CHAPTER 4

13 0 0
                                    

JEHRALYN

"Jehra!" signal sakin ng kakampi ko.
Tumakbo agad ako paharap, tumalon at itinaas ang mga kamay ko para ma-block ang bola.

*POOOGSH!!*

"Woooaaah!" alingawngaw ng crowd.

Nagserve naman ang teammate ko at nasalo naman agad ng kabila at tinira papunta sa amin.

"Jehra, Salo!"
Sinalo ko agad yung bola galing sa side ng kalaban.
"Celine!" pagkuha ko ng atensyon ng katabi ko.
Sabay salo rin niya ng bolang tinira ko.
"Ayan. Jehra, go!"
Sabay talon ko ng mataas at bigay ng buo kong lakas para ma-spike ang bola.

*BLAAAAAG!*

"Yooon!" Sabay punta sakin ng teammates ko at nag-apir kami ng sabay - sabay.
Nakipag kamay kami sa mga kalaban.

"Kailangan may pag - irap?!" Ani Celine
"Oh. Oh. Awat na." sabay pagharang ng kamay ko sa kanya para di na siya magtangkang lumapit pa sa isang kalaban.
"Psh." sabi ng kaaway niya.
"Aba't?!"
"Celine, tama na. Hayaan mo na yan." ako.
"Eh kasi naman eh!"
"Wag mo nang patulan. Ang mahalaga nanalo na tayo. Inggit lang yun. Haha"

Nagpalit na kami ng pang-itaas, at naglagay ako ng sumbrero dahil balak kong dumiretso sa tindahan ni Lola sa palengke para tumulong sa pagtitinda.

Naglakad na kami ng magkakasabay palabas ng court at papuntang palengke dahil doon din naman ang daan ng mga kaibigan ko.

"Hay. Grabe. Namiss kong magvolleyball ah." si Celine
"Oo. Sa sobrang pagkamiss mo nga eh muntik ka nang makipagaway dun kanina."
"Eh panong di mag - iinit ang ulo ko dun eh kada mananalo tayo ganun nalang ang pag - uugali niya palagi? Krompalin ko ng bag ko yun eh."
"Oh. Oh. Oh. Hinay - hinay yung puso mo. Hahaha
Hayaan mo na kasi. Yang mga ganyan tao dapat di na pinapatulan. Nag - iisip bata lang yan. Bababa kapa sa lebel ng mga yun."
"Owkey Bhozxs Jehra bente - kwatro."
at nagtawanan kaming lahat.

"Oh sige na. Dito nako sa palengke."
"Bye!" Lahat sila.

Kumaway nalang ako habang nakatalikod na naglalakad.
Hapon narin kaya mamaya magliligpit nayun sila Lola. Nagtitinda kami ng mga gulay at mga sangkap panluto dito. 

"Lola!"
"Oh Apo."
Nagmano ako.
"Kamusta ang laban?"
"Ok naman po. Panalo po kame!"
"Yan ang apo ako! Hahaha!"
"May panchicks nako 'la!"
"Nako. Ikaw talaga apo!"

Sabay kurot sa tagiliran ko habang nagtatawanan kami. Nga pala, hindi ako straight guys. Hahaha

"Joke lang po. Hehehe"
"Ang ganda - ganda mong tibo eh."
"Ngek! Lola naman!"

Nagtawanan ulit kami.
"Uy pinsan!"
Sabay lapag niya ng bitbit na mga bagong supplies para bukas. Jaden nga pala ang pangalan niya ngunit mahilig kami magtawagan ng insan. Wala, para maangas lang. Haha
"Uy!" sabi ko
"Kamusta laro niyo ng magaganda mong kateam? Ikaw ah. Yiee"
"Tss. Tigilan mo nga yan insan, mga kaibigan ko yun. Tulad mo pako sayo. Di kita papalitan sa pagiging ultimate pakboi ng pamilya natin. HAHAHA!"
"Di ka talaga magiging pakboi kasi di ka boy! HAHAHA!"
"ABA SIRAULO 'TO AH!" akmang hahampasin ko siya ng kangkong pero--
"Oy. Tigil niyo nayan magkapikunan pa kayo diyan." ani lola
"HAHAHA Di ako ganun no! Hanggang tingin lang ako."
"Talaga lang ah? Hahaha!
Nga pala, kailangan mo ba ng tulong?"
"Wag na onti lang naman 'to."

Natigil ang usapan namin ng may bumili at agad itong pinagbilihan ni lola. Naghugas ako ng kamay sa may gripo sa gilid, bumalik sa tindahan at inayos ang ilang mga paninda habang naririnig ang transaksyon ng mga bumibili. At pailang - ilang sulyap.

"Nay magkano po sa isang isang litro ng mantika?" sabi ng isang lalaki
"80 nak."
"Pabili po dalawang litro." sabay abot ng 500
Habang inaayos ni lola ay bigla ulit nagsalita yung bumili.
"Ay hindi napo pala nay sensya napo."
"Ay. Osige sige."
Binalik ulit yung pera niya pero laking gulat ko sa nakita ko.
"Ay nay. 100 lang po ang binigay niyo."
"Sabay pakita sa kanya nung pera."
"Akala ko 500 yung ibinigay ko?"
"Namalikmata po ata kayo? Hehe"
Binalik yung pera niya sabay naglakad.

MAGNIFICATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon