CHAPTER 6

9 0 0
                                    

CAYLUS

"GOOD MORNING PHILIPPINES AND HELLO WORLD!"
Sabi ko pagkabangon na pagkabangon ko sa aking kama. Oh diba? Toni G ako don! Nga pala, first of all, gay ako guys. Hahahaha! Pero hindi ako yung baklang bakla kung kumilos. Saktuhan lang. Tsaka only when my close friends are around. Discreet nga sabi nila.

Agad akong pumunta sa C.R. at naligo.

Tententenen tentenen
Yeah yeah yeah
BLACKPINK IN YOUR AREA!
Ten tentenen tentenen~

Kasabay ko sa pagtugtog ng KILL THIS LOVE ng favorite girl group ko na BlackPink at pagsayaw dito. Sarap talagang sumayaw, kaso hindi ko na ito masyadong nagagawa dahil hindi rin naman nabibigyan ng chance at busy din.

Tinapos ko na ang pag ligo at bumaba na sa kitchen.

"Good morning, Tita, Tito and Jaymee!"

Yes, sila Tito and Tita na ang nagalaga sakin hanggang sa paglaki dahil ayon sa kanila ay matagal nang namatay ang aking mga magulang at sa kanila ako ipinagbilin. Pero kahit na ganoon ay itinuring akong parang tunay na anak nila Tita. At tanggap nila kung ano ako at ang kasarian ko.

"Oh. Caylus, good morning din. Kumain kana."

At sabay - sabay na kaming umupo sa hapag kainan.

"Saan ang punta mo ngayon anak? Mukhang may lakad ka ah?" Tito

"Magpapractice lang po kami ng badminton then magma-mall lang po kami ni Noelani after. At magvo-vlog para po may maicontent. Hehe"

Noelani, siya ang best friend ko parehas kaming varsity ng school sa badminton kaya kahit bakasyon ay nagpapractice parin kami regularly. And yes, I am a youtube vlogger. Kakasimula ko palang actually a few months ago kaya mga 50,000 pa lang mga subscribers ko. Mahilig lang talaga ako dumaldal at magshare ng mga happenings ko sa buhay kaya ko naisipang magvlogging.

"Oh sige mag - iingat kayo ha?" Tito.

"Opo, tito."

"Kuya, kuya! Pasalubong po ha!" sabi ni Jaymee, ang anak nilang 6 years old.

"Oo naman basta para sayo!"

Pagkatapos naming kumain ay naghanda nako ng aking mga gamit at pumunta na sa school.

"Noelani!"

"Ace!"

"Kamusta na te? Tara practice na tayo."

"Ok naman te. Tara!"

At nagBadminton na kami.

Pagkatapos ng laro ay nagpunta na kami sa C.R. at naligo.

Nagpupunas na ako ngayon ng buhok at tiningnan ang sarili ko sa salamin.

Maputing kutis, singkit na mata, pinkish na labi, medyo maliit na mukha at saktuhan na katawan (malaman pero hindi naman mataba).

Nang biglang....

"Hala. Wtf."

Umilaw bigla ang mata ko at mga kamay ko.

"Aray ang hapdi!"

Napahawak ako bigla sa kanang palad ko dahil sa hapding nararamdaman ko.

"Magkakakepyas naba ako? HUHU"

Halos mapaupo ako sa sahig dahil masakit talaga mga mumsh.

Biglang nawala ang ilaw sa mga mata at kamay ko.

"Ano to?"

May naiwang marka sa kanang palad ko. Or should I say....

"Symbol ba 'to? Saan to galing? Bakit ako nagkaroon ng ganito?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MAGNIFICATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon