Chapter 11
Deanna Point of View
Nang matapos ang hapon na klase ko ay tumungo agad ako sa BEG. Wala akong nakita na Jema kaya naman lumapit ako sa mga ka-teammates niya.
"Hi Deans."
"Hello ate. Tapos na training niyo?" Naupo ako sa bench.
"Hindi pa, mamaya pang seven." Sagot ni ate Coleen.
"Nandito pala si Deanna eh." Sabi ni ate Jia nang makita ako. "Tapos na klase mo bata?"
Tumango ako. "Opo ate Jia."
"Good. Sama ka samin ni Alyssa, kakain kami sa labas."
"Libre niyo?" Nakangising tanong ko.
"Libre niya." Sabay turo kay ate Alyssa.
"Naku! Pasalamat ka Jia mabait ako kay Deanna."
Maya't-maya dumating si Jema, basa pa ang buhok. Ang hot! 🔥
"Hot." Bulong ko pero narinig pala ni ate Pau.
"Ikaw ah." She poked my waist.
"Jema si Deanna oh." Nginuso ni ate Kyla ang gawi ko.
Inirapan lang ako ni Jema at hindi pinansin. "Taray talaga."
"Anong sabi mo?!" Taas kilay niyang tanong at namaywang sa harap ko.
Tumayo ako at seryoso siyang tiningnan. "Sabi ko mataray ka."
"Aba't! Hindi ka marunong gumalang sakin ah."
"Anong gusto mo? Tawagin kitang ate Jema?"
"Hindi yan ang Ibig-sabihin ko." She said.
"Kung ganun, bakit sinasabihan mo ko na hindi marunong gumalang?"
"Ah . . Ah basta!"
"Hahahah! Talo ka pala mareng Jema eh." Kyla said.
"Hahahah! Tama na yan, Deanna tara na." Ate Aly said.
"Saan kayo pupunta?"
"Gusto mo sumama?" Ngising tanong ko.
"Kakain kami, sama ka Jema."
"Ay cge."
Nauna na umalis ang ibang teammates nila. Lumabas na rin kami ng BEG. "Deans kay Jema ka na sumabay."
"Pst! Sayo daw ako sasabay."
"Bakit? Wala ka bang kotse?" Kunot noong tanong niya.
"May nakita ka ba?" Sarcastic kong tanong.
"Tsk!" Pumasok na ko sa passenger seat ng kotse niya. "Atenista ka pero wala kang kotse."
"Queen Falcon ka pero sobrang sungit mo."
"Tse! Ganito talaga ako."
Habang nagdadrive ito ay pansamantala akong tumahimik. Nang mag-traffic ay saka lang ako muling nagsalita.
"Pst. Wag muna ako sungitan. Bati na tayo." She didn't speak. "Uy. Bati na tayo, please."
"Wag ka magulo."
"Hindi mo ba talaga ako gusto?"
Nakita ko ang paglunok nito. "Ikaw? Gusto mo ba talaga ako?"
"Oo naman."
"I think kilalanin na muna natin ang isa't-isa, kakakilala lang natin eh." She said.
"Matagal na kitang kilala, pangalan mo nga lang ang alam ko."
"Kasi wala naman tayo pakialam sa isa't-isa nun." Sabi niya at pinaandar na muli.
I nodded. Nang makarating kami sa restaurant ay nandun na sila ate Ly at ate Jia, nauna sila samin eh.
<Fast Forward>
"Jema, hatid mo na lang si Deanna. Kailangan ko na umuwi eh."
"Hindi, mag-grab na lang ako."
"Sumabay ka na kay Jema, okay lang naman kay Jema. Diba Jem?" Sabay tingin ni ate Ly kay Jema.
Nakangiting tumango si Jema. "Ako na po bahala kay Deanna."
Hinatid ako ni Jema sa eliazo dorm. "Salamat." Tumalikod na ko.
"Date tayo bukas."
Umawang ang aking bibig dahil sa narinig ko, muli ko siyang hinarap.
Jema Point of View
Hindi ko alam kung bakit ko na sabi yun. Siguro ito rin yung way para makilala namin lalo ang isa't-isa.
"Seryoso ka?"
Nakangiting tumango ako. "Oo."
"Cge."
Humakbang ako at hinalikan siya sa pisngi. "Pumasok ka na, bye." Sumakay na ko sa aking kotse at pinaandar na paalis.
Nakita ko sa side mirror na nakatayo pa rin ito at parang hindi makapaniwala na hinalikan ko siya.
Tsk! Parang pisngi lang.
<Fast Forward>
Pagka-gising ko palang sa umaga ay tinext ko na siya agad. "Good morning."
Nag-almusal muna ako bago naligo at nagbihis. Training na naman.
Habang nila-lock ko yung gate ay biglang nag-vibrate yung phone ko. "Good morning, may training ka?"
"Yeah, on the way na nga ako eh. Nga pala yung date natin mamaya."
"Text mo na lang ako kung anong oras." She replied.
"Cge."
Nang makarating ako sa CMS-Asia ay dumeretso agad ako sa third floor, kung saan ang court namin.
"Ganda ng ngiti ah." Ate Mel said.
"Syempre, in love si mareng Jema eh." Kyla said.
"Sila na ba ni Deanna?" Tanong naman ni ate Michele.
"Kikilalanin pa namin ang isa't-isa." Sagot ko.
"Ay taray! Ano yan? Koreanovela?" Asar ni ate Alyssa.
Umiling na lang ako at nakipag-text muna kay Deanna habang wala pa si coach Mark at coach Tai.
<Fast Forward>
Nandito kami sa coffee shop ni ate Alex tsaka ate Jia, lumalamon. Hahahah!!
"Jema, may nararamdaman ka ba talaga kay Deanna?" Ate Jia asked.
"Oo." Pag-amin ko.
"So kapag tinanong ka ni Deanna papayag ka?" Ate Alex asked.
"Oo. Ewan ko ba. Ang lakas ng dating sakin ni Deanna, siguro totoo nga yung love at first staredown."
"Yes naman." Sabi ni ate Jia.
"Baka naman may nararamdaman ka pa kay Fhen, siguraduhin mo munang wala kasi baka sa huli si Deanna ang kawawa." Ate Alex said.
"Sigurado na po ako. Isa pa ilang months na kaming hiwalay ni Fhen. Sigurado na ko kay Deanna, gusto ko lang muna kilalanin namin ang isa't-isa."
Nang natapos kami kumain ay nagsi-uwian na kami. Mamaya pa kaming magde-date ni Wong, gabi para romantic at wala masyadong makakilala samin.
END OF CHAPTER
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT IF YOU LIKE THIS CHAPTER
BUKAS NA ULIT!! 😴