A Backstory; The Lady Who Hunts Souls

14 2 0
                                    

"Maraming naiuwing pagkain ang ating mga kawal. Pinunong Nefarious." Ulat ni Afanti Maldava, isa sa mga mensahero ng Kaharian ng Shadow Lane.

"Dalhin ang lahat ng ito sa silid ko at ng aking asawa." Utos ng hari.

Isang alipin ang naglakas-loob na lumapit sa hari, ang mga kamay ay nanginginig, nagbigay-galang ito sa pamamagitan ng pagyuko bago nagsalita.

"Mahal na Haring Nefarious. Ang iyong anak ay tinatanggihan pa rin ang kanyang hapunan." Saad nito.

"ANONG SABI MO?" Galit na tanong ng Hari kasabay ng pagtayo nito mula sa kanyang tronong nababalot ng ginto at mga bungo.

"Pasensya na po. Sinubukan talaga naming pakainin siya ngunit matigas ng lubusan ang kanyang ulo." Pahayag ng alipin habang umiiling-iling.

"Ano bang problema niya? Simula ng malaman niyang mga kaluluwa ang bumubuhay sa atin ay naging suwail na siya!" Sigaw ni Nefarious kasabay ng malakas na pag-apaw ng itim na kapangyarihan nito.

Lahat ng mga alipin ay nawalan ng malay at ilang mga kawal ay nakaramdam ng pagkahilo at pagsakit ng dibdib.

"Mahal na hari. Kumalma kayo at susubukan kong kausapin ang inyong anak tungkol dito. Kung iyong pahihintulutan ay ipaliliwanag ko sa kanya kung bakit ninyo ito ginagawa."

Isang babaeng nakasuot ng puting bestida, kontra sa mga suot na itim ng mga kawal at ni Haring Nefarious mismo, ang pumasok sa pasilyo ng Kaharian. May dala itong isang kristal na parasol na kung iisipin ay misteryosong lubusan dahil sa kakayahan nitong magningning kahit walang sinag ng araw na tumatama rito.

"Crystalline Hunter." Pagsambit ng Hari sa ngalan ng binibining pumasok ng walang pasabi.

Nagbigay-galang si Crystalline o Crystal kung tawagin ng Reyna ng Shadow Lane.

"Ang lakas naman ng loob mong pasukin ang aking kaharian ng walang pasabi." Singhal ni Nefarious.

Tumawa ng mahina si Crystal kasabay ng pagtiklop nito ng kanyang kristal na parasol.

"Nagpasabi ako." Maikling sabi ni Crystal bago itukod ang payong sa sahig.

Binigyan siya ng hari ng may babalang tingin bago umupong muli sa kanyang trono.

"Totoo~, magalang kong ipinaabot sa iyong mga kawal na nais kong makausap ang hari nila. 

Iyon nga lang, mukhang na-alarma sila sa kapangyarihan ko kaya sinugod nila ako pagkatapos hindi ko napigilan ang sari-..."

Pinatigil na ni Nefarious si Crystal sa pagsasalita dahil nayamot na ito sa kadaldalan ng babae.

"Mga kawal, mangyaring lisanin niyo ang lugar na ito. Lahat ay magbantay sa labas at siguraduhing walang ibang tao ang makakapasok!" Utos ni Nefarious.

"MASUSUNOD PO!" Sagot ng mga kawal saka nagmadaling magsilabas.

Saglit lamang na namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa at agad na nabasag ng magpakawala ng tawa si Crystalline.

"Anong nakatatawa?" Seryosong tanong ng hari.

"Let's stop these formalities shall we? I'm here for a bargain." Crystal stated with a smirk.

"Kung nais mong kunin ang anak ko. Kailanman ay hindi ako papayag sa nais mo!" Babala ni Nefarious.

"Oh please. I'm not here for that anymore, as I told you earlier I will help you feed your daughter. I could do it everyday for you." Crystal stated.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Naiinip na tanong ng hari.

"My bad. That does not sound like a bargain right? Then how abooout, I will feed your daughter with the souls of the living so as to save her from Death who you and your people fear so much and in return you need to help me infiltrate the most respected Academy in this world." Said Crystal who smiled sweetly after.

