" Klia bumaba ka na rito at kakain na! "
Agad akong tumayo sa kinahihigaan ko ng marinig ang sigaw ni manang. Ni hindi ko pa madilat ang parehas kong mata at ng tignan ko naman ang orasan ay 7:00 palang. Sunday din ngayon kung kaya naman wala din akong pasok. Manang is always like this. Sisigaw sya ng pagkaaga aga para daw maging disiplinado naman kami. Hindi naman daw kasi porket mayaman ay kailangang tanghali na gumising.
But who cares? Its sunday. Matutulog uli ako. Anong oras na kaya kami nakauwi kagabi nina Ares. Masyado nilang inenjoy ang pagiging thirdwheel ko at hindi man lang naisip na tao rin ako, napapagod at nauumay na sa kacornyhan nilang dalawa ni Riva.
" Klia! Pag ikaw hindi pa tumayo riyan, hihilahin talaga kita!" pagsigaw nitong muli bago pa man ako muling makahiga kaya naman wala na akong nagawa kundi tumayo at ayusin ang pinaghigaan ko
" Bababa na po!"
Nakasalubong ko paglabas ng kwarto ang kapatid kong masungit. Kazia raised her eyebrows when she saw me staring at her. Pero tulad ng nakagawian, nilampasan lang ako nito at dire diretso ng bumaba.
Kazia is already on her third year in highschool habang second year naman ako sa college taking culinary arts. I actually loved baking. And nangangarap din akong magtayo ng sarili kong pastries in the future as business.
Mom smiled at me pagdating ko sa kusina habang si daddy naman ay seryosong seryoso ang mukha. Alam kong papangaralan na naman ako nito at hinanda ko na ang sarili ko para doon.
" Klia, ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na kapag tinawag ka ni manang ay bababa ka kaagad?" Agad na tanong nito pagupo ko at napatingin naman ako kay manang na ngayon ay napapailing nalang sa akin. Medyo may katandaan na rin kasi si Manang. Sya na din ang nagalaga kay daddy dati kung kaya naman ganon sila ka concern para dito dahil parang pamilya na rin namin sya kung ituring.
" Pasensya na po. Inayos ko pa po kasi yung kama ko kaya medyo natagalan" sagot ko bago kumuha ng spoon and fork
" Maniwala sayo. Baka naman kase humiga ka uli kaya ka natagalan" I knew it. Lagi talaga kong nababasa ni mommy.
" Stop talking, please. Mamaya nyo na nga pagalitan si ate " pagsingit naman ni Kazia at umirap pa na tinawanan nalang namin. Kelan kaya to magbabait?
" Manang kain na po. Pasensya na po talaga" aniya ko at tumango naman ito sa akin bago umupo sa tabi ko.
Pagkatapos naming mag-agahan, bumalik nalang ako sa kwarto ko para maligo at pagkatapos ay nagbukas ng laptop para magopen ng facebook. Pinaltan ko agad ang profile picture ko at nilagyan ng single status ang profile. Agad ko namang sinearch ang account ni Easton pagkatapos at pinindot ang add friend.
Akala nyo ba nakalimutan kona? Hindi no.
Napabalikwas nalang ako ng may biglang kumatok sa kwatro. Agad namang pumasok si Kazia na seryoso pa din ang mukha at napaismid pa.
" Ate Riva is waiting for you downstairs. Umalis na din si Mom and Dad at sabi nila, kung papapasukin mo daw si Ate Riva sa room mo, paki clean and give her food" ani nito bago lumabas at pabagsak na sinara ang pinto.
Bumaba naman uli kaagad ako at nakita ko nga doon si Riva na tahimik na naghihintay sa sala. Agad naman kaming nagbesohan ng makalapit at muling umupo habang naghahanda ng juice si manang.
" Bat ka nandito?" Walang hiya kong tanong at napangiwi naman ito.
" Ayaw mo ba? Pwede naman akong umalis uli" sagot nito bago tumawa kaya natawa na din ako
" Iinvite sana kita mamaya. Bar tayo! Inaya ko na din sina Claire at Brit. Wag ka magalala all girls tayo!" dagdag nito at napapalakpak pa.
" Sigurado kang hindi lilitaw yung unggoy?" tanong ko at napakunot naman ito