JHO POV
It's been a month Simula nung lumipat kami dito sa Lipa. Sobrang laki ng adjustment na ginawa ko. Sa lugar, sa language pati sa mga taong nakakasalamuha ko. Second semester pinalipat kami ni Mama dito sa La Salle Lipa,ang hirap sa part namin ni Jaja na iwan ang school na nakasanayan namin. Lumipat kami dito dahil dito na naka distino ang company kung saan nagta-trabaho si Papa bilang Head Manager kaya kinailangan din namin sumama dahil mukhang dito na talaga ang permanente niyang trabaho. Madali lang kami naka pasok sa school ni Jaja dahil inaasikaso na pala nila mama ito habang nag-aaral pa kami sa dati naming school.
Nakaka panibago sa bago naming school bukod sa wala kaming kakilala at may mga boys narin. Di kami comfortable gumalaw ni Jaja dahil di ito ang aming naka sanayan.
Nung una di ako pumayag na lilipat kami kahit anong pilit ni Papa at mama sa akin ay ayaw ko talaga pero sa huli pinagbigyan ko ang hiling nila dahil sa nangyari last last month na kinawasak ng puso ko.
Naka simangot ako nang maalala ko ang mga pangyayari.
Flashback
Mabilis lumipas ang panahon madalang ang pagbisita ng team besh sa Amin. Nag tataka kayo bat namin sila kilala, nakakasama namin sila sa mga contest na sinasalihan namin, sila ang nagiging facilitator ng every game then tinuturuan din nila kami sa larangan na kanilang ipinagmamalaki at ipinaglalaban ang Volleyball.
"Ay anak ng" halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng biglang may umakbay sa akin
"Anak na napaka ganda?" Naka ngiting sabi Ponggay, inirapan ko lang siya.
"Ang lalim ng iniisip natin ate gurl" singit ni Jema na tumabi din sa akin
"Hindi naman, iniisip ko lang end of semester na may plano kayo?" Pag iiba ko ng usapan
"Ahm, outing kaya tayo? Or mag camping? Kahit isang gabi lang para naman masulit natin ang semestral break" sabi ni Jema na tila nangungumbinsi ang kanyang Mata
"Yesss! I like the idea of you bes the camping!! Exciting" nag tatalon na may pasayaw na sabi ni Ponggay
"Sige sabihin natin yan sa damulags at pabeby's" natatawa Kong sabi
YOU ARE READING
Hidden
RandomIsang Babaeng *mabait *matulungin *laging positive *nag mamahal ng sobra at mas kilalanin pa siya sa story na to JHOANA LOUISE A. MARAGUINOT Boyish *bully *pinagkakaguluhan *mayaman *madaming humahanga sakanya *moody *makulit at kilalanin din nat...