TRYST#3- Clark and Cancer

8 0 0
                                    

Nakapahalumbaba ako habang hinihintay yung sinasabi ni pogi na Cancer at Clark. Hayss. Kung alam ko lang na sya CEO edi sana di ganun inakto ko diba? Nakakahiya kaya! Baka sabihin pa nun wala akong manners!

Sayang din yun,kailangan ko pa man din ng sideline ngayon at hindi sapat ang nga sideline na pinapasukan ko ngayon. Malay mo naman diba mag offer sya ng trabaho sakin total I'm sexy and hot and hot ulit! Hahahahaha.

Kahit bed warmer lang ganun.Charot HAHAHAHAHA. Kahit naman mahirap ako ngayon,hindi ko ibebenta ang laman ko noh. Napakababang uri ng nilalang ko naman kung ganun.

"Sir Harith,did you called for us?" May biglang dumating na dalawang lalaki isang silver ang buhok at ang isa naman ay blue. Ang weird naman nila.

Napairap naman ako,infairness parehas silang gwapo,at parehas ding may dalang baril! Yung totoo? Ano ba meron sa kanila at puro sila armas?

I have a hunch but I won't tell you guys because me,myself hates that idea. Hindi naman ako ganun ka bobo noh.

"Wala dito ang among nyong pogi. Kayo ba si Cancer at Clark?"Tanong ko sakanila. Tumingin naman sila parehas sakin.

"Yes. I'm Clark." Sabi nung silver ang buhok, "And he's Cancer." Turo naman nya dun sa blue ang buhok.

"Okay so sabi ng amo nyo dalhin nyo daw ako sa empire whatsoever nyo. Pero bago yon baka naman pwede nyo kong bigyan ng disenteng damit. Like duh. Sino ba kasi nagsabing itapon nyo ang damit ko?" Napairap nanaman ako.

Kainis naman kasi eh. Sabi na ngang hiniram ko lang yon tinapon pa nila baka pagbintangan pa ako ni Aling Betty pero totoo naman na ako kumuha.

"Alright. Follow me." Edi ayun sumunod ang lola nyo kay Clark.

Sa totoo lang gara ng bahay ni pogi slash CEO grabe sobrang ganda eh. Alam mo yun? Yung interior design nya super modern and ang high tech talaga. Pero nagtataka ako kung  bakit ang konti lang ng tao,ang nakikita ko palang talaga ay yung tomboy na Verri at itong dalawang to. Walang maids.

"Inside that closet is a large room and has many dresses and clothes that can fit you. Pumili ka nalang ng gusto mong suotin, you see the other door beside you? That's the comfort room. Take a shower. Ang baho mo. You reek alcohol to be honest." Aba't akala mo kung sinong mabait ang hinyupak!

"Oh? So sinong may pake? Sinabi ko bang amuyin mo ko ha? Sir.Clark? Ganyan nyo pala tratuhin ang bisita ng boss nyo. Nakakasura." Sabi ko sa kaharap ko ang bastos eh pwede naman nyang sabihin na maligo ako. Yung lang! Hindi yung sinasabi nya pang mabaho ako!

May pagkawar freak pamandin ako at kayang kaya ko syang patulan kahit pa may baril sya! Duh.

"Well you don't even have the manners that is needed. And you're not our boss' visitor. You're just a girl who happeningly bumped into him last night and vomitted into his tuxedo. Pasalamat ka na nga lang buhay ka pa hanggang ngayon at nakapunta ka pa sa bahay ni Sir Harith." Nakakapang init talaga ng ulo! So sinasabi nya bang dapat patay na ako ngayon?! Kahit gusto ko nang mamatay hindi pa pwede! Kasi may misyon pa akong dapat gawin!

"You better shut the fuck up Mister Clark. Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo. I have the manners and right etiquette that a lady should have. It  is just depended on the people that I meet. Like you. You're not even paying respect to me,how can I respect you too? And what is it you said? Pasalamat ako dahil buhay pa ako hanggang ngayon?" I paused for a couple seconds and sarcastically laughed.

"Edi ayan thank you. Are you happy now? Atsaka alam mo ba Sir Clark, I'm not afraid to die. Because death itself doesn't want to be allied with me. Kahit gustuhin ko mang mamatay hindi pwede. Hindi pa pwede." Tinitigan ko lang sya sa mata.

Hell! Ngayon nalang ulit ako nagseryoso ng ganito. Bumabalik nanaman ang totoong ako,and I don't want that to happen. Not now but soon.

Nakatingin lang sila sakin ng seryoso at may pagkamangha? Luhn problema ng mga to?

Tumawa ako ng malakas para mawala ang awkwardness.

"HAHAHAHABA. Kayo naman hindi mabiro joke joke lang yun noh! Masyado kasi kayong seryoso! Bahala na kayo dyan at maliligo na ako tutal sabi mo din naman mabaho ako. Babushh."

At yun nga sinarado ko na ang pinto at pumili ng gusto kong suotin. Ang kinuha ko nalang denim maong pants at loosed tshirt with hood na kulay black.

Pagkatapos dumiretso na ako sa c.r pagkapasok ko palang namangha na ako. Although walang bath tub,may shower naman at sobrang ganda.

Sinimulan ko na maligo,bago nga ako maligo nakita ko ang sarili ko sa salamin at kahindikhindik ang nakita ko HAHAHAHA. Sobrang gulo pala ng buhok ko.

Pagkatapos kong maligo lumabas na ako at isinuot ang damit ko,grabe lahat branded pati bra at panty. Bahala na kung nasaan ang damit ko kahapon total naman nakawa lang yon.

Lalabas na sana ako ng maalala kong nakatapak ako simula kanina,mula kusina hanggang dito. Haysss. Baka pati converse ko tinapon na nila.

Kaya napagpasyahan kong tumingin sa closet at may designer shoes akong nakita. Grabe! Ang yaman talaga. Magaganda pero hindi ko type eh,sobrang tataas ng takong.

Sinubukan ko pang maghanap pero lahat yata may takong na hindi baba ng 4 inches ang heels kaya no choice talaga kundi magsuot nito,hays hassle naman!

I ended up picking a below the knee leather boots na may 4 inch na takong. Buti nalang talaga sanay ako sa mga ganjtlng bagay! Dati.

Pero bago ako lumabas ipi nonytail ko muna ang buhok ko para di makalat.

Lumabas na ako  at nakita ko yung dalawang inip na inip.

"What took you so long miss?" Sabi ni Cancer. Himala at nagsalita ang isang to.

"Puro may takong mga sapatos nyo. Wala manlang flat shoes. Kaya di ko kasalanan ko matagal ako noh."

"Anyway lets go. We need to hurry up and go to the Empire."

"Geh geh. Eto na susunod na nga oh."

At umalis na nga kami papuntang empire

------------------------

To be continued.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Mafia Boss' TrystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon