SPENCER
*Dining Hall*
Lahat ng students at teachers ay nandito ngayon sa dining hall para sa breakfast. Pati mga higher year level ay nandito narin.Sobrang laki ng Hall na ito. Actually, this is composed of many long tables and students are seating in accordance to their section. Catered ang mga foods na nasa bandang gilid. Complete set ito actually, from the appetizers, to main course, desserts and etc. Nakahelera yun lahat kaya kung gusto mong magpakabusog, it's up to you. Hahaha!
May separate long table naman ang teachers sa may bandang harap ng hall at sa likod nila ay ang malaking window.Busy akong tsumitsibog nang may maramdaman kaming kakaiba. Naging makulimlim bigla. At ang mas nakapagpakaba sa amin doon ay yumayanig ang paligid. Unti unti naming naririnig ang panic sa boses ng mga estudyante. Kaya sumigaw ang ilan naming master teachers.
"Wag kayong magpanic! Duck! Cover!" Si Sir Vince Fuentego.
Agad - agad naman namin siyang sinunod kaya't nagsipuntahan kami sa ilalim ng long table namin.
Nang matapos ang pagyanig, agad - agad kaming pumunta sa labas ng school kung saan ginanap ang assembly ng freshmen kanina. At bigla nanamang yumanig.
But what caught our attention more was the flash of lights na lumabas sa pinakatuktok na tore ng school papunta sa langit. A vertical flash of lights. At galing sa langit ay may horizontal line of lights na nagform na patungong timog ng kalangitan sa amin."Ang mga ilaw. Galing sa chamber of the elemental orbs." si Master Daniela.
SAPPHIRE BLUE
RUBY RED
EMERALD GREEN
GOLDEN BROWNAng kulay ng mga ilaw na ito ang sumisimbolo sa central elements ng Magnifica.
AIR
FIRE
WATER
EARTH"Panahon na." Master David Ching
Ang pangyayaring ito ay naghuhudyat na ang central elements ay hinahanap na ang mga magtataglay ng kanilang kapangyarihan.
Nawala na ang pagyanig ngunit ang ilaw ay hindi parin. Pansamantala munang hindi sinimulan ang klase dahil nagpatawag ng meeting ang Headmaster Crimson Knight o mas kilala bilang Headmaster Crim at pinabalik kaming mga estudyante sa kani - kaniyang mga dorm namin.
Kasalukuyan akong prenteng nakahiga sa kama ni Dylan sa kanyang kwarto habang siya'y nasa couch sa gilid at tahimik na nagbabasa ng libro.
"Enjoy na enjoy sa kama MO ah." Si Dylan.
"Aba syempre no! Tsk. Nga pala, sinu - sino kaya ang mga magiging controllers ng center elements? They must've been so lucky."
"You cannot always say that the chosen people are always lucky. It could also be a curse."
"How?"
"You will know soon.""Tss. Pa-intense. Kinacool mo yan?"
"Gusto mong tumalsik palabas gamit ang bintana?"
"Joke lang pre. Hahaha!"
Natigil ang paguusap namin ng may kumatok sa pinto.
Tumayo ako at binuksan ito at tumambad sa akin ang isang servant ng school."Sir Dylan and Sir Spencer, pinapatawag po kayo ng Headmaster Crim."
"What?! May kasalanan bako? Kami?"
"Hindi ko po alam sir eh. Basta pinapatawag daw po kayo"
"Ok ok. Salamat."
Umalis ang servant."Hoy Dylan! Pinapatawag daw tayo ng Headmaster! Pre, kinakabahan ako."
"Ayan. Puro kasi panchichicks ang iniisip mong damuho ka."
"Hoy grabe. Hanggang tingin lang naman tol. Tara na!"
Pumunta kami sa Office of the Headmaster. Kahit na isang taon na ako rito ay hindi ko parin maiwasang mamangha sa aura at kilabot na pumapalibot sa kwartong ito. Kahit nasa labas ka palang ay mararamdaman mong hindi basta - basta ang nilalang sa loob nito. Binuksan namin ang isa sa double door nito at pumasok sa loob.
"Spencer, Dylan, mabuti at narito na kayo."
Unti unting humarap ang lalaking kanina'y nakaharap sa kanyang malaking bintana at nakatingin sa pinatutunguhan ng ilaw. His serious eyes, his hair that really defines his name, light mustache, tall height, and lastly, his posture that screams authority & great power is what makes him the most powerful magnifican.
Magnificans are the people living in magnifica.
"Good morning, Headmaster Crim."
Sabay naming sabi at nagbow ng bahagya sa kanya."Maupo kayo."
"Salamat po."
"Alam kong alam ninyo kung bakit may ganitong pangyayaring naganap hindi ba?"
"The search of the center elements for their respective controllers." Ani Dylan.
"Tama. Ngayon, alam niyo ba kung nasaan ang mga controllers na iyon?"
"Dun din po ako nagtataka. Kasi base po sa direksyon ng mga ilaw nito mukhang hindi sa mismong magnifica ito nakaturo. Kasi kung oo, dapat ay nasa bayan natin papunta mga ilaw nito sa langit." dagdag ko.
"It seems like, it goes on a different place." si Dylan.
"Exactly. Ngayon, ang mga magiging bagong controllers will come from a different place."
"Saan po?" ako.
"Sa mundo ng mga tao."
"What?!" Ako. At sinabayan ng pagkunot ng noo ni Dylan.
"Oh. Sorry po Headmaster, nabigla lang. Hehe. Talaga po?" Dagdag ko.
"It's okay. I, too was quite shocked by what happened. Pinatawag ko kayo because I want you to do this mission."
"What mission sir?"
"Kayo ang susundo sa kanila sa mundo ng mga tao......
I want you to take here the new controllers of the center elements."
~~~~~~~~~~~
Pagsapit ng alas - syete ng gabi kami'y handa na sa pag alis sa Magnifica. Ang utos samin ay sundan lang namin ang 4 na ilaw at matatagpuan namin ang lugar kung nasaan ang mga bagong manipulators. Kahit papano'y nababahala ako dahil matagal narin simula nang ako'y makapunta sa mundo ng mga tao. Ano kayang naghihintay samin dun?"Ayos na ba ang mga gamit mo?" ako.
"Yeah. I'm ready. Let's go."
Pumunta kami sa kagubatan sa likod ng academy. Dalawang oras ang inabot namin bago namin marating ang isang abandonadong 2 palapag na bahay. Pumasok kami sa loob nito. Nagdire - diretso lamang kami sa parang salas na ito hanggang sa umabot kami sa kabilang dulo na may pinto ulit. Binuksan namin ito at lumabas. Sumalubong sa amin ang kakaibang lugar na matagal na naming hindi nakita.
"Naging parehas ang kulay ng mga ilaw, puti." ako habang nakatingin sa ilaw na aming sinusundan sa kalangitan.
"Andito na nga tayo. And I guess, this journey is not going to be easy." Dylan