Chapter 4

5 2 9
                                    

" Girlfriend?" paguulit ko sa sinabi ni Janna at ngiting ngiti naman itong tumango sa akin.

" Yes. Hindi halata no? Mukha kaming magkapatid. He's so tall kasi" sagot naman nito bago binalingan si Easton na tipid naman syang nginitian.

Napaiwas nalang ako ng tingin dahil sa nakita. Hindi ako makapaniwalang nagawa kong makipaghalikan kay Easton gayong hindi naman pala talaga sila hiwalay. Kung mayroon sigurong pagtingin sa akin si Easton, naging kabit na ako. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis dahil don.

Bakit kailangan nyang magsinungaling sa akin? Bakit nya ko hinalikan? Bakit kailangan nyang sagutin ang mga tanong ko noong gabing yon kung pwede nya naman akong hindi pansinin para umalis nalang ako at hindi na sya kinulit? Kaya ba sya nagsorry? Dahil narealize nya na may girlfriend pa nga pala sya at naguilty sya dahil napagtanto nyang mali pala ang ginagawa nya.

Eh tangina nya naman kung ganon! Kahit pa gaano ko syang kagusto hinding hindi naman ako papayag na magmukhang kabit lalo nat hindi ko din naman ginusto yon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng disappointment kay Easton. Akala ko pa naman sya yung tipo ng lalaki na hinding hindi magagawang mag cheat.

Pero heto na ngayon, harap harapan ng sinusupalpal ng girlfriend nya saken na hindi single ang boyfriend nya at pagmamayari niya ang lalaking hinalikan ko. Napakatanga mo Klia. Dapat ay nakinig ka nalang pala sa babala ni Ares at Riva.

" Hey Klia, okay ka lang?" pagtawag pansin ni Thomas na agad ko namang binalingan. Nagaalala itong nakatingin sa akin na tipid ko namang tinanguan ngunit mukhang hindi naman ito kumbinsido

Maya maya pa ay naagaw ang pansin naming lahat ng may lumabas na grupo ng mga lalaki mula sa harapan ng restaurant. Ngayon ko lang napansin na may mga instrumento pala doon na pangmusika at mukhang tutugtog sila.

Hindi nga ako nagkamali dahil maya maya lang ay nagsimula na ang mga ito tumugtog ng isang mabagal na awitin. Ang iba sa mga kumakain ay nagsitayo at pumunta sa gitna upang sumayaw. Ngangayon ko lang naalala na mamahalin nga pala ang restaurant na to kung kaya naman hindi nako dapat magtaka.

" Klia, may I have this dance?" biglang tanong ni Thomas na agad ko namang ikinagulat.

" Hala, hindi kasi ako marunong sumayaw" sagot ko na nginisian naman nito

" Then I'll guide you. Come on Klia, minsan lang naman mangyari to" katwiran pa ni Thomas bago nilahad ang kanyang kamay sa harap ko. Alanganin ko pa itong tinignan ngunit ng mapadako ang tingin ko kay Easton at Janna na nagsisimula ng tumayo, pumayag na rin ako.

Pagdating namin sa gitna, agad na hinapit ni Thomas ang bewang ko at napadako naman ang mga braso ko sa kanyang balikat dahil sa pagkabigla. Ngising ngisi ito habang nakatingin sa akin kung kaya naman hindi ko maiwasang matawa.

" Bakit ganyan ka makangisi? Anong binabalak mo ha?" Pabiro kong tanong na mukha namang ikina amuse nito.

" Mukha ba akong may masamang gagawin sayo?" sagot naman nya na ikinataas ng kilay ko

" Sa ngisi mong yan? Oo." Mabilis ko namang tugon na ikinatawa nito.

" Silly. Wala akong masamang balak. Naaamuse lang ako sayo" mahinahong saad nya na bigla ko namang sinimangutan.

" at bakit naman? Wala nga akong ginagawa e" sagot ko  at marahan naman nitong ginulo ang buhok nya na tila inaayos ito.

" Gusto mo sya, hindi ba?"

At sa isang iglap lang, biglang nawala ang ngiti ko. Anong ibig nya sabihin?

"Sino?" maang maangan kong tanong ngunit mas lumaki lang ang ngisi nito

Bakit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon