Chapter 1

147 1 0
                                    

"Ah..." napaungol ako habang hawak ang tyan kong may kaliitan kahit na siyam na buwan na ang baby ko.

Kanina pa sumasakit ang balakang at puson ko. Akala ko normal lang pero mukhang manganganak na ako.

"Oh my!" napasinghap ako habang nakatingin sa iba ibang parte ng katawan ko.

Pumutok na ang panubigan ko!

"Shit! F*ck!" napupuyos na ako dahil sa inis.

Walanghiya ang tatay mo, anak. Iniwan tayo. Teka- ako pala ang nangiwan!

One night stand kasi ang nangyari at sa sobrang kalasingan sa party- nang kaibigan kong kaibigan din ng tatay ng anak ko- ay napunta kami sa kwarto at nag chukchukan!

Pagkagising ko nalang ay wala na ang puri ko. At alam nyo ba kung anong sinabi ko sa kanya? Alam nyo ba?!

"Salamat kagabi. Napasaya mo ako."

T*ngna! Ang galing diba?

"Argh!" napaugol pa ako ng malakas dahil sa sobrang sakit ng tyan ko, balakang o kung ano ano pa! Hindi ko na malaman!

Napasandal ako sa pader at dahan dahang umupo sa sahig. Nanghihina na kasi ang binti ko at hindi ko na kaya.

Nararamdaman ko na ang nalalapit na paglabas ni baby!

Mukhang dito sa apartment na maliit ang magiging birthplace nya at ako mismo ang kumadrona!

Napadilat ako nang makas na bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Nanlaki ang mata ko nang malaman kung sinamo ang pumasok.

"Miss? Kanina pa ako kumakatok kasi parang may problema ka, kaya nung hindi ko mabuksan yung pinto, pinuwersa ko nalang."

Anak, nandito si daddy.

Napapikit ako nang may gumuhit na namang sakit sa puson ko.

"A-Anong ginagawa mo rito?" mahinang tanong ko.

"Uhm, kasasabi ko lang miss." napakamot ito sa ulo.

"Walanghiya! Umalis ka sa harapan ko, hindi kita kailangan!" sigaw ko.

"Sigurado ka?" paninigurado nito. Tumango ako habang hinihimas ang tyan ko.

Ngayon ka pa nagpakita!

"Okay. Aalis na ako." ngumisi iti sa akin at tumayo. Nanlaki ang mata ko nang daredaretsyo itong lubas ng room ko.

"Wow mabilis kausap si daddy mo, baby."

Kahit nahihirapan ay tumayo ako. Kinuha ko na din ang baby bag ko na dati ko pa inihanda.

Panaka-naka ang kilos ko dahil sa patuloy na pagsakit ng tyan ko.

Naginit ako ng tubig at naghanda ng ilang bimpo.

Nag-aral ako ng midwifery pero hindi ako nakapagtapos dahil nabuntis ako. Mabuti na rin iyon dahil ngayong hindi inaasahang panganganak ay magagamit ko ang natutunan ko sa sarili.

Napaupo ako sa sahig ng sala ko habang bitbit ang gunting, bimpo, at maligamgam na tubig.

Mga ilang minuto pa ang itinagal ko bago ko maramdaman ang contraction na hinihintay ko na palatandaan ng aking pag-ire.

Huminga ako ng malalim bago umire sa unang pagkakataon.

Narinig ko na may pumasok na naman sa pinto ko at hindi na ako masyadong nagulat nang bumungad ang ama ng anak ko.

May dala itong ilang medical kit nabikinagulat ko.

Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa labi na ikinagulat ko.

MR. DOCTOR HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon