Chapter 3.5

44 1 0
                                    

Chapter 4

Dalawang linggo ang nakalipas simula ng ipanganak ko si Tori. Sa bahay sya ni Hans nakatira dahil mas maayos at maaliwalas duon. Habang ako ay nandito sa apartment kung saan ko sya isinilang.

Pabor sa nagkabilang panig iyon. Ngayon lang nagkaroon ng batang babae sa pamilya. Ang ate at kuya kasi ni Hans ay parehas puro lalaki ang mga anak. Kaya naman prinsesang prinsesa ang anak ko. Isa pa... hindi ko kayang huhayin ang anak ko. Wala akong kakayahang pampinansyal. Ni sarili ko nga ay nahihirapan na akong buhayin, paano pa ang anghel ko?

Wala ni kuryente dito sa inuupahan ko. Baka magkasakit lang sya dito at iyon ang hindi ko kayang makita.

Duon nalang sya kay Hans na kayang kaya ibigay ang mga kakailanganin nyang gamit.

Napatingin ako sa buong apartment ko. Nandito pa rin ang segunda mano na crib na binili ko. Ayaw ni Fellie na ito ang ipagamit sa anak ko dahil baka marupok na daw.

Nangigilid ang luha ko ng hawakan ko ang teddy bear na para rin kay Tori. Sa akin ito dati nung bata pa ako. Regalo ng Kuya ko na namaalam na. Oo namatay na ang kuya ko, at hindi lang sya.

Nakakatawa na binawian ng buhay ang mga magulang ko at nakakatandang kapatid sa mismong kaarawan ko.

Niyakap ko ang teddy bear at umiyak dito. Pati anak na inaasahan kong makakasama ko sa wakas ay wala din dahil sa hindi ko sya kayang buhayin ng sarili ko lang.

Naghanda na akong pumasok sa aking trabaho. Isa akong barista sa isang bar. Tuwing gabi hanggang madaling araw ang shift ko. Pagkatapos ay staff naman ako sa isang fast food restaurant. Pang-umaga hanggang hapon.

Ganyang ang routine ko habang ipinagbubutis ko si Tori.

Halos mapatalon ako ng tumunog ang phone ko.

"Hans? May nangyari ba?"

[Go to tge hospital. Sinugod si Tori.]

Para akong nanlamig sa sinabi nya. "O-Okay. Pupunta na ako."

Agad akong tumakbo papunta sa sakayan. Kahit sakto lang ang pera ay napagpasyahan kong mag taxi papuntang ospital.

Nanginginig ako hanggang makarating sa ospital.

Sinalubong ako ni Ate Cynthia. "Ate, anong nangyari sa anak ko? May sakit ba sya?" hindi ko napigilan ang panginginig ng boses.

Niyakap ako ni Ate. "Bigla kasing nanginig ang bata habang natutulog sya. Hindi ko alam kung anong nangyayari kaya sinugod ko agad sya para matignan ni Has. Hanggang ngayon ay hindi parin sila lumalabas ng ER. Sorry talaga, Ariela, hindi ko alam kung bakit sya nagkaganun."

"Naiintindihan ko, Ate."

Hindi ko sya masisisi dahil una palang ay ako na dapat ang nagaalaga sa anak ko. Ako na mismong ina nya.

"Papasok ka na ba? Kaya na ba ng katawan mo?" nagaalala nyang tanong.

Tumango ako. Sa totoo lang masakit pa ang tahi ko sa pagkababae. Nagkaroon daw kasi ng laceration sabi ni Hans nang manganak ako.

Pero wala eh. Kailangan ko mag-ipon para makatulong ako kahit pampinansyal lamang kay Hans

Parehas kaming napatayo ng lumabas si Hans mula sa ER.

"Kamusta ang anak natin, Hans?" agad kong tanong.

"What are you wearing? Papasok ka na?" balik nyang tanong.

"Langya, sagutin mo muna ako."

Napahilot ito sa kanyang sintido. Parang na-guilty naman ako dahil binubulyawan ko pa sya.

"Follow me in my office" sabi nya sa aming dalawa ni ate Cynthia.

Napalingon muna sko sa ER bago sumunod.

"UMAMIN KA NGA, Ariela. May nangyari ba habang pinagbububtis mo si Tori?" seryoso nyang sabi. Napatingin naman si ate at halatang gusto rin marinig ang sagot ko.

Napayuko ako bago ko ikuwento sa kanya ang naging routine ko habang nagbubuntis. Yung pagpasok ko ng labing-walong oras araw-araw. Yung hindi ko pagkain sa tamang oras at minsang pagkalimot dito.

Naiiyak akong tumingin sa kanila. Si ate Cynthia ay naiiyak na din sa narinig. Ngayon lang ata sya nakarinig ng taong kasing hirap ko.

Si Hans naman ay madilim ang mukha habang may isinusulat sa papel. "Sorry. Hindi ko lang talaga ganun ka-tanggap na may sanggol na sa sinapupunan ko. Naiinis ako na bakit sa lahat ng pwedeng bigyan ng blessing ay ako pa ang napili Nya. Marami naman dyang gustong-gusto magka-anak pero hindi binibiyayaan tapos ako itong pabaya ay binigyan." pinunasan ko ang luhang tumulo. "G-Galit ka ba?"

"Galit na galit!" napaiyak na naman tuloy ako. "Pero sa sarili ko. Nagagalit ako kung bakit pa kita pinakawalan. Nagagalit ako dahil hindi manlang kita naalagaan." ginulo nya ang buhok. "Nasa panganib ang anak natin..."bulong nya.

Napahawak ako sa dibdib ng makaramdam ako ng pagsikip.

" May itinatago ka pa ba? " tanong nya

" K-Kasi, nung 7 months na ang tyan ko, dinugo ako. Nasa trabaho ako nun nang biglang sumakit ang puson ko. Nung pumunta ako sa cr ay nakita ko ang dugo sa panty ko." napahigpit ang hawak ko sa dibdib "Pero... Pero isinawalang bahala ko lang iyon. Hindi tumigil ang pagdurugo ng dalawang oras pero kahit kailan ay hindi ko iyon ipinatingin sa doctor."

"Are you fucking serious with that?" galit na sabi ni Ate. Napayuko ako dahil sa hiya.

"Ate, calm down. Tapos na. Nangyari na. What we need to do is to take an action." mahinahong sabi ni Hans.

Parang naguilty naman si Ate. "Pasensya na, Ariela. Nagulat lang ako. Sayo rin Hansel."

Marahan lang akong tumango.

"Mauna na ako para makapag usap kayong dalawa." agad na lumabas si Ate.

"You're not breathing well, are you okay?" tanong ni Hans.

"S-Sumikip lang." bulong ko. Hay, ano ba itong doctor na to. Lahat napapansin.

Seryoso pa rin syang nakatingin sa akin na parang inaabangan kung may gagawin akong kakaiba. "Are you taking your meds?"

May nireseta kasi sya sa akin. "H-Hindi pa kasi ako nakakabili." nagulat ako ng hampasin nya ang office table nya.

"Damn, Ariela! Kung ang sarili mo hindi mo inaalagaan, pano pa yung anak natin?" galit nyang saad.

"Sorry, okay? Wala lang akong pera! Ni nakabili nga ng damit kay Yna hindi ko na kaya tapos yan pang putanginang gamot na yan!"

"Are you telling me na wala ka talagang balak bumili ng gamot?"

"Buti gets mo. Anak ko muna bago ako. Babawi ako sa kany- ahh" napapikit ako ng kumirot ng husto ang dibdib ko.

"Fuck. Paano ka babawi kung wala sa tamang lagay yang katawan mo?" ginulo nya ang buhok na parang inis na inis sa akin. "Kung ipagpapatuloy mo pa iyan, mapipilitan akong ikulong ka sa bahay ko."

Agad syang kumapit sa akin at binuhat ako. "A-Anong bang sinasabi mo dyan? Ibabahay mo ako?" napayakap ako sa leeg nya ng sumakit pa lalo ang dibdib ko.

"Shut up." bulong nya.

"Ang sakit na..."

"Shhh. You'll be fine." maamo nyang sabi.

MR. DOCTOR HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon