Chapter 3

6 2 12
                                    

" Klia ano yung nakita ko?" seryosong tanong sa akin ni Riva pagkalapit na pagkalapit ko. Hindi ko naman ito pinansin at bumalik na lang sa couch na inuupuan namin bago tinungga ang isang bote ng beer.

" akala ko ba ayaw mo nyan?" tanong ni Claire at napa iling-iling pa sa akin.

" Infairness Klia ha, ampogi nung nabingwit mo. Kaso bat iniwan ka?" saad naman ni Brittany na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko at mukhang interesadong interesado na makakuha ng impormasyon.

" Klia, akala ko ba napagusapan na natin nina na Ares na wag na yung Easton na yon?" bulong ni Riva sa tabi ko.

" Pumayag ba ko dun? Saka wala na daw sila ng girlfriend nya kaya walang problema" sagot ko naman bago kumuha ng panibagong bote at muli itong ininom

" Ay beh, panakip butas ka? Sino ba kase yon?" 

" crush ko lang" maikli ko namang tugon bago tinignan si Riva na mukhang concern na concern at hindi na maipinta ang mukha

" Klia, you have to stop this" saad nito na agad ko namang inirapan

" Ikaw ang tumigil Riva, wala akong ginagawa. Sya yung naginitiate ng kiss kaya hindi ko yon kasalanan" sagot ko na agad naman nitong inilingan

" Bahala ka sa buhay mo. Basta pinagsabihan ka na namin ni Ares ha. Hindi maganda yung kakabreak lang tapos may bago na agad. Wala namang feelings sayo yung tao tapos nakipaghalikan ka na jan." dagdag nito bago napabuntong hininga

" Stop it Riva. Nagsorry naman yung tao" sagot ko at agad naman napabalik ang tingin sakin ng tatlo.

"Bitch what the fuck? Ganon ganon na lang yon? Hahalikan ka tapos magsosorry?" tanong ni Claire na may nanlalaking mata

" Tapos ang chill chill mo pa jan. Hindi ka man lang ba naoffend or something? Aba dapat lang pala talaga at nakipagbreak sa kanya girlfriend nya" nagpupuyos na saad naman ni Brittany

To be honest, I was still in the state of shock with what happened. Hindi ko ineexpect na hahalikan nya ako at totoong medyo naoffend ako right after he said sorry. He said it as if walang value yung nakuha nya sakin. Anong akala nya, isa akong batang inagawan nya ng candy para asarin na kapag umiyak ay saka nya lang marerealize na mali ang ginawa nya at magsosorry?

Yes, halik lang yon. Ngunit ang halik ay halik. Hindi man ganon kalaki ang nakuha, pero para saming mga babae isa itong bagay na hindi basta basta dapat binibigay. Alam nyang type ko sya at ngayong wala na sila ng girlfriend nya, ginamit nya ko para makalimutan pansamantala ang sakit na nararamdaman nya.

What a jerk. 

But I cannot deny the fact na kahit nakakaoffend yung sinabi nya, I still have this feelings for him and that I became temporarily happy with that kiss. Wala naman din sigurong mali sa ginawa namin, dahil katulad nga ng sinabi nya, wala na sila.

" Girls, pagod nako. Gusto ko na umuwi." saad ko bago tumayo at nakipagbeso sa kanila. Riva offered to bring me home pero tinanggihan ko na ito lalo nat hindi nya pa masyadong naeenjoy ang gabing ito. Naghintay nalang ako ng taxi at nagpahatid sa bahay.

It was already dark pagdating ko. Siguro ay tulog na silang lahat kung kaya naman umakyat nako sa kwarto ko at nagshower para maghanda sa pagtulog. May pasok pa nga pala ako bukas. 

Agad ko din namang dinampot ang phone ko pagupo ko sa kama. I was about to set my alarm clock nang biglang may magpop na notification on top of the screen.

' Easton Grey Gatchalian accepted your friend request'

Agad na nanlaki ang mata ko ng mabasa ko ang nasa notification. I checked his profile and iba na ang profile picture and cover photo nya. His profile picture was a black and white photo of him with his wrist on his lips and a hypnotyzing stare.

Bakit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon