Chapter 2

67 1 1
                                    

Pagmukat ko nang mata ay bumungad sa akin ang puying paligid. Pumikit ulit ako dahil nasisilaw ako dito.

"Ariela?" pumunta sa gawi ko si Hans.

"B-Bakit ako nasa ospital? Ang anak ko?" agad kong tanong.

Napataas naman ito ng kamay na parang sumusuko sa pulis. Napairap ako bago pinilit bumangon para umupo sa kama. Tinulungan naman ako nito.

"Relax. She's fine. Ayun sya oh" itinuro nya ang crib na katabi ng kama ko.

Nagmamadali akong pumunta duon. Napangiwi pa ako sa sakit ng ibaba ko.

"Excited much?" pangaasar nito. Inirapan ko sya at tumingin sa anak ko.

Napaiyak ako ng makita ang mala anghel na mukha nito. "Ang liit nya."

"Tsk! You didn't eat nutritious foods when you're conceiving her kaya ayan, kulang sa timbang."

Nakaramdam ako ng awa sa baby ko.

Inilapat ko ang hintuturo ko sa maliit na kamay nito at napaiyak ako ng pinulupot nito ang katiting nyang mga daliri.

Nagukat ako ng umiyak iyo ng malakas.

Natataranta akong napalingon kay Hanz na agad naman nilapitan ang baby.

" May masakit ba sa kanya?" hindi maalis ang pagkataranta sa boses ko.

Binuhat nya si baby. "Sa tingin ko gutom lang sya." hinele nya ito pero hindi pa rin ito tumitigil sa pagiyak. "Padedehin mo sya, Ariela."

Mabilis akong tumango at hinubad ang damit ko.

Inilahad nya ang baby ko at itinapat ko ito sa dibdib ko.

Napatawa ako nang agad bumukas ang bibig nito at dumede sa akin.

"Anong pangalan nya? Meron na ba?" tanong ko kay Hans habang nakatingin pa rin sa baby ko.

"Hindi pa ako nagbibigay ng name nya. I thought meron ka nang naisip kasi siyam na buwan mo naman nang alam na buntis ka at may batang dapat pangalanan." sarkastiko nyang sabi.

Napataas ang kilay ko. "Hoy! Para sabihin ko sa iyo, masyado akong maraming iniisip kasi nga magisa lang ako! Nagtatrabaho nalang ako kesa tumunganga at maglista ng pangalan ng baby!" napupuyos kong sabi.

"Pwede bang kumalma ka naman kahit minsan? Baka atakihin ka na naman sa puso!" sabat nya.

Napamaang ako.

"I-Inatake ako?"

Umikot ang mata nya. "Bingi ka na rin ngayon?"

Napatikom ang bibig ko. Hindi ko akalaing aatakihin ako.

Sabi ng doctor dati sa akin ay magiging maselan ang pagbubuntis ko dahil sa sakit sa puso. Pwede akong bawian ng buhay habang nanganganak o bago manganak.

"S-Salamat sa pagtulong. Babayaran ko ang ginastos mo para sa amin ni baby..." mahina kong sabi habang nilalaro ko ang kamay ng anak ko.

"That's my daughter too. You don't need to pay me back." malamig nyang sabi. Parang biglang nagiba ang ugali nya.

"Naku hindi na! Ako na bahala sa kanya. May konti akong ipon. Huwag kang magalala, hindi ako maghahabol sa iyo." mapait kong sabi.

"Napakatigas talaga ng ulo mong babae ka. Akala mo naman, lahat kaya mo." prangkang sabi nya sa akin.

Nasaktan ako sa sinabi nya. "B-Bakit? Kaya ko naman talaga!" alangan kong sabi.

"Hindi mo kaya!" umiwas ako ng tingin. "Kaya mula ngayon, sa bahay ko na ikaw titira kasama ang baby natin. Understood?!"

"Ayoko nga! Hindi naman kita boyfriend ah?"

Kumunot ang noo nya. "Ang laki nang problema mo. Edi ngayon, tayo na. Wag kang aangal kundi hahalikan kita."

"At anong karapatan mo! Napaka hambog mo-hmmp!!"

Hinalikan nya ako! Ahhh! Sa harapan pa ng anak namin. Ang kapal!

Nang humiwalay sya ay itinikom ko na ang bibigko.

Ibinaba ko ang tingin sa baby ko na dumedede sa aki at nnag makita kong tulog na ito ay inayos ko na sya at ang damit ko.

" Hindi ka dapat basta nalang nanghahalik." sabi ko.

"Oh really? You seemed to like it." pangaasar nya.

Namula ang pisngi ko. "Tumahimik ka. Hindi totoo yan." pagtanggi ko.

Ibinaba ko si baby at masamang tumingin sa kanya.

"Bahala ka kung gusto mo gastusan si baby. Nasayo na yan. Basta pabayaan nalang natin ang isa't isa." malamig kong sabi at humiga na kasama ang anak.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya. Hinimas nya muna ang ulo ng anak namin bago tumayo.

"I'll be back." sabi na nya at tuluyan nang umalis sa kwarto. Hinfi ko alam kung para sa akin o kay baby ang sinabi nya pero wala na akong paki.

Si baby lang ang koneksyon namin. Wala nang iba. Basta si babg lang. Baby. Baby.

Napakagat ako ng labi dahil sa sobrang lungkot." Alam mo ba, baby, pangarap ko dati na magkaroon ng buong pamilya. Kasi ako, wala akong ganun. Kaya alam mo kung anong inisip ko? Na pag nagkaanak ako, ibibigay ko sa kanya yung bagay na ipinagkait sa akin."

Nanubig ang mata ko. "Sorry, baby. Baka mawalan ka ng mommy. Hindi ko kasi kayang ibigay yung mga kakailanganin mo. Yung mga bagay na karapatan mong magkaroon, kaya kay daddy ka na lang."

Gumalaw-galaw si baby tapos umiyak na ng malakas. "Ay! Mamimiss mo ba si mommy?" natataranta kong sabi.

Napalingon ako sabpinto ng sumara iyon. Ibigsabihin, may nakarinig ng mga sinabi ko kanina?

Tumingin ako kay baby na tulog na uli. Nakangiti pa! Aba!

Inilagay ko ang nagiisng unan sa gikid ni baby para hindi sya mahulog. Inunan ko naman ang sarili kong braso. Kahit hindi kumportable, okay naman. Basta hinfi lang mapahamak si baby dahil sa katangahan ko.

Bukas nalang ako magiisip ng pangalan nya.

MR. DOCTOR HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon