Adair's POV
Ang ganda ng gising ko ngayon! Alam niyo ba?
Malapit na idischarge yung kapatid koooo! I'm so happy that I wanna cry. And I'm so excited to see him. Gusto ko na siya mayakap at mabatukan dahil sa mga responsibilidad na binigay niya saakin na wala namang saysay. Hindi na ako magpapanggap pa kina Caleb kasi babalik na yung tunay na Aaren.
Sa sobra excite ko tinawagan ko agad si Theo. Siya lang naman kasi ngayon yung pinagsasabugan ko ng feels ko maliban kay Hilda eh.
"Bakit tumitili ka diyan haha!"
Omg, you didn't know how happy I am rn. Pero sasabihin ko na din sayo, dahil yun naman ang pakay ko.
"You know what?! Omg!"
"Ano na? May pabitin ka pa talaga."
"Malapit na idischarge si Aaren!!!" I yelled like there's no tomorrow. I miss him so much. Natigilan siya ng ilang segundo, siguro na shocked din siya. Ganun din ako nung nalaman ko. Kung hindi ko man nakikita ko reaction niya paniguradong parehas kami.
"S-seryoso?!"
"Oo naman. Kelan pa ako ng joke sayo ha!"
"Oh tigilan mo yang pagsusungit mo. Ibig sabihin hindi mo na kelangang magpanggap pa."
Oo hindi ko na kelangang magpanggap. At masaya ako dun. Hindi na ako magpapanggap na parang ewan. Hindi ko na lalakihan yung boses ko at hindi na magsusuot ng damit lalaki. Like duh, babae pa rin ako at ayoko nun.
"And if Caleb and Dylan find out, I hope they understand."
"Maiintindihan nila yun." He assure me.
Tama. Nung una nga naintindihan ako ni Caleb sa Amnesia kuno ko at sa pagsusungit ko eh. Eto pa kaya? Pero hindi ba magiging unfair sa kanila? Na hindi nila malaman yung nangyari kay Aaren? Nagi-guilty na naman ako.
"Oh magbihis ka na."
Teka, sabado ngayon ah. Wala naman akong pasok. Bakit ako pinagbibihis nito?
"Bakit? Wala namang pasok ah?"
"Ah basta wag ka na magtanong! Magbihis ka ah yung normal wag ka na magdisguise. Susunduin kita mamaya."
Yun lang ang sinabi tapos pinatay niya na yung tawag. Bigla tuloy akong kinabahan. Anong ibig sabihin nito?
Gusto ko pa sana siyang tanungin kung bakit pero nagbihis nalang ako gaya ng sinabi niya. Yung normal. Yung sinusuot ko nung hindi pa ako nagpapanggap.
Nagsuot ako ng fitted jeans at blouse na puti. Napatingin ako sa buhok. Ang ikli.
Minsan sa pagpapanggap ko nakakalimutan ko na minsan na babae ako at kung nasaan ba talaga ako nanggaling dahil naeenjoy ko na talaga ang life bilang Aaren. Ito yung normal na buhay eh. Hindi gaya nung buhay ko sa loob ng bahay na halos dalawang lugar lang ang pinupuntahan ko. Kwarto at library. At balot pa ng katahimikan dahil wala nga akong kaibigan maliban sa ibang tao sa bahay at Hilda.
Sigurado ba siya sa iniisip niya? Mukhang gusto niya na akong komprontahin yung dalawa. Jusko medyo kinakabahan pa rin ako. Ang dami kong iniisip dahil na giguilty pa rin ako sa pinaggagawa ko.
YOU ARE READING
Switched
Teen FictionLiving like my twin is hard because it's different from my environment. Home study, no friends and no thrilling and exciting memories. But after we switched up, I slowly enjoying it. Making your life and feelings thrilling and go up side down. It's...