_______________________
Chapter Three
________________________
Lisa's POV
Ako si Lalisa Manoban ipinanganak na the only daughter. Naghiwalay na ang parents ko nong bata pa lamang ako, kaya dalawa na lamang kami ni mama. Mahirap man pero pareho naming kinaya, naging matatag kami ni mama, until na mag start na siyang makaramdam ng panghihina ng katawan.
Ako na nag wo-working student para lamang maka bayad ng gastusin sa ospital para kay mama.
Isa akong scholar sa isang bonggang school kung saan puro mayayaman ang pumapasok. Dahil sa sinuwerte ako sa katalinuhan ko pinagsipagan ko pa ng mabuti. Kahit na hindi maganda ang image ko sa school kahit na palagi akong tinutuksong pangit ng mga students sa school naging matatag pa rin ako. Kailangan eh, kailangang-kailangan.
Not until nakilala ko ang isang lalaking nag ngangalang Jungkook.
Muntik na akong masagasaan noong araw na iyon, umuulan pa naman ng malakas at wala ako sa sarili. Iniligtas niya ako sa kamuntik kong kamatayan.
At heto ako ngayon, hinihintay siya sa labas ng building nila.
Swerte ko nga eh dito din siya nag aaral. I hummed as I keep looking at my home made cookies just for him, dapat araw-araw ko siyang dalhan nito para sa malaking pasasalamat ko sa kaniya, iniligtas niya ako. Pero titigil lang ako kapag tinanggap na niya ang mariing pagpapasalamat ko sa kaniya.Tumingin ako sa relo ko hanggang sa narinig ko nang tumunog ang bell, at saka na nagsilabasan ang mga estudyante sa building. Hinintay ko siya nang hinintay pero hindi tumagal at lagpas na ng lunch break ay wala pa rin siya.
Araw-araw akong pumupunta sa building nila, o kaya naghihintay sa gate na nagbabakasakaling makita ko siya muli, pero wala.
Minsan ando'n ako sa court habang nag pa-practice sila, kaya lang hindi ko talaga siya palaging naaabutan.Napabuntong hininga na lamang ako saka napasandal muli sa waiting shed, hapon na at may shift pa'ko mamayang gabi. Napatingin muli ako relo ko.
"Malapit nang matapos ang practice nila--""Ikaw ba si Ms. Manoban?" Biglang tanong nong matangkad na lalaki sa harapan ko
"A-Ako nga, bakit?"
"So ikaw pala 'yung babaeng nasa labas palagi ng building namin. Si Jungkook ba ang hinihintay mo?"
Bigla naman akong napatayo sa sinabi niya
"Oo, saka kaibigan ka ba niya?"
"Oo, at alam ko kung na saan siya, sumama ka lang sa'kin" ani nong lalaki at hinila niya ako sa braso patungong kotse niya.
"Bitawan mo siya!"
Biglang kumaba ang dib-dib ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na'yun.
Jungkook!
Pero huli na ang lahat ng itulak ako nong lalaki sa loob ng van at humarurot papalayo.
I tried to fight back pero kaagad naman niyang tinakpan nang panyo ang bibig ko and everything went black.Nagising na lamang ako sa isang madilim na lugar kung saan nakatali ang dalawa kong kamay at paa sa isang upuan, may tape din na nakalagay sa bibig ko.
I tried to move my body pero napakahigpit talaga ng pagkakatali sa'kin.
Nang marinig kong bumukas ang pintuan. Doon pumasok ang isang lalaking naka maskara."Kawawa ka naman, alam mo bang palagi kang iniiwasan ng mokong na'yun, saka ang nakakabilib pa ay binayaran pa niya talaga akong gahasain ka. Pwe! Ba't naman kita gagahasain dahil ang pangit mo, de bale, pagti-tripan na lang kita para masaya" sambit nong lalaki sabay halak-hak
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi magagawa 'yun ni Jungkook, alam kong hindi siya masamang tao, iniligtas niya ako nong kamuntik na akong masagasaan noong araw na'yun.
Nang kinuha nong lalaki ang tape sa bibig ko ay kaagad ko naman siyang sinigawan.
