CHAPTER 3

20 0 0
                                    

ALEXANDER

Nagising ako dahil sa gutom na naramdaman ko. Inayos ko ang bendang nakabalot sa kanang kamay ko. Proteksyon ko rin sa kamao ko kapag nakikipagbugbugan ako sa labas.
Ngunit laking gulat ko nang umilaw ang mga palad ko at may kung anong mahapdi dito. Bumangon ako sa kinahihigaan ko at pumunta sa may malaking salamin sa tapat ng aparador ko.
Maging ang mata ko'y umiilaw.

"Ano to?!"

May kung anong ukit ang bumuo sa palad ko. Ang hapdi.
Tiningnan kong muli ang sarili ko sa salamin. Hanggang sa tuluyang nawala ang pagliwanag sa mata at palad ko.
Kinusot ko ang mata ko. At tumingin sa palad ko. Hindi nawala ang ukit na nabuo.
Ah ewan! Baka dala lang 'to ng gutom. Sumilip ako sa bintana.

"Tsk. Gabi narin pala."

Pero nagulat ako nung may makita akong dalawang lalaki malapit sa bahay nato. Isang blonde yung buhok at isang itim..brown? Ewan. Wala akong pakealam. Pero ang pinaka nakakuha ng atensyon ko ay ang kwintas nung parang itim ang buhok.

"Sa dinami rami ng pwedeng tambayan dito pa sa lugar namin ah. Malas mo lang. May bago akong pagkakaperahan." ngumiwi ako.

Lumabas ako ng bahay na tinutuluyan ko at dire - diretsong naglakad sa direksyon nung dalawa. Nakaharap sa direksyon ko yung blonde ang buhok at yung isa naman ay nakatalikod at nakasandal sa poste. Ayos to. Mapapadali trabaho ko ah. Nung malapit nako sa kanila, ramdam kong napapalingon sa akin yung blonde pero diretso lang ang tingin ko para magpatay malisya. At nung malapit nako,

"Hoy! Yung kwintas ko!"

"Ha. Akin na to!" sabay takbo ko ng mabilis.

Ramdam kong hinahabol nila akong dalawa. Sorry nalang sila. Di ko ugaling magpahuli. Takbo lang ako ng takbo at napansin kong napapalayo nako sa kanila. Pagdating sa may kanto, lumiko ako pakaliwa. Laking gulat ko nang may nakita akong grupo ng mga lalaki. Anak ng. Kilala ko tong mga 'to!

"At ang lakas parin talaga ng loob mong magpakita samin eh no?!" sabi nung lider nila.

"Suyang - suya na nga ako sa mukha mo, damulag."

"Talaga namang! Hoy! Itumba niyo yan!"

Sabi niya sa apat na utu - uto niyang mga alalay.

Nasitakbuhan papunta sakin ang mga kumag at sumuntok sakin ang isa. Pero agad akong nakaiwas at hinawakan ang kamay niyang nakaamba sa akin sabay pagsiko sa paa niy--este, pagsiko sa mukha niya. Mukha pala yun?! Tsk.
Napaatras siya habang hawak ang ilong niya.
Tumakbo naman papunta sa akin ang isa, pero pinatid ko agad kaya napaluhod siya, umikot ako patalikod para bumwelo at kasabay nun ang pagsipa sa ulo niya. Tulog.

Susuntok pa sana ang isa pa niyang kasama gamit ang kanang kamay niya pero nasalag ko agad yun ng kaliwang kamay ko at tinulak patagilid para matanggal sabay straight sa mukha niya. Bagsak.

Susugod pa sa akin yung nauna kong siniko kanina.

"Gusto mo ng round 2 ah?"

Pasuntok na sana siya pero yumuko agad ako pagtapos niya ay ako naman bumira ng sintok sa mukha at tadyak sa sikmura niya. Natuluyan tuloy siya. Bagsak din.

Nagulat ako ng bahagya ng bumulaga sa harap ko ang lider nila at akmang sasaksakin ako ngunit napaatras ako at nahawakan ang kamay niya. Tinaob ko ito na naging sanhi ng pamimilipit ng braso niya. Siniko ko pababa ang siko rin niya kaya napabitaw siya sa kutsilyo niya. Pagkatapos ay sinakal ko siya gamit ang kanang kamay ko at unti - unti na siyang napapaluhod sa sakit kaya hinaltak ko ang kamay ko sabay suntok sa kanya ng malakas. Taob.

"Anak ng. Mga pulpol pala 'tong mga 'to" Sabay ihip sa dalawang palad ko at pagpag sa kaliwang balikat ko.

Ako nga pala si Alexander Benedict Santiago. Mag - isa na ako sa buhay pero marunong akong lumaban. Kahit basagan pa ng ulo ang usapan.

MAGNIFICATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon