Reyna ng kamalasan

634 20 5
                                    

"Sorry, I can really see you as a friend or rather my sister. I can't feel the same way too. Sorry talaga, marami pa namang iba dyan eh. Mas deserving para sa'yo.."

 for the 9th time I guess? :)

UGH! I hate these words!!! Lagi nalang ganyan, nung nagpaulan siguro ng kamalasan si God ako ata lahat sumalo eh?! Jusko.

Lagi nalang talaga, friendzoned, rejected atbp. Basta, tengene! Nakakaawa na nga ko minsan eh. Hahaha.

 Pero ganyan naman talaga pagdating sa love diba? Tatanga-tanga tayo minsan. Hay nako!

"Studies first before love Hannah, tandaan mo yan!!!" lagi ko yang sinasabi sa sarili ko. Pero anong kinakalabasan? Wala. Puro pag-ibig parin sa huli.

Oo? Ganito na yata akong kadesperada eh, yeah. 2yrs na akong single, 1 palang nagiging boyfriend ko, last relationship ko ata eh nung highschool pa ako e. Leche naman kasi nung nag-college ako eh? Parang wala man lang nagkagusto sakin, shet. Maganda naman ako ah?! Hahaha. Okay sorry na, medyo makapal lang ang pes.

--------

Tuesday, September 2010.

"Hannah, bagsak daw mga midterms mo sa Chemistry at Algebra ah.." sabi ni Marie na kaklase ko.

"Weh?! Tang ina, di pwede!! Bagsak din prelims ko sa mga subject na yan eh. Takte naman.. Bawi nalang ako sa finals.."

"Sus, lagi mo naman yang sinasabi eh. Magseryoso ka nga kasi, puro ka lovelife wala naman!"

OUCH naman neto. Grabe ah? Thank you friend gumaan loob ko, sarap nitong batukan!! Takte, pero may point din sinabi nya, ang sakit nun ah! Haha.

Pagkatapos namin sa isang klase eh break time na, so pumunta kami sa canteen para kumain malamang, ano pa ba pwedeng gawin sa canteen? Sakin meron pa eh, boy hunting? Hahaha. Charot lang! =)

So bumili ako ng food sa rice in a box at iced tea lang. Okay na sana eh, kaso nagulat ako kung bakit basang basa ang kamay ko, yun pala butas yung plastic cup na pinaglagyan ng tindera ng iced tea ko. Ang masaklap pa dyan nadumihan uniform ko! WOW HA. GREAT!!! Watta great day!

"Ano ba yan Hannah, clumsy mo msyado. Here oh, kunin mo na tong tissue." pag-alok ni Marie.

Di na ako nagsalita. Medyo nakakahiya na ewan, madami kasing nakakita, ewan ko ba? Mahiyain ako msyado eh? Kanina kasi maraming nakatingin eh, potek. Haha.

 So eto na kumakain na kami, habang nag-uusap kami ni Marie alam nya kung ano mga tinitgnan ko, malamang mga lalaki lang naman. Ang dami kasing pogi sa school eh! Haha. <3

"Hoy Hannah! Kinakausap kita dapat sakin ka tumitingin. Bastusan ka talaga eh? Puro lalaki nanaman inaatupag mo."

"Grabe ka Marie ah, eh alam mo naman diba? Kating-kati na ako magka-lovelife ulit."

"Don't look for love, let love find you."

Wow. Speechless ako sa sinabi ni Marie, ang seryoso msyado. Tae. Yeah, tama nga naman s'ya. Haaaaaay. Eh di ko mapigilan eh bat ba?

"Oh? Di kana nakapag-salita dyan? Ikaw naman kasi. Ayusin mo muna grades mo bago lovelife ha? Di mo ko nanay pero payo as a "concerned" friend.."

"Oo na, oo na. Kaya nga babawi na talaga ako sa finals! Promise. Thank you bebe."

Sabay niyakap ko s'ya. haaaaaay. Bestfriend ko talaga 'tong babaeng to. <3

 So after ng mala-teleseryeng eksena namin, pumunta na ulit kami sa klase.

Ang dyahe naman! May dumi pa sa uniform ko, tae naman. 

Pag pasok namin may limang lalaki sa room na mukhang iba yung course nila, baka naman mga irregular 'to? Pero ewan? Midterm na tas may mga irreg parin? Algebra na yung klase namin, infairness ang tagal ng prof.

ONE SHOT (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon