagtatakang sabi ko

"Oo bes yieeee..." tili niya sabay sampal sakin

"Naku! Bes payo lang wag kang maiinlove dyan kasi ML lang inaatupag niyan may kasabihan kasi na Once a player always a player nga diba?! Sa pag-ibig, player lang din sila..kaya wag bes." paalala ko.

"Grabe kanaman bes parang may galit kanaman sa kanila.. Basta bes pustahan tayo pag-nainlove ka isa sa kanila talagang magsisisi ka sa mga pinagsasabi mo ngayon." seryosong sabi niya

"Sige ba sisiguraduhin kong hindi ako maiinlove sa kanila." seryoso ko ding sabi.

"Talaga lang ha." tumawa siya.

Tapos naghahabolan kami papunta sa classroom namin.

Pagdating namin grabe tumutulo na ang pawis ko huhuhuhu...

~

Sorry guys sa short na update.. Sa Chapter 1 pahahabain ko na And Kindly vote:) Thank you very much:)

He's A Certified ML PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon