7

8.9K 207 7
                                    

7

Jennie

Nandito pa din kami sa Library ni Chu, tinatapos yung assignment kay Mr. Lee. Nauna akong matapos kay Chu kaya naman nagmasid masid ulit ako sa library. Nagba'baka sakaling nandito yung hinahanap ko.

Sa paghahanap ko, nakita ko yung isang lalake na naka'pwesto malapit sa table namin. Kanina nya pa ako tinitignan. Buti nalang sanay na ako sa mga ganitong sitwasyon. Kasama nya mga kaibigan nya. Mga med student pala sila. Nginitian nya ako, sakto namang lingon nung kasama nyang babae at tinignan yung direksyon ko. And I swear to God, I'm screaming internally right now nung lumingon yung babae. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Oo, I know it sounded cliché. Yung parang sa mga nababasa nyo sa libro. Pero, damn. Totoo palang nangyayari yun in real life??? Yung pag lingon nya, slow motion pa din just like nung nakita ko sya sa Pop's. So med student pala sya, hmmm.

"Chu!! Chu!! I found her. I found Barbitch." Dali dali kong kinuwit si Chu.

"Ha? Saan? Saan?!" Nilibot naman ni Chu yung piningin nya sa buong Library.

"Silly. Wag kang magpahalata. Naka'tingin pa din sila dito. 10 o'clock." Sabi ko sa kanya at gets na nya yun.

"Yung may bangs?"

"Yes Chu. Kamukha nya si Barbie diba??" Sabi ko naman kay Chu.

Nginitian ko si Barbitch, baka sakaling makilala nya ako. Siguro naman hindi nya ako malilimutan dahil ako lang naman yung sumingit sa pila nya na nagpa'inis sa kanya. And boy was I wrong. Hindi nya ako pinansin. Instead na sya yung ngumiti pabalik, yung kasama nyang lalake yung nag'hi sakin. Galit pa din ba sya sakin? Kilala na kaya nya ako?

"Tama ba yung nakita ko? Hindi kana nya pinansin Jendeukie? HAHAHAHAHA oh my god. I like that girl ha. Want me to ask her name?" Pang asar naman sakin ni Jisoo.

"I can't believe it. Hindi gumana sa kanya yung gummy smile ko." That girl. That girl is something. Alien ba sya? This is so frustrating.

"Ayan ka na naman Jennie Ruby Jane. I told you, hindi lahat makukuha mo dyan sa gummy smile mo. Ibahin mo sya. That girl is something. Mukhang magkakasundo kami. Magtayo kaya kami ng grupo. Mga haters mo."

Inirapan ko sya. At akmang tatayo na, nang pigilan nya ako.

"Hep! Where do you think you're going?"

"I'm going to follow her."

"Follow her?" Takang tanong ni Chu tapos tingin sa table nila Barbitch. Nakita nyang wala na doon sila Barbitch.

"Oh no, you won't. Jendeukie you're being creepy na ha! Nagmumukha ka ng stalker. Sabihin mo nga sakin, gusto mo ba sya?"

Nagulat ako sa tanong nya. What? Is she serious? Ako? Magkakagusto sa kapwa babae? Oh no, never in my wildest dreams na ma'imagine ko ang sarili ko na magka'gusto sa kapwa ko babae.

"What?! Me? Magkaka'gusto sa kanya? I'm not even gay Chu, and you know that."

"Exactly my point. Hindi mo naman sya gusto e. Then why are you acting like some kind of a stalker? Pwede ba, kung gusto mo sya maging kaibigan then fine. Let's befriend her. But not the way you want to."

For the nth time, Tama na naman si Jisoo. Why does she have to be so good at giving advices?

"This is so frustrating."

"Matanong nga kita... bakit ba gustong gusto mo sya maging kaibigan? Akala ko ba naiinis ka sa kanya dahil hindi ka nya kilala?" Tanong ni Jisoo. Napaisip na naman ako. Bakit nga ba?