"Sinungaling! Hindi magagawa ni Jungkook ang ganitong bagay! Mabuti siyang tao, alam ko 'yun!"
"Hehe, si Jungkook? Mabuting tao? Saan ba nanggaling 'yun? Baka ang sabihin mo may gusto ka sa kaniya kaya gano'n ka makapag salita sa kaniya"
"Ano bang pinagsasabi mo, kaya ko siya palaging hinihintay kasi gusto kong magpasalamat sa pagligtas niya sa'kin!"
Totoo naman kasi, wala naman akong may gusto sa kaniya."Itigil mo na 'yan Hope, ba ka mapaiyak mo pa'yan, hindi ka pa naman marunong magpatahan ng babae kapag umiiyak" isang pamilyar na boses ang biglang sumulpot.
Napatingin ako sa pinto kung saan siya nakatayo.
It was Jungkook himself!
Waaah! I'm saved!Pero Ano ang ginagawa niya dito? At bakit kalmado lang siyang nakatitig sa puwesto ko?
Pagkatapos no'n ay lumabas na kami sa abandonadong building.
Grabe na sa reclamation site na pala ako napadpad."Isa itong warning, at kapag makita pa kita ulit sa labas ng building namin o sa basketball court, I'll make sure na totohanin ko na talaga ito sa'yo." Sambit ni Jungkook
"Sorry, gusto ko lang namang mag thank you sa pagligtas mo sa'kin, kaya kita palaging dinadalhan ng cookies--"
Teka, asan na pala ang mga cookies ko?!""Hayaan mo na, saka wag ka nang mag abala pang mag thank you, sinasayang mo lang ang oras mo" ani nito sabay bangga sa balikat ko saka umalis na kasama ang mga grupo nito.
Napabuntong hininga na lamang ako saka umalis na rin.
Hindi pa man nagtagal ay may narinig akong putukan sa mga ilang sandali. Na sa dereksyon ito kung saan nag tungo sina Jungkook at ang mga kasama niya.Kaagad akong kumaripas ng takbo patungo sa kinaroroonan nila.
Nagtago ako sa isang malaking barrel kung saan naririnig ko ang usapan nila."Katapusan mo na ngayon Jungkook, tingnan na lang natin kung sino ang mas matapang sa atin ngayon" ani nong lalaki, kukunin na sana niya ang baril niya ay mabilis kong itinulak ang malaking barrel patungo sa dereksyon ng tabatchoy kaya napatumba silang lahat na para bang bowling pins.
"Matapang pala ah, kung patapangan pala 'to itapon mo ang baril mo at magsuntukan tayo!" Paghahamon ko.
Hindi na nakapagsalita pa ang tabatchoy ng sugurin na sila ng grupo ni Jungkook. Hala suntukan doon, suntukan dito.
"Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na umuwi ka na?!" Sigaw ni Jungkook habang sinusuntok ang kalaban
"Ayaw ko pang umuwi noh!"
"At bakit naman?!"
"Kasi may trabaho pa'ko mamayang gabi!"
Kaagad naman pinatumba ni Jungkook ang kalaban niya saka tumingin sa'kin
"Baliw ka talagang babae ka noh!"
"Baliw na kung baliw basta makabawi lang ako sa'yo tatahimik na'ko! Hinding hindi na kita guguluhin pa, promise 'yan!" Sigaw ko napailing na lamang si Jung kook
Nang bigla kong namataan na may kinuhang baril ang tabatchoy saka itinutok ito kay Jungkook"Hanggang dito ka na lang unggo!!"
Pasigaw nitong sambit saka pinaputok na ang baril._______________________________________
Pumikit ako at natumba sa sakit.
Ganito pala ang feeling na mabarilDumudilim ang paningin ko. Bigla nang lumalabo.
"Jungkook" I muttered as I deeply closed my eyes.
BINABASA MO ANG
Unpredictable Reasons To Love
Fiksi Penggemar" There are many reasons why we love that special someone we had in our minds. Some might have a simple reason, some might have a complicated reason, and some are natural. There are many reasons why you love that person. At ikaw lamang ang nakakaala...