Nakaramdam ng inis ang Hari sa pag-aakalang iniinsulto lamang siya ng kausap. Ngunit alam niya ring kailangang kumain ng kanyang anak upang hindi ito mamatay dulot ng kawalan ng kaluluwa.

Ang mga mamamayan ng Shadow Lane ay nabibilang sa mga Non-existant races, nangunguhulugang sila ay isang lipi na hindi naman talaga dapat nabubuhay sa mundong ibabaw. Ang pagkain ng mga kaluluwang kanilang nahuhuli ay ang tanging paraan upang patuloy silang mabuhay.

"Napag-isipan mo na ba?" Tanong ni Crystal.

"Nais kong malaman kung anong benepisyo ang makukuha mo sa pagpasok sa Xatarac?" Tanong ni Nefarious.

Sekretong napangiti si Crystalline.

"So, you heard about that place. King Nefarious, I see no reason for me to explain it to you." The lady stated as her eyes glinted for a short while.

"Sneaky, bi-"

"Father...who are you talking with?"

Kapwa ikinagulat ni Crystalline at Nefarious ang biglang paglitaw ng anak na babae ng hari mula sa anino ng kurtina sa gitna ng pasilyo.

Dali-daling binuksan ni Crystal ang kanyang parasol upang itago ang mukha niya mula sa bata, hindi maipaliwanag ng babae kung bakit niya iyon ginawa ngunit sigurado siyang na-alarma siya sa presensya ng bata.

"I see, even she is afraid of me." The child concluded.

"Takot? BAHAHAHAHA!" Dumagundong sa pasilyo ang halakhak ni Nefarious. Natuwa ito sa sinabi ng kanyang anak.

"I am not afraid!" Sigaw ni Crystal.

"Hmm? Is something funny Father?" The child asked, disappearing beside the curtains and appearing in front of Nefarious.

"Anak, siya nga pala si Crystalline Hunter. Ang babaeng nanghuhuli ng kaluluwa ng mga buhay." Pagpapakilala ni Nefarious kay Crystal.

Pumait ang ekspresyon ng mukha ng anak ni Nefarious, binalingan nito ng masamang tingin maging ang sariling ama.

"So, you're hiring people from the outside to force feed me now, huh Father?" The girl said with a scowl.

"My child, first I did not hire her, she came to me. Second, if you don't eat your dinner, I WILL PERSONALLY WIPE YOUR MOTHER OFF THIS WORLD." The last words of the King boomed and echoed across the hall.

Natahimik ang bata, yumuko at tumingin kay Crystal na ngayon ay natahimik din.

"Crystalline Hunter, the Lady who Hunts Souls, I've heard about you. And your bargain with Father...including the past bargain." The child seriously stated as she walked towards the Crystal.

Isang seryosong tango naman ang sagot ni Crystal, pagkalao'y ngumisi ng maramdamang mukhang may magandang mangyayari.

Bumulong ang batang babae, seryoso naman itong pinakinggan ni Crystal at pagkatapos marinig ang mga salita ng prinsesa ay tumalim ang tingin nito sa Hari ng panandalian.

"May pinag-uusapan ba kayong hindi ko nalalaman?!" Galit na tanong ng Hari.

"Nothing Father, I just checked her pretty parasol. Can I have one?" The girl asked.

"Mukhang magalang ka na naman. Sa tingin ko ay ibigsabihin nito ay kakain ka na ng maayos magmula ngayon," nginisihan ng Hari si Crystal, "mukhang nasayang lamang ang oras mo dito Crystalline. Nakita mo iyon? Sinusunod ako ng aking anak sa pamamagitan lamang ng mga nararapat na babala hindi ko tatanggapin ang alok mo."

"Mukha nga, Haring Nefarious. Ang buong akala ko ay sapat na ang pagkadesperado mo upang tanggapin ang alok ko." Dismayadong sabi ni Crystal.

"Lumayas ka na sa aking Kaharian!" Sigaw ni Nefarious habang nakapinta sa mukha ang tanda ng tagumpay.

Isang misteryosong ngiti ang iniwan ni Crystalline sa hari, saka panandalian bumaling sa prinsesang walang dudang panonoorin din ang kanyang pag-alis.

"Deal.""Deal."

A Legend in Xatarac AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon