Chapter 7

34 0 0
                                    

"Tori, kiss your daddy." utos ko kay Tori. Bigla kasing nagtago sa likod ko at kita ko naman ang sakit sa mata ni Hans.

Dahan dahan naman itong naglakad papunta sa daddy nya.

Binuhat ito ni Hans at kinandong. Humalik ng mabilisan si Tori at kumuha ng carrot sa lamesa. Kita kong hindi makatingin ang anak ko sa kanya.

"What else do you want, Princess?" tanong nya rito. Marahan ang tanong nya sa bata at parang tinatantsa ito.

Umupo na rin ako sa katabing upuan at ipinagsalit ng pagkain ang pinggan ni Hans. Dinoble ko dahil sa tingin ko ay dito na rin kukuha si Tori.

"I want hotdog and bacons like what nanay prepare for me when you're away." sabi ni Tori ng nakatingin sa daddy nya.

Ako naman ay napatikom ng bibig. Alam ko kaaing pagagalitan na naman nya ako dahil pinakain ko ng processed food si Tori. Pero laking gulat ko ng magpaluto ito sa akin.

" Cook her one hotdog and two bacons. " utos nya sa akin. Agax naman akong tumango. Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Tori.

Napangiti ako habang nagluluto. Mukhang gustong mapalapit ni Hans sa anak namin. Masaya ako dahil duon. Rinig ko ang malakas na pagtawa ng anak ko habang nakikipagkwentuhan sa daddy nya.

Matapos kong magprito ay inihain ko na iyon sa harap nila.

"Where should we celebrate your birthday, Princess?" rinig kong tanong ni Hans. Patuloy lang ako sa pagasikaso ng pagkain nila.

Umupo ako at hinintay din ang isasagot ni Tori.

Umiling si Tori na ikinakunot ng noo ko. "Baby, tell your dad where you want to go." may pagbabanta kong sabi.

Umiling muli ito. "I don't want to celebrate my birthday." maliit nyang sabi.

"H-How about disney land? Do you want to go there with us?" kinakabahang sabi ni Hans.

Nagulat naman ako. Pano nya nalaman na gustong pumunta run ni Tori?

"No." kagat labing sabi ni Tori.

Kita kong namumula na ang mata ni Hans dahil sa pakikitungo ng anak namin sa kanya.

"I think I'm done eating." malamig na sabi ni Hans. Binuhat nya si Tori at inupo sa upuan. Umalis ito at diresiretsyo sa hagdan paakyat sa kwarto namin.

Napatakip ako ng mukha dahil sa sobrang stress. Naiiyak ako dahil pakiramdam ko ay magy kinalaman ako kung bakiy ganito ang pakikitungo ni Tori kay Hans.

"Nay, don't cry." bumaba si Tori sa upuan nya at niyakap ako.

Binuhat ko naman ito para kamdungin. Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg nya at duon umiyak ng umiyak.

"Tori, I don't want you to treat your daddy like that." humihikbi kong sabi.

"Treat like what, nanay?"

"Tori." lalo akong naiyak. "Please love him. Please love your daddy.".

Kasi balang araw, iiwan din kita.

Nakatingin lang sa akin ang malalaking mata ng anak ko.

"Do you love daddy?" tanong niya.

Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa tanong niya. Hindi ko alam kung alam niya ang ibig sabihin ng sinasabi niya.

Pero tumango nalang ako. Kasi alam ko kung ano ang mga iyon. Mahal ko si Hans.

"If you love daddy, then I love him too."

MR. DOCTOR HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon