Chapter 6

32 0 0
                                    

After 5 years

"Tori, Anak, tama na muna yung laro, kakain na." pagsaway ko kay Tori.

Magdidined na kasi pero takbo pa rin ng takbo. Pagagalitan na naman ako niyan ni Hans dahil hinayaan ko na namang pawisan ang prinsesa nya. Kasalanan ko ba kung ang hilig magpa-cute ng bata? Bumibigay agad ako pag nagpapaalam maglaro sa playground nya rito sa bahay.

"Nanay, wait! Tatlong slide pa po." sigaw nya pabalik at nag slide. Mabilis ang takbo nito paakyat sa hagdan at nagslide uli.

Lumapit na ako sa kanya at tumapat sa ilalim ng slide para abangan sya.

"Nandito na si Nanay!" mapaglaro kong sabi at lumuhod sa ilalim.

"Alis kayo doyan, Nanay, matatamaan kayo ng paa ko!" tumatawang sabi nito.

Napangiti ako ng malawak ng mag-umpisa na itong umupo at hayaan ang sariling magpadulas. Agad ko itong nasalo at kiniliti ito sa bewang. Halos mamaluktot naman ito sa katatawa.

"Nay, kiliti ako! Tama na!" malakas ang maliliit nitong boses.

"Ang kulit mo kasi! Pawis na pawis ka na tuloy!" sabi ko rito. Tinigil ko na ang pagkiliti at binuhat nalang ito. Tumatawa pa rin ito habang pinapaulanan ako ng halik sa mukha. Nakayakap pa ang maliliit nitong braso sa leeg ko.

"Labyu, Nanay!" sabi nito.

"Love mo ako?" tanong ko. Tumango naman ito ng marami. "Kung love mo ako, maliligo ka na!" sabi ko at tumakbo habang buhat ito.

"Eh! Ayaw! Kain na tayo ng diner!" reklamo nito.

Hindi naman pwedeng pakainin ko ito ng madumi. Baka abutan kami ni Hans at malamang napagod na naman si Tori.

Habang shinashampoo ko ang kulot na buhok ng anak ko, naalala ko si Hans. Civil kami sa isa't isa. Hindi kami nagpapansiman pag kaming dalawa lang. Madalas syang nasa ospital kesa sa bahay kaya hindi rin sila masyadong close ni Tori.

Dahil malayo ang loob ni Tori kay Hans, madalas na ako lang ang kasama nito. Minsan na nga lang umuwi si Hans, pagagalitan pa ang bata na kesyo naglaro na naman daw, kesyo nagpawis, kesyo hindi nagaaral. Kaya ayun, laging umiiyak ang anak namin.

Sukat pagalitan ang bata dahil hindi nagaaral? Limang taon pa lang si Tori at hindi pa pumapasok sa school kung anu anong lenguahe na ang itinuturo. Minsan nga ay hindi ko na rin maintindihan ito dahil naghahalo halo na ang Mandarin, Filipino, at English sa sinasabi nya.

"Nanay, punta tayo Disney land!" bigalang sabi ni Tori habamg binibihisan ko sya.

"Naku, anak, walang pera si Nanay." malungkot kong sabi. Hindi na kasi ako nagtatrabaho at kay Tori na lang nakatutok ang atensyon ko. Ako na rin ang naglilinis sa bahay dahil wala kaming katulong.

Hindi rin naman ako makaalis dito sa bahay dahil walang maiiwan kay Tori.

"Sa birthday ko naman eh! Pero Nanay, ayaw ko kasama si Daddy. Gusto ko dalawa lang tayo-"

"Victoria." may pagbabanta kong sabi. Itinakip naman nito ang maliliit na palad sa bibig nya. Alam nyang galit ako sa sinabi nya. "Kung gusto mo magpunta sa Disney land, si Daddy ang dapat mong isama. Walang kasing pera si nanay. Tapos hindi pa ako nakakasakay ng airplane." paliwanag ko.

"Ayaw ko pa rin kasama si Daddy!" pagmamatigas nya.

Napailing nalang ako. "Tara, kain na tayo ng dinner." aya ko. Baka humaba pa ang usapan.

Hansel Paseo POV

Dali dali akong lumayo sa kwarto ng anak ko. I pretend that I didn't heard what she said.

Of course it hurts. My own daughter doesn't want me to be with her in her sixth birthday. Great!

Bumaba na ako sa dinning room since narinig kong kakain na rin sila.

Nagumpisa na akong hainan ang sari dahil nakita kong pang dalawang tao lang ang nakahain.

Pagkaupo ko ay sya namang pagdating nila. Kita kong halos mapatalon pa si Ariela sa gulat. I saw my daughter hide behind her.

I can't fvcking hide my pain.

MR. DOCTOR HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon