Adair's POV
We decided not to go to school because I feel sick and I'm still embarrassed because of my unexpected big reveal.
"Okay lang ba talaga sayo?" Ulit ko pang tanong sa kanya. Concern lang ako, baka may ma-missed siyang lesson tapos sobrang hirap pa nun. Kasalanan ko pa.
"Hays, makulit ka talaga. Oo okay lang." He smiled at binalik ang tingin sa pinapanood naming variety show.
Well, right now I got comfy with him. Like I think he's really a good guy that you can trust.
"Baka--"
"Shh" he cut me off.
Wow, I just rolled my eyes at nanood na din. He just cut me off, that's kind of annoying.
Nananood kami ng anime ngayon na gustong gusto niya. Ah hindi, siya lang pala. Kitang kita mong hindi natatanggal yung ngiti niya habang nanonood.
"Ano bang maganda diyan?" Bored na tanong ko. Tbh, bored na ko sa pinanonood namin. Hindi. Siya lang pala nanonood.
"Aish, manood ka kasi para maintindihan mo," sabi niya pero hindi pa din maalis sa tv yung tingin niya.
"Hey. Nasa kwarto lang ako ah." Paalam ko. Gusto kong matulog nakakaramdam na naman ako ng sakit ng ulo eh.
"Sige.."
Di man lang lumingon oh. Ididikit ko talaga yang tv sa mata niya. Actually kanina pa yan nagkukwento ng mga hobbies niyan, sobrang daldal. Nung napunta lang sa anime yung usapan, nagbinge manood kaya ayan! Halos hindi kumurap.
"Ganun ba kaadik yung lalaking yun sa Hero Academia na yun? Psh." Bulong ko sa sarili ko habang patungo ako sa kwarto.
"Sinabi ko manood nalang ng wrestle eh."
Pagkabukas ko ng pinto napahiga agad ako sa kama.
"Hays nakakahilo. Bakit ba kasi ako uminom ng madami? Ang sarap kasi nung alak eh."
Napakunot ako nang may naririnig akong vibration sa may bedside table.
Nakalimang missed calls ako kay Dylan at isang text kay Caleb.
"Nagplano talaga kayong dalawa ano? Napakadaya nyo!!! Btw, may quiz pala kanina. ;)" -Caleb
Binabasa ko palang naririnig ko na yung pang tagaeskwater niyang boses.
May voice message pa pala..
"Bakit hindi kayo pumasok T_T... wala tuloy kaming kasamaaa... " halos matawa ako pagkadinig ko. Bakit ba napakabading magsalita nitong Dylan? O baka nagpapakacute na naman. Kundi lang ito ganito baka nagkacrush na ako dun. Seryoso. Hahaha. Pero hindi ko pa rin makakalimutan yung play boy side niya last night. Nakaka-turn off.
Hindi na ako nagreply pa sa kanila at binitawan ko na ang cp ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang iwanang nanonood sa bahay ng kambal ko itong si Theo. Sorry. Di ko pa naman siya ganun ka kilala. Di bale na, mukha naman siyang mabait at kaibigan naman siya ni Aaren kaya okay lang siguro. Nakikita ko namang di siya masama.
....
Gabi na iniwan na ako ni Theo dito. Hinahanapan na daw kasi siya ng mama niya. Mukhang sinumbong siya nung dalawa na hindi siya pumasok kaya lagot na daw siya.
"Oy, aalis na ako ah." Paalam niya saka sinara na yung pinto ng kotse niya. I wave back at inantay mawala sa paningin ko yung kotse niya.
"Hays, kelangan kona sigurong pumasok bukas. Baka malagot ako kay Aaren nito." Baka dahil saakin masira yung grades niya haha!
YOU ARE READING
Switched
Teen FictionLiving like my twin is hard because it's different from my environment. Home study, no friends and no thrilling and exciting memories. But after we switched up, I slowly enjoying it. Making your life and feelings thrilling and go up side down. It's...