"Actually, I don't know Chu. I find her interesting tho. Oh, alam ko yang iniisip mo. Hindi sa ganun. You see, bihira ako makakilala nang tao na hindi ako kilala. By means of bihira, sya lang yung tao na yun. Bukod sayo... I think she will never judge me kasi nga she don't know me."

Natigilan si Chu sa sinabi ko. Hindi ko alam kung naintindihan nya ako. Kase ako mismo, hindi ko maintindihan yung sarili ko.

"And narealize ko din na kailangan ko na ng bagong best friend. Ang gaan pa naman din ng pakiramdam ko kay Barbitch." Pang aasar ko kay Chu hahaha

"Ah ganon? Okay, then good luck on planning how to get close with your future best friend... alone." Sabi ni Chu. Sya naman yung nag'akmang tatayo at aalis kaya pinigilan ko agad sya.

"HAHAHAHA, you know I will never do that Chu. I can never replace you with anyone."

"Hmp. Sinasabi mo lang yan kase gusto mong tulungan kita."

"Hehehe, will you? Help me?"

"I hate you. Dahil dyan, Ililibre mo ako ng chickin for one month."

"Deal. But, no joke. I will never replace you with anyone. You're my Chi chu forever." Sabay lapit sa kanya at nagkunwaring ikikiss ko sya sa cheeks.

"I know that. But eww, no kiss no kiss. Let's go home na. Bukas na natin pagplanuhan kung paano mo makukuha yung puso este yung loob ni Barbitch."

Hindi ko alam kung anong plano ang gagawin ni Chu bukas pero, I'm kinda excited. But for now, ang mahalaga nakita ko na sya at alam ko na kung anong course nya. Wait, Nursing ba sya? MedTech? OT? PT? RadTech? Pharma? Argh, whatever I'll find out tomorrow.

-

Excited akong pumasok ngayon. Bukod sa friday na ngayon, ngayon din namin pagpaplanuhan ang mission namin kay Barbitch. Bumaba na ako sa kotse at pumasok na sa campus. Sabi ni Chu nasa room na daw sya kaya dun nalang daw kami magkita. Habang nag lalakad ako sa hallway, madami ang bumabati sakin ng 'Goodmorning Ms. Jennie' 'Hi ate Jennie, have a nice day.' Ako naman, Smile lang tapos bati din ng Good morning sa kanila. Napagsabihan na din kasi ako dati ni Lolo na wag ko daw dalhin sa school yung pagiging snobera ko. Hindi naman sa snobera ako, hindi lang talaga ako palabati sa mga hindi ko ka'close. (Wehh? Eh bakit mo nginitian si Barbitch kahapon sa library? Close kayo? Close kayo?) Magkaiba yun okay!!

Anyways, As I was walking, napadaan ako sa Medical Building. Tamang lingon lingon lang baka makita ko ulit sya.... wait.... I really do sound... and act like a stalker. Eww, Jennie. That's so not you! Nung narealize ko na ang creepy ko pala talaga, aalis na dapat ako nang makita ko si Barbitch. Eto na naman yung puso ko, hindi ko alam kung ano na namang problema nya. Parang gusto nyang kumawala.

Bagay na bagay sa kanya yung uniform nilang white. Napansin ko din na she's massaging her temple. Masakit ba ulo nya? Mukha din kasing kulang sya sa tulog. Ang puffy pa ng eyes nya, mukha syang bagong gising. I wonder kung anong pinagkakapuyatan nya. May boyfriend kaya sya? Lalapitan ko na sana sya nang bigla namang nagring yung phone ko. I answered it without looking kung sino man yung istorbong tumawag tsss.

"What?!" Sabi ko sa tumawag.

"Aba, Hoy Jennie Kim. Wag mo akong ma'what what dyan! Nasaan kana? Dumating na yung prof natin, may kinukuha lang sya sa office kaya you better hurry your lazy ass kung ayaw mong ma'late." Ayan na naman sya, ginagaya na naman nya ako hay.

"I'm on my way. Bye."

Mukhang ayaw talaga kami pagtagpuin ng panahon ah? I guess I'll just see her around.

ALL EYES ON ME [COMPLETED]Where stories live. Discover now