9

8.6K 172 21
                                    

9

Jennie

Nandito kami ngayon ni Chu sa restroom. Nag aayos for our last subject, PE. Ugh, ayoko talaga ng PE. Bukod sa ayoko ng napapagod ako, ayoko din ng pinagpapawisan ako. Paglabas ko ng cubicle, nakita ko si Chu na nags'stretching. Unlike me, Chu loves Physical Activities.

"Jendeukie, ano pang tinatayo tayo mo dyan? Mag stretching kana! Hindi ka pa namang sanay ng gumagalaw galaw."

"Pwede bang wag nalang pumasok ng PE? Ugh." Sabi ko kay Chu.

"Pwede naman. Hindi naman masyadong terror yung PE teacher natin. Kung gusto mo namang tumagal sa PE class nya e." Sabi ni Chu. Note the sarcasm. Terror kasi yung PE teacher namin. Palibhasa matandang dalaga e.

Pumunta na kami ng dance room kahit labag sa kalooban kong pumasok at sakto naman na nandoon na si Ms. Garcia. Sayaw dito, sayaw doon. After 2 hours that feels like forever, natapos na din kami. Nag ayos na agad ako ng sarili ko at ng gamit ko. Syempre, kailangan ko mag ayos ng sarili ko no. Baka mamaya makasalubong ko si Bar- eh ano naman kung makita nya akong ganito? Basta, kailangan ko lang mag ayos kasi I'm a model at ayoko masira yung image ko na yun.

"Jendeukie, hindi ka pa ba tapos dyan? Tayo nalang nandito oh? Bilisan mo please gusto ko na maligo." Pagmamadali naman sakin ni Chu.

"Oo na, eto na. Let's go." Sabi ko kay Chu. Palabas na sana kami ng dance room nung biglang dumating si Barbitch along with her friends. Ohmygod, Okay lang ba itsura ko? Hindi naman ba ako haggard? Nakatingin lang ako sa kanya. Papalapit sila samin. Shit, ang baho ko ata. Kilala na kaya nya ako?? Nakita kong tinulak nung isang babae na singkit yung kaibigan nilang lalake sa gawi namin ni Chu.

"Jendeukie! Barbitch is here. Ano gusto mong gawin ko? Should I call her?" Bulong naman ni Chu.

"No. I have a plan." Sabi ko naman at ngumiti sa lalakeng nasa harapan namin na nagkakamot ng batok. Infairness, gwapo sya at ang bango nya.

"Uhh, Hi Jennie! Ako nga pala si... Kai Alvarez. 1st year, BS Medical Technology and I uhh... I'm inlove with you." Pagpapakilala nung lalake. Medyo natawa ako sa sinabi nya. May pag'kamot ulit sya sa batok nya. Did he just confess to me? So medtech pala si Barbitch hmmm

"Did you just confess to me mister?" Sabi ko while still laughing.

"Yeah, I guess? Hehe, I know that's random but just so you know, crush kita. And I would love to take you out on a dinner.... if that's okay with you." Sabi ni Kai. Naghihintay sya ng sasabihin ko. Nakaisip ako ng plano.

"Yeah sure." Sabi ko tapos kumuha ako ng papel at ballpen then sinulat ko yung phone number ko.

"Just text me when and where" Sabi ko pagka'abot ko ng papel sa kanya tapos nginitian ko sya.

"Ohmygod, thank you Jennie! I will. I will text you!" Sabi ni Kai tapos bumalik na sya kila Barbitch. Napatingin ako kay Barbitch. Bakit parang wala sya sa mood? Sino bang kaaway nun?

"As much as I want to talk to you more, kailangan na kasi namin umuwi e. But, I'll see you around." Sabi ko kay Kai and umalis na.

Lumabas na kami ni Chu ng dance room. Nung nasa parking lot na kami, biglang nagsalita si Chu.

"Owwkay? What was that? Bakit mo binigay yung number mo sa lalakeng hindi mo naman kilala?" Takang tanong ni Chu.

"Diba sabi ko sayo kanina, I have a plan. And yun na yun. Yun yung plano ko. I will entertain that Kai, para mapalapit ako kay Barbitch. Ang tagal mo kasing mag isip ng plano e." Sabi ko kay Chu.

"What?! You're going to use an innocent man? Kitang kita namang gusto ka nya. Wag mo ngang paglaruan yung tao!"

"Hey, don't yell at me. Hindi ko naman sya gagamitin in a bad way e, I just want to know more about Barbitch. That's it." Pag depensa ko naman kay Chu. Totoo naman e, wala akong planong paglaruan si Kai. Mukha naman syang mabait e.

ALL EYES ON ME [COMPLETED]Where stories live. Discover now