AVERY
*At Stanford's Resort*
"What a great day I have here."
Feel na feel ko ang pagsa-sun bathing dito sa tabi ng swimming pool ng resort namin. My temporary escape after the haggardous school year.
With sunglasses covering my eyes, red bikini and lips, talaga namang hindi maiiwasang mapatingin sakin ang mga taong nandito. Ngayon lang ba sila nakakita ng Diyosa?
Tss. Too bad for them.Not until I heard some ear - itchy noises somewhere near me.
"Ano ba? Can you hurry up? Gusto ko nang magsun bathing!"
Sabi ng isang nagmamagandang bisugo sa aking servant sa bandang dulo ng line of sunbathing chairs namin.
Tss. Ano bang akala niya sa staff ko dito? Robot? At talagang sa kanya pa pinadala ang mga gamit niya ha.Dahil medyo nabore narin ako, tumayo ako at kinuha ang aking fresh lemonade.
Naglakad ako papunta sa pwesto niya, diretso lang akong nakatingin hanggang sa nabunggo ko siya at natapon sa kanya ang inumin ko.
Gosh. Nanghinayang din ako. :<"Oh my god! Look what you've done to my throbe! Ughh!!" siya.
From the looks of her, mukhang class C lang ng rooms ko ang afford niya dito. Haha pathetic.
"Nasa dagat ba ako?" me.
"Huh? Pinagsasabi mo?"
"Eh bat may bisugo dito?" sabay turo ko sa kanya.
"what? Ang kapal ng mukha mo!" sabay angat ng kamay niya na balak sampalin ako, pero mas mabilis ako kaya nasalo ko agad ang kamay niya at sinampal ko naman siya gamit ang isa ko pang kamay.
"Ouch. Mas makapal pala yang mukha mo no? Sumakit yung palad ko eh. Hahaha!"
Napahawak siya sa pisnge niyang nasampolan ng sampal ko.
"Tinapunan mo na nga ako tapos sinampal mo pako? Namumuro kana ah!"
Nanggigigil niyang sabi na pulang pula na ang kanyang mukha at mata na hindi ko alam kung sasabog na siya sa galit o iiyak na. Hahaha wala namang thrill to."Bakit ka nagagalit? You should be thankful to me."
"At bakit?"
"Alam mo bang mga mamahaling gamit lang ang nahahawakan ng kamay ko? Baka nga mas mahal pa sa buhay mo ang lotion ko eh. Hahahaha!"
"Sino kaba ha at nagfi-feeling prinsesa ka dito? Staffs! Paalisin niyo nga tong babaeng to dito! Now!"
"You wouldn't wanna know." I smirked at her.
"Really huh?"
Lumapit sa amin ang staff, particularly, sa akin.
"Are you okay Miss Stanford?" yung staff.
"Aba't sa kaniya kapa talag--wait, what? S...Stanford?"
Halatang gulat siya sa narinig niya. Hahaha
Tama yan. Magulat ka talaga.
"About your question earlier? No, I'm not a princess...."
Lumapit ako sa kanya ng dahan - dahan. Yung sobrang lapit hanggang sa mapaatras na siya. Yumuko ako ng konti para mailapit ang bibig ko sa tenga niya at marinig niyang mabuti ang sasabihin ko.
"Because I'm a queen here."Tiningnan ko siya mula ulo mukhang paa, then, nilampasan ko siya at naglakad ng nakachin - up with a winning smile on my face.
Hi everyone. I'm Avery Kim Stanford, and every game that I play, I make sure to win with a smile on my face.
........Gabi na nung makauwi ako sa mansion namin. Binati ako ng ilang mga maids peri taas - noo lang akong naglakad hanggang sa sala. Aba masyado akong maganda para batiin pa sila no. My time is too precious.
"Hi ate. Kamusta ang resort? Nag enjoy ka naman ba? Or gumawa ka nanaman ng gulo?" sabi ni Avianna, my younger sister. Yanna is her nickname.
"Hay. Kung sino pa kasi 'tong mga dukhang nakatanggap lang ng konting biyaya akala mo pagmamay - ari na ang mundo. Kakapal ng balat. Tss."
"Hahahaha! Mukhang may nasampolan ka nanaman ah."
I rolled my eyes upwards.
"Yanna, Avery, dinner is served. Come on." sabi ni Mom.
Pumunta na kami sa kusina at kumain.
Pagkatapos namin ay umakyat na agad ako sa kwarto at naghalf bath. Pagkatapos ay lumabas ako ng banyo at humarap sa aking salamin. And right there, I saw my sharp - eyes, small - pointed nose and thin rosy lips. Napataas ang isa kong kilay, and I smirked