Chapter 17
Deanna Point of View
Three Days Later . . . .
Kakatapos lang ng klase ko. Yes, back to school na ko. "Deans, sabay na tayo mag-lunch."
"Sama ako." Singit ni Ponggay.
"Libre mo." Sabay sabi namin ni Ron.
"Cge na nga."
Tumungo kami sa JSEC kung saan karamihan ng college students ay dito kumakain. Minsan dito rin sila nagsta-study.
"Order ka na, Pongs." I said and crossed my arms.
"Bakit ako? Ako na nga may sagot, ako pa rin oorder?"
"Ako na lang." Sabay tayo ni Ron at kinuha ang pera na binigay ni Ponggay.
"Uy Deans, hindi ba alam ni Jema ang tungkol sa pag-guest mo sa upfront kasama si Ricci?"
"Hindi. Isa pa nung sabado pa yun pinalabas."
"Ikaw ah, naglilihim ka kay Jema." She said.
"Ano ka ba, wala lang naman yun."
"Hm . . Ngayon replay nun eh, mamayang three o clock."
"Wala akong balak panoorin." I said.
"Ay grabe, akala ko ba gusto mo si Ricci?"
"Hoy wala akong sinasabi. Kayo lang naman ang nagsasabi niyan."
"Hm . . Masyado kang defensive." Pongs said.
Inirapan ko lang siya. Nang matapos kami kumain ag naghiwalay-hiwalay na kami ng landas.
May mga lakad pa kasi sila habang ako ay uuwi na para magpahinga. "Deanna!"
I looked at my back. "Oh ate Mads, bakit?"
"Darating daw yung mga bagong recruit ni coach O, yung mga pumasa sa ACET."
"Oh tapos?" I asked.
"Ikaw muna bahala, may lakad kasi ako eh. Diba uuwi ka na?"
"Ah cge ate, walang problema." Tumango ito tapos ay tumakbo na palayo sakin. Pagdating ko sa dorm ay si Ann lang ang tao. "Wala pa sila?"
"Halos lahat sila may lakad."
"Cge kwarto muna ako. Nga pala mamaya daw darating yung mga recruit ni coach O na nakapasa sa ACET, gisingin mo na lang ako."
"Yes." She said.
Umakyat na ko para magpahinga. Nagising ako bandang four o clock, chineck ko agad ang phone ko.
Bumungad sakin ang mga text ni Jema, dami ah. Miss ako? 😂 I checked her messages.
"Hey! San ka?"
"Uy Bb!"
"DEANNA WONG!! Wala kang sinabi na nag-guest ka pala sa upfront, kasama pa talaga ang Ricci na yun."
Fuck! Napanood niya? Shete! Baka iwanan ako nito.
"Hi Bb, kakagising ko lang." I replied.
Maya't-maya ay tumunog ang phone ko. Tumatawag siya. Huhuhuh! Kayo na po bahala sakin lord.
"Hello?"
"Ano Deanna Wong?! Ayun pala yung sinasabi mo sakin na shooting, may nalalaman ka pang shooting star diyan." She said.
"Sorry na, Bb."
"Tse! Ilang araw palang tayo, naglilihim ka na sakin." She said.
"Eh Bb nung shinoot namin yan, hindi pa tayo."