Chapter 3
Jema Point of View
Nandito kami ngayon sa dugout ng filoil flying V centre, naghahanda para sa laban.
Ateneo at ang team namin ang nag-aagawan. Pag nanalo kami pasok kami sa final four, pero kapag natalo kami . . . Wala na.
Wala ng chance na makapagbigay ng championship sa adamson, last year ko na kasi.
"Ate Jema, sorry talaga sa ginawa namin kahapon." Sabi ni Thang at naupo sa aking tabi.
"Thang, kalimutan mo na. Mag-focus na lang tayo sa game."
Tumango naman ito. Maya't-maya pinalabas na kami. Ang mga taong humahanga samin ay nagsimula na sumigaw.
Lalong lalo lumakas ang sigawan nang lumabas ang mga Agila. Napaka-sikat talaga nila.
Napatingin ako sa main setter nila, yung pumalit kay ate Jia. Nagulat ako nang ngumiti ito sakin.
Close ba kami para ngitian niya ko?
Sa bagay wala naman masama kung nginitian niya ko, mas mabuti nga iyon.
"Jema!"
Nagulat ako nang may tumama sakin na bola, sa ulo ko pa talaga. "Aray!"
"Sorry po." Napatingin ako sa babaeng lumapit sakin. Agila pala ang nakatama sakin. "Sorry ms. Galanza."
"Okay lang. Sa susunod mag-ingat ka."
Tumango ito. Lumapit si Fhen samin. "Sa susunod mag-ingat ka. Nakakasakit ka ng iba."
Tumayo ako. "Wag ka makialam rito." Tumingin ako sa setter ng ateneo. "Pasensya na, makakabalik ka na sa team niyo."
Ngumiti ito at bumalik na nga sa team nila. Lumayo na ko kay Fhen at nagsimula mag-warm up.
<Fast Forward>
Ginawa ko ang lahat para mapanalo ang team pero kulang pa rin talaga, aalis ako sa adamson na wala man lang na naiwan na championship ni isa.
"Sorry ate Jema." Flora said.
"Kasalanan namin." Thang said.
Umiling ako at niyakap sila. "Hindi . . . . niyo kasalanan." I said while crying.
Niyakap ko sila isa-isa pwera lang kay Fhen, niyakap ko rin ang mga coaches at humingi ng tawad.
"Hindi mo kasalanan, Jema. Siguro hindi lang talaga para satin 'tong season 80." Coach Air said.
Napatingin ako sa mga lady eagles na masayang nagce-celebrate. Goodluck sa kanila . . . .
"Mareng Jema." Paglabas ko ng flying V ay sinalubong agad ako ni Cy ng yakap.
"Cy." Muli na naman akong umiyak. Ang sakit kasi eh. "T-talo a-ang team.""Shh . . Okay lang yan. Hindi mo naman kasalanan." Hinagod niya ang aking likod.
Pinakain niya muna ako sa isang restaurant bago ako hinatid sa dorm. Kakausapin sana ako ni Fhen pero tiningnan ko ito nang masama kaya hindi niya na naituloy ang balak niya.
Deanna Point of View
"Shit! Nag-stare down ako kay Jema." Halata sa boses ko ang aking guilty.
"Stop cursing, there are recorders."
"Sorry." I said.
Nang matapos ang interview ay tumungo na kami sa bus. Ano ba yan! Natamaan ko na nga siya kanina ng bola tapos na-stare down ko pa siya.
"Uy Deans, kanina ka pa hindi mapakali." Sabi sakin ni ate Jho nang mapansin ako.
"Eh kasi . ."
"Ano?" Tanong ni ate Mads.
"Nagi-guilty kasi ako sa ginawa ko kay Jema. Hindi ko siya dapat ini-stare down."
"Jusmiyo. Ayun lang pala. Eh nag-stare down ka rin naman sa ibang players pero bakit kay Jema ka lang guilty?"
Napalunok naman ako sa tanong ni ate Bea. "Huh? Eh . ."
"May gusto ka kay Jema?" Gulat na tanong ni ate Bea dahilan para batukan siya ni ate Jho. "Ouch!"
"Sira ka beh! Paano magkakagusto si Deanna kay Jema? Eh hindi niya nga kilala si Jema." Ate Jho said.
Bago pa ko nila matanong ulit, agad na akong bumaba ng bus. Grabe naman yung tanong ni ate Bea.
Pero teka nga. Ang dami kong na-stare down na player pero kay Jema lang ako naging ganito. Bakit kaya?
"Deans viral kayo ni Jema sa twitter." Sabi ni Ponggay.
"Oo nga, shiniship kayo ng iba. New love team daw kayo sa UAAP." Sabi ni Jules.
"Pero mas maraming DeanCci." Sabi ni Dani kaya tiningnan ko ito nang masama. "Peace."
Umakyat na ko para makapagpahinga muna, gigisingin naman nila ako kapag kakain na ng dinner eh.
<Fast Forward>
Kinabukasan ay maaga ako gumising at chinat si ate Jia. "Good morning ate Jia. ♥"
Naligo at Nagbihis ako tsaka bumaba. "Oh hi guilty girl."
Sinimangutan ko naman si ate Bea dahil sa sinabi niya. "Ate Jho si ate Bea oh."
"Bei tigilan mo si Deanna kung ayaw mo masaktan." Banta ni ate Jho.
Tumahimik naman si ate Bea. Dumeretso ako sa kitchen at tulad ng dati ay pupunta ako rito na may pagkain na.
"Kain na, Deans." Aya ni ate Mads.
Nagtimpla ako ng kape bago umupo sa tabi ni Cacee. "Te Mads, may training mamaya?"
Uminom muna ito ng kape bago nagsalita. "Wala daw sabi ni coach Tai kasi nanalo daw tayo against adamson."
"Yes!" Sabi ni Cacee kaya napatingin kami rito. "Ay sorry."
"Bakit masaya ka? May lakad ka noh?"
"Wala ah." Sagot nito kay ate Mads.
"Sus."
"Wala kang lakad? Samahan mo na lang ako sa mall, gusto ko mag-arcade."
"Uy sama ako." Sabi ni Dani na kakarating lang.
Nang matapos kami mag breakfast sabay-sabay kami umalis patungo sa BEG. Pagdating namin doon ay pinagpahinga ako ni ate Mads at si Ponggay tsaka Jules ang nag-ayos ng net. Hindi kasi sila kumilos kahapon nung training namin eh.
END OF CHAPTER
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT IF YOU LIKE THIS CHAPTER
.Hi, You may read this story on Dreame, and there's no need to be worried because it's still free.
PEN NAME: Mortal_